Chapter 21

887 19 9
                                    

Chapter 21: Love?

NASA sasakyan na kami at pauwi na sa mansyon. Pareho kaming nasa backseat ni Richard dahil nakabalik na sa trabaho si mang Berting, ang driver niya.

Kung minsan ay nakikita kong napapatingin si mang Berting sa rearview mirror ng sasakyan. Alam kong nagtataka siya kung bakit kasabay ako ni Richard dito sa loob. Hindi ko nalang ito pinansin dahil kahit ako ay nagtataka din kung bakit nandito parin ako sa loob gayong kasama namin ang driver niya. Tapos magkatabi pa kami. Sobra tuloy akong nahihiya kay mang Berting!

Pinilit lang naman ako ni Richard kanina na sumabay na sakaniya. Umayaw ako noong una pero wala na akong nagawa dahil ang sabi niya ay hindi niya ibabalik sakin ang cellphone ko kapag hindi ako sumabay sakaniya.

INIS parin ako dahil sa ginawa ni Richard kanina pero mas naiinis ako sa sarili ko.

Argh! Bakit ba parang nabitin ako sa halik na 'yon?!

"My mom" agad akong napalingon sakaniya. Hawak niya ang cellphone ko, nakakunot ang noo niya. Mukhang tumatawag si ma'am Ani saakin.

Napuno agad ng kaba ang dibdib ko. Alam kong tatanungin niya kung nagagawa ko ba ng tama ang pinapagawa niya saakin.

Anong isasagot ko?

Pakiramdam ko tuloy bigla ay sobrang sama kong tao. Is Richard cheating on his fiancé already? Kahit naman sabihin niyang hindi siya mahal ni Thania ay ikakasal pa rin naman sila. Hindi yata tamang lumalapit pa ako kay Richard gayong nalalapit na ang kasal nila.

Nagulat ako nang patayin ni Richard ang phone ko. Hindi niya sinagot ang tawag ng mommy niya.

"B-baka magalit si--"

"Just let it pass for now. Stop thinking about my mom's order hangga't wala siya sa mansyon, let's just enjoy being with each other without thinking anything or anyone" Deretso lang ang tingin niya sa daan. Seryoso na muli ang mukha niya.

Tumahimik nalang ako dahil kapag sumagot ako ay baka kung ano nang isipin ni mang Berting. Alam ko namang may iniisip na siya, pero ayoko nang dagdagan pa ang iniisip niya. Baka lumaki pa lalo ang kahaharapin naming gulo.

"Get in first, Berting. Sabrina and I just have something to talk about." Mang Berting just bowed his head tapos ay lumabas na ng kotse at pumasok sa mansion.

Hindi ko pa man naitatanong kung anong pag uusapan namin ay nahila na niya ako palapit sakaniya. I felt his lips brushed into mine.

Tumugon ako. Kusa nalang gumalaw ang mga labi ko para tumugon sa mga halik niya. Iba ang pakiramdam ko ngayon. Ramdam ko ang pangungulila, pagkasabik, takot, at...

Pagmamahal.

Ngunit ilang segundo lang ay pinilit kong ilayo ang mukha ko sakaniya. Narinig ko ang mahinang pag mumura niya nang gawin ko ito. Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha ko kaya gusto kong itago ito sakaniya ngunit huli na. Nakita niya na.

His eyes suddenly filled with worry.

Hindi ko mapigilang humikbi. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sakin. Ibang-iba na ako. Nag-mamahal ako ng isang lalaking ikakasal na sa iba. Pinapayagan kong halikan ako ng isang lalaking alam kong kailanman ay hindi maaaring maging akin.

Pakiramdam ko ay isa na akong kabit.

Sinapo niya ang pisngi ko, bumuka ang bibig niya ngunit isinara niya din ito agad. Hindi niya siguro alam kung ano bang dapat na sabihin ngunit nakikita ko sa mga mata niya ang sobrang pag-aalala.

Pinilit kong pinakalma ang sarili ko upang makapag salita.

"A-alam mo ba kung... Kung anong tingin ko sa sarili ko ngayon?"

"T-tingin ko ay isa na akong k-kabit" mapakpa akong tumawa habang patuloy ang pagtulo ng mga luha ko. Iniwas ko ang tingin ko sa mga mata niya dahil hindi ko kayang salubungin ito sa ngayon.

"Napakasama ko para hayaan ang sarili kong mapalapit sayo. Para hayaan kang halikan ako kahit na alam kong ikakasal kana."

"P-paulit-ulit ko namang ipinapasok sa utak at puso ko 'yon e... Na ikakasal kana. P-pero wala akong magawa. H-hindi ko na kontrolado ang buong katawan ko dahil ang puso ko na ang nagpapagana nito. W-wala akong magawa para pigilan. A-alam ko namang mali e... Alam kong bawal. Mayaman ka at isa lang akong katulong, napakahirap mong abutin. Hindi na dapat kita sinusubukan pang maabot." Pag-tutuloy ko pa kahit na nahihirapan akong mag-salita.

"Kaya pwede bang gawan mo ako ng isang pabor?" Hindi siya sumagot. Patuloy lang niya akong tinitignan habang hinihintay ang susunod kong sasabihin.

"I-ikaw ang lumayo. Alam mo namang mali na lumalapit ka sakin diba? K-kaya ikaw na ang gumawa ng paraan para--" he cut me off just by kissing me. Maiikli ngunit paulit-ulit. Pagkatapos ay niyakap niya ako.

In an instant, gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko. Napakarupok ko talaga.

"Staying away from you means suicide, Love. Ngayon pa ba ako lalayo gayong umamin ka na? Come on. I'am not that stupid to let you go, Sabrina. I said, I want you to fall inlove with me and based on what you said earlier... You can't get enough of me. Meaning, you are falling for me, am I right?"

Love? Love?!!

Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi niya dahil tila nag-echo ang endearment na sinabi niya sa utak ko.

"L-love?" Wala sa sariling lumabas iyon sa bibig ko. Gusto kong tanggalin ang dila ko dahil sa sinabi ko. Halatang-halata naman na big deal para sakin ang pagtawag niya saakin ng ganon. Aysh!

I saw him smile and then he slightly pinched my cheek.

"Yes. I know that I shouldn't be calling you that dahil hindi ko pa naaayos ang saamin ni Thania. But what can I do? It sounds so good when it came out from my mouth. I think I'm gonna get used to it" namamangha parin ako. Love means mahal, right? M-mahal na rin ba niya ako?

Napailing nalang ako sa isip-isip ko. Baka 'yon ang endearment nila ni Thania at na-miss niya lang na banggitin ang salitang iyon.

Kumirot ng kaunti ang puso ko nang dahil sa naisip ko. Sinasaktan ko lang ang sarili ko.

Muli akong napatingin sakaniya nang punasan niya ang pisngi kong puno parin ng luha gamit ang mga kamay niya.

"Thank God you stop scrying."

"I don't want to see those tears again, alright? Cheer up. Let's just enjoy the moment that is given to us. No mom, no Thania. Just the too of us" dahan-dahan akong tumango.

Gusto kong sundin ang puso ko.

"Now. Let's just clarify things here, Love. Are you now falling for me?" May ngisi na naglalaro sa mga labi niya.

Siya naman ang ngumiti.

"Masyado na tayong matagal dito sa kotse. Baba na tayo" binuksan ko ang pinto sa gilid ko at nagmadaling bumaba sa kotse.

Hindi pa ako handang umamin. Kung sakali man na ikasal na siya... Atleast, may natira pa rin ako sa sarili ko.

At 'yon ay ang hindi ko pag amin sakaniya.

Ang hindi ko pag-sasabi ng three magic words.

Loving mr.Rich ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon