Chapter 32: Time limit (1)
"Please, Sab. Just this once! Samahan mo ako" I shrugged and shook my head. Hindi ko na alam kung ilang oras na niya akong kinukulit na sumama sakaniya.
"Ethan, kanina ko pa sinasabi sayo na hindi kita masasamahan. I want to be alone at isa pa, kaya mo naman na pumunta sa Batanes nang mag isa. Pasensiya na talaga"
Pwede ko naman talaga siyang samahan e. Gusto ko... pero hindi ko gustong balikan ang lugar na iyon. Napakaraming alaala na hindi ko gustong maalala, gusto ko nang makalimot kaya walang dahilan para balikan ko ang lugar na iyon.
"Sab naman, this is not just for me. It is also for you. Believe me, you're not going to regret everything" nakikita ko sa mga mata niya ang kagustuhan niyang sumama ako sakaniya sa Batanes. Hindi ko alam kung bakit pa niya ako pinapasama gayong kaya naman niyang mag bakasyon kahit mag isa lang siya.
"Sige, sasamahan kita, pero hindi sa Batanes. Pumili ka nalang ng ibang lugar"
"NO" Nagulat ako sa biglang pag sigaw niya.
"I... I mean, I h-have some important matters to do in Batanes too. K-kaya hindi pwedeng sa ibang lugar" I sighed. Napaka kulit talaga nitong lalaking 'to.I sighed
"Ok, fine. Sasama na ako" kitang-kita ko ang magkahalong emosyon na gumuhit sa mata niya.
Gulat, saya, at lungkot.
He held my hand tsaka siya saglit na ngumiti.
"You knew that I like you, right?" hindi ako sumagot at pinatapos ang gusto niyang sabihin.
"Remember that it will never change. You have this special place in my heart na walang sino man ang maaaring pumalit. I like you, Sabrina... Pero alam kong hindi ka sa'kin sasaya. Hindi ko na kailangang gumawa pa ng paraan para mapasaakin ka because in the first place, sakaniya ka na talaga. But thank you for being a good friend, thank you for staying with me"
--"A-ANONG GINAGAWA natin dito?"
Piniringan niya ang mata ko kanina nang makababa kami nang sasakyan dahil ang sabi niya'y may surprise daw siya saakin. And great, nasurprise talaga ako.
Nandito na kami ngayon sa harap ng pinto ng tinuluyan namin ni Richard dito sa Batanes noon. Paano niya nalaman ang lugar na 'to?
Paano niya nalaman ang bahay na ito?
"E-Ethan... Alis na tayo, please. Hanap nalang tayo ng ibang matutuluyan" tumalikod na ako at nakahanda nang mag lakad paalis nang pihitin akong muli ni Ethan.
"Sorry"
Napatili ako nang maramdaman ko ang pag angat ng mga paa ko mula sa lupa. BINUHAT NIYA AKO NA PARANG ISANG SAKO NG BIGAS! jusko naman!
"Ethan!! Ibaba mo nga ako!" Pinag susuntok ko ang likod niya pero parang hindi naman siya nasasaktan.
Sa bawat paghakbang niya papalapit sa pinto ng simpleng bahay ay siya namang pag bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ba ang pinaplano ni Ethan, hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa pero isa lang ang alam ko... Hindi magandang ideya na pumunta ako dito.
Ibinaba niya ako sa isang maliit na sofa. Nakahanda na sana akong bulyawan siya nang bigla siyang lumapit at hinalikan ako sa noo.
"I want you to be happy Sabrina. Hindi kasalanan ang maging masaya. Please, choose your self, for now." He smiled, pero hindi iyon umabot sa mga mata niya.
"I like you but good bye"Hindi ko namalayan na natulala na pala ako. Bumalik nalang ako sa huwisiyo nang marinig ko ang pagsara ng pinto.
"Ethan! Sandali!" tumayo ako at tumakbo upang buksan muli ang pintuan ngunit naka lock na ito. Kinalampag ko ang pinto, nagbabakasakaling balikan ako ni Ethan para makaalis na sa lugar na ito.
"Ethaaaan! Buksan mo na 'tong--"
"Now, I regret trusting that guy"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. My heart stops in an instant. Hindi ko 'man lingunin ang taong nagsalita sa likod ko ay alam na alam ko na agad kung sino ito.
"How dare him kiss your forehead in f*ckin' front of me, inside of our house?" Papalapit nang papalapit ang boses niya kaya siguradong palapit din siya nang palapit saakin. Nataranta na ako kaya mabilis kong pinihit ang doorknob at muling kinalampag ang pinto.
Kung titignan ako ngayon, mukha akong isang matatakuting na babae na hinahabol ng multo kaya gustong makalabas ng bahay.
"Ethan! Buksan mo na 'tong pinto. Please lang! Kapag may nangyari saki'ng masama dito sa loob, hinding hindi kita mapapatawad!"
"Stop wasting your strength, wala na si Ethan" Nagsitayuan ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang paghinga niya sa tainga ko.
Isang maling galaw ko lang ay magdidikit na kami. Ayokong mangyari yun dahil alam kong sa oras na magdikit ang mga balat namin ay hindi na kayanin ng puso ko at mayakap ko nalang siya nang basta.
I miss him so bad.
"Buksan mo ang pinto."
"No"
"Palabasin mo na ako dito"
"I can't"
"Pero bakit?!" halos pasigaw na tanong ko. Ano ba kasing kailangan niya?
Dahan-dahan niya akong inikot paharap sakaniya. Humarap ako pero pinipilit kong wag siyang tignan. Ayoko nang umasa, sa oras na magtama nanaman ang mga mata namin ay alam kong rurupok nanaman ako.
"Because you're now here with me, and I' am not that stupid to let you go again"
"Alam mo bang kidnapping 'tong ginagawa mo?"
"There's no way I kidnapped my own future wife" inosenteng tugon niya.
"Hindi ako ang mapapangasawa mo, ipapaalala ko lang sa'yo na ang babaeng pakakasalan mo ay si Tha---
teka nga! diba ngayon ang engagement party ninyo? b-bakit ka nandito?""Hmm. So you're still updated huh" napayuko ako sa sinabi niya. Aminado akong inaalam ko pa rin ang mga nangyayari sa buhay niya kahit pa nasasaktan ako sa mga nalalaman ko, hindi din naman mahirap gawin yun dahil isa siyang sikat na tao dahil sa kayamanan nila at isang click lang sa internet ay sandamakmak na information na agad ang lalabas patungkol sakaniya, lalo na ang information patungkol sa kasal nila ni Thania.
"L-layo!" Pigil ang paghinga ko dahil sa biglang paglapit ng mukha niya sa'kin. He's now smirking at na-corner na niya ako.
"We're staying here until they found us. And just to let you know miss, distance is not included on my vocabulary right now" and then he kissed me. Smack. At sa wakas, kahit papaano ay naglagay na siya ng kaunting distansya saaming dalawa. Sapat na para makahinga ako ng maayos at para kumalma nang bahagya ang puso ko.
He tsk'ed tsaka niya inangat ang isang kamay niya upang punasan ang noo ko.
"Who told him that he is allowed to kiss you? tsk. Akin lang 'to e"
BINABASA MO ANG
Loving mr.Rich Man
Teen FictionGaano nga ba kahirap mag mahal ng taong sa umpisa palang ay alam mo nang hindi para sa iyo? Mayaman, lumaki sa ibang bansa, at ikakasal na sa iba. Napaka layo. Tila napakahirap abutin kahit na isang pulgada lang ang lapit niya sayo. Parang may kung...