Chapter 30

852 25 8
                                    

Chapter 30:  Leaving

•Sabrina's POV•

Ang sakit.

Ang bigat-bigat na sa pakiramdam. Pakiramdam ko, sa araw-araw na dumidilat ako ay pawala na nang pawala ang buong pagkatao ko.

"Leave" bungad sakin ni ma'am Ani nang makapasok ako sa sariling opisina niya.

Hindi ko alam kung paano ako nakarating ulit sa mansyon habang lutang ang isip ko, dalawang linggo na rin ang nagdaan, mula kasi nang iburol si nanay ay hindi na ako nakauwi dito. Wala akong ginawa kundi magmukmok sa tabi ni Nanay, salamat nalang kay Ethan dahil hindi niya ako iniwan habang nagluluksa ako.

"I want you to leave, Sabrina. Now. Hindi ko kayang makita ang mukha ng taong sumira sa pagtitiwala ko"

May idudurog pa ba 'tong puso ko? Kasi kung meron, durog na durog na ko.

Tinignan ko ang mga gamit ko na nakalagay sa mga maleta. Nakahanda na ito nang dumating ako dito. Parang ako nalang talaga ang hinihintay.

kung sabagay, Pagkarating ko pa nga lang sa tapat ng mansyon ay pinapasok na agad ako ng guard at sinabing dumeretso ako dito sa opisina ni ma'am Ani.

"Ma'am--"

"Pinapalayas na kita, Sabrina! Ano bang mahirap intindihin dun?!" tumaas na ang boses niya. At mas nasasaktan ako nang dahil doon. Tinuring ko na siyang pangalawang ina.

"I trusted you. Ikaw pa ang pinagkatiwalaan kong sumubaybay sa anak ko pero ikaw pala 'tong aahas sakaniya." Parang unti-unti akong nabibingi dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"Pinag-aral kita, Sabrina. Pero para kang walang pinag-aralan sa ginawa mo! Pinag-sisisihan kong pinag-aksayahan kita ng pera. Nang dahil sayo, muntik nang hindi matuloy ang kasal ng anak ko at ni Thania, muntik nang bumagsak ang kumpanya namin. Kung hindi pa ako dumating, baka tuluyan mo nang nalason ang utak ng anak ko" buong akala ko ay naubos na ang luha ko kaiiyak sa pagkawala ni nanay. Hindi pa pala.

"Thanks to Sarah. Nang dahil sakaniya, nalalaman ko ang mga kalokohang ginagawa niyo ng anak ko" with that, parang tumigil sa pag ikot ang sarili kong mundo.

Sarah? si Sarah ang nagsasabi sakaniya?

"May pera na jan sa loob ng maleta mo. Siguro naman ay sapat na yan para makapag simula kayo ng panibagong buhay ng nanay mo. Pasalamat ka, dahil kahit papaano ay naaawa pa ako sayo. Umalis ka na"

Tulala akong lumabas ng opisina ni ma'am Ani.

Sobra na. Hindi ko na kinakaya ang lahat ng nangyayari pero kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko. Hindi ko na kinakaya ang unti-unting pagkawala ng mga mahahalagang tao sakin, pero kailangan kong tanggapin dahil wala naman talagang permanente sa mundo.

Siguro nga, ito na ang kabayaran sa mga kahibangang nagawa ko. Masyado akong naging matapang, hinangad ko ang langit kahit na alam kong hindi dapat.

Nakayuko akong naglalakad palabas ng mansyon. Bukod kasi sa punong-puno ng luha ang mukha ko ay ramdam ko rin ang mapanghusgang tingin ng mga kasambahay.

Nakatadhana na yatang husgahan ako ng mga tao.

"Sabrina!" humahangos na yumakap sakin si Sarah. Alam kong umiiyak siya dahil rinig ko ang mga hikbi niya.

Loving mr.Rich ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon