Chapter 33

886 14 4
                                    

MERRY CHRISTMAS! 😙
--

Chapter 33: Time Limit (2)

"Bakit mo ba 'to ginagawa?" I asked.

"Because I want to, and I already said that I missed you" literal na umikot ang eyeballs ko dahil doon. Dapat pa ba akong maniwala?

Huminga muna ako nang malalim bago muling magsalita.

"Napapagod na ako" halos pabulong na saad ko. Hindi ako makatingin nang deretso sa mga mata niya. Hindi ako komportable na nandito kami sa iisang lugar, isang bahay, isang kwarto, at lalong hindi na ako komportable na nakaupo kami sa iisang kama.

Masyado siyang malapit. Mas malapit, mas nagiging mali. Hanggang kailan ba niya guguluhin ang puso ko, kailan ba niya balak na tigilan ako? kapag nagkapamilya na sila ni Thania?

"Then rest. Let's take a nap first, then we'll talk late--"

"Sa set up na ito. Pagod na ko dito" this time, sa wakas ay nagawa ko na siyang tignan. I don't want to show him my pain, pero hindi ko na kaya.
"Richard, kahit kailan ay hindi ko pinangarap na maging kabit. Kaya nagmamakaawa ako sa'yo palabasin mo na ako sa bahay na 'to para makalayo na ako say--"

"You know that you are not my mistress, Sabrina. You'll never be"

"Pero yun ang lumalabas na papel ko sa buhay mo, sa buhay ninyo ni Thania" hindi ko alam kung guni-guni ko lang iyon o tama ang nakita kong sakit na gumuhit sa mata ni Richard.

He cleared his throat and bowede his head.

"No one will leave this house until my mother knew where we are" napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang ikukulong niya talaga ako dito.

"Napaka makasarili mo, Richard. Hindi mo na ba inisip ang maaaring maramdaman ng mommy mo? Ginagawa niya ang lahat para sa ikabubuti ng business ninyo. Paano nalang kapag umayaw si Thania sa kasal? Everything will be messed up. Isa pa, hindi ba't ito ang pinangarap mo? Ang maikasal sa babaeng mahal mo? Ang maikasal kay T-Thania? Ano nang nangyari ngayon? Bakit parang binabalewala mo na ang lahat para lang jan sa laro mo?!"

Oo, alam kong naglalaro lang si Richard. Masaya siya dahil nalaman niyang mahal ko siya, kaya nandito siya ngayon para paasahin nanaman ako. At siguro, pinahihirapan niya rin si Thania sa kasal nila ngayon dahil pinahirapan rin siya nito noon.

Tama, napaka makasarili niya.

"Yeah, you can call me selfish. But what can I do? I just really want to be with you" nakayuko pa rin siya kaya hindi ko makita kung ano ang ekspresiyon ng mukha niya.

"To be with me? Kahit nakatakda na ang araw ng kasal niyo? Kahit engagement party niyo ngayon?" Nakita ko ang pagtaas baba ng likod niya, tanda na nagpakawala siya ng isang malalim na hininga bago siya muling bumaling saakin.

Namumula ang mga mata niya, maging ang ilong niya.

"Listen" tinitigan niya muna akong mabuti bago ituloy ang gusto niyang sabihin.

"Everything that I will going to say inside this house is true, so you must believe my words."

"Ha?"

"I don't love you" natigilan ako. Oo, alam ko naman na hindi niya ako mahal dahil kahit kailan ay hindi ito lumabas sa bibig niya... Pero hindi ko inaasahan na ganito kasakit.
"At first" hindi na nga yata gumaganan nang tama ang isip ko dahil hindi ko na naintindihan ang sinabi niya. Ang tanging alam ko lang ay masasaktan ako.

Hiniga niya ang katawan niya sa kama at ang mga paa'y nanatiling nakatapak sa sahig samantalang ako ay nanatili lang na nakaupo.

"Remember that day when I came back home from States? I was really mad at you back then. But when you cried in front of me, inside my car, I didn't know why I gave my handkerchief. I mean, for what reason? Ginusto ko naman talagang paiyakin ka" He chuckled. Nakatingin siya sa kisame habang nakaunan siya sa braso niya as if he was reminiscing every moment.

"but what makes me really wonder is when I felt so worried when you came home late. I called the police for help but they said that I need to wait for 24 hours to make them search for you, and that's b***sh**! I never thought that I called the police just because you came home late, I' am being paranoid and to tell you honestly, I never did that in my other maids for fete sake" I' am speechless. Ano ba itong sinasabi niya? Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

"And then that time came, you brought a guy, Ethan, to my house." Nagtagpo ang mga mata namin at ito nanamang puso ko ay sige nanaman sa pagwawala.
"You have no idea how much I want to explode that time. I knew that it is not about you, bringing a stranger to our mansion. But it is about you, bringing a man with you inside my house. I hate that feeling, but you continue to make me feel that feeling all over again whenever I saw you with that guy or with some other guy"

"You make me forget about Thania, about the upcoming wedding, about my mother. I just found myself wanting to be with you, to feel your addictive lips, and your presence. I just found my self... Loving you, Sabrina"

"M-mahal?"

"I love you, and that's the truth" ilang segundo akong hindi nakapag salita. My mouth's just hang open. At nang matauhan ako ay unti-unti akong umiling.

"H-hindi. H-hindi ko alam kung bakit mo sinasabi ang lahat nang 'to pero alam 'kong nagsisinungaling ka--"

Binalak kong tumayo at lumayo kay Richard pero nahuli niya agad ang kamay ko at nahatak ako pahiga sa dibdib niya. Kumawala ulit ako pero maagap niya akong niyakap upang hindi ako makawala.

"Everything I said and will say inside this house is true, Sabrina. Asahan mong totoo ang lahat ng lalabas sa bibig ko hangga't nandito tayong dalawa sa bahay natin. And now, I' am confessing my true feelings for you. I love you at hindi ko na ito kayang itago"

Is it my heart? Napakalakas ng kabog nito. Pero pakiramdam ko'y hindi sakin ang naririnig ko.

Kay Richard, naririnig ko ang tibok ng puso niya. Kasing bilis ito ng akin.

"Hear it? My heart can't lie."

"M-mahal mo nga talaga ako"

"Ye--"

"Naniniwala na ako pero please, bitawan mo na ako" Naramdaman kong sandali siyang natigilan pero kalaunan ay dahan-dahan na rin siyang bumitaw.

Tumayo ako upang titigan siya. Nakatingin siya sa kawalan at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
Dito na tuluyang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Naghahalo ang emosyon ko. Masaya ako pero may pumipigil.

"R-Richard m-mahal kita... mahal pa din kita. S-siguro kung noon mo sinabi 'yang nararamdaman mo, baka nagtatatalon na ako sa tuwa. Pero Richard, iba na ngayon, alam ko na kung ano ang tama at mali. Hindi ako pwedeng kumapit nalang sa mali dahil lang sa mahal natin ang isa't isa. Sawa na akong makasakit. Naging makasarili na tayo noon, tama na siguro yun. Noong pinili kita, nawala sa'kin ang dalawang ina ko. Nawala si nanay at si ma'am Ani. Ayoko nang may mawala pa kapag pinili ulit kita ngayon"

Kitang-kita ko ang sakit na gumugihit sa mata niya, it is clearly visible into his eyes. At nasasaktan din ako dahil doon pero mas nasaktan ako nang may makita akong isang butil nang luha na pumatak mula sa mga matang iyon. Pinunasan niya agad ito ngunit may isang butil pang pumatak.

Ito ang pangalawang beses na nakita ko siyang umiyak. Ang una ay dahil kay Thania. Hindi ako makapaniwalang ako ang nagiging dahilan ng kalungkutan niya ngayon.

Hindi ako makapaniwalang... mahal niya ako.

Hinawakan niya ang kamay ko at muli akong hinatak palapit sakaniya. Yakap na niya ulit ako. Mas mahigpit kaysa kanina. Puso niya lang ang naririnig ko kanina ngunit ngayon ay maging ang pag hikbi niya habang paulit-ulit na binabanggit ang mga salitang noon ko pa hinihiling na marinig mula sakaniya.

"Mahal kita"

Loving mr.Rich ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon