Kauis's POV
"Hindi ba si Azrielle 'yon?" ani Kristoff.
Nilingon ko ang direksyon na tinitingnan nya. Si Azrielle nga. Nakikipagtawanan sya sa mga kaibigan ng boyfriend nya. Mukha naman sya'ng masaya, pero sisiguraduhin ko na hindi nya ikatutuwa ang gagawin ko.
Hinugot ko mula sa bulsa ko ang cellphone ko para kunan ng litrato si Azrielle kasama ang boyfriend nya na patapon ang buhay. Sapat na ebidensya ang litrato para paniwalaan ako ni auntie Megan na may anumalya na ginagawa ang kaisa-isa nya'ng anak. Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Hinigit ni Joshua ang braso ko na ipinagtaka ko.
"Don't tell me gagawa ka ng eksena" pagbabanta nito sa 'kin.
"Josh, uuwi na 'ko. It's getting late, baka maunahan ako nila mommy sa mansion" pagsisinungaling ko. Sinigurado ko na convincing ang tono ng pananalita ko para paniwalaan nila. And besides, alam nila na ngayon ang uwi ng mommy at daddy mula sa business trip with their parents.
Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Joshua at binitawan na ang braso ko na hawak nya. "Siguraduhin mo lang na wala ka'ng gagawing kalokohan, Kauis" huling paalala nito sa 'kin. Tinanguan ko lamang sya bilang tugon. Matapos ang usapan namin ni Joshua nagmadali ako sa pag sakay ng kotse, sinigurado ko na hindi ako makikita ni Azrielle dahil panigurado makikipag-unahan sya sa 'kin na makausap ang mommy nya.
Habang nagmamaneho dinial ko ang number ni auntie Megan. Sa kanya na ako dumirekta dahil ayoko magpaligoy-ligoy. Isa lang naman ang gusto ko mangyari, ang mag transfer si Azrielle sa DAU. Makalipas ang ilang segundo sinagot na ni auntie Megan ang tawag ko. Lumawak ang ngiti sa labi ko dahil sa pag sagot nya. Hindi talaga nya ako matitiis.
"Bakit ngayon lang tumawag ang paborito ko'ng anak ni Luis?" masayang bati ni auntie Megan sa 'kin.
"Auntie, may kailangan ka malaman" nagkunwari akong dismayado sa nakita. Nanatiling tahimik si auntie Megan na naghihintay sa susunod kong sasabihin. "Si Azrielle kasi" sinadya ko na hindi ituloy ang sasabihin ko. Sigurado ako na sasabihin nya sa 'kin na dumiretso ako sa mansion nila para mapag-usapang mabuti ang tungkol sa anak nya.
"Dumiretso ka na rito sa mansion, Kauis" naglaho ang saya ni auntie Megan. Umuusok na ang tenga nya sa galit ngayon, at konting kumbinsi ko pa sa kanya ipapaubaya na nya sa 'kin ang anak nya na matigas ang ulo. Kailangan maturuan ng leksyon ang isang 'yon, hindi marunong madala.
Makalipas ang sampung minuto narating ko na ang mansion nina auntie Megan. Agad naman ako sinalubong ni mang Selso. "Saan ko ito ipa-park, Kauis?" mang Selso asked me after I hand him the key.
"Sa hindi makikita ni Azrielle" tugon ko sa kanya at walang ano-ano na pinasok ang mansion. Namataan ko si auntie Megan na nakaupo sa sala. Kaharap nya ang mommy at daddy. Bakit nandito sila?
Tumayo si mommy mula sa pagkakaupo ng makita ako. "My son" salubong na bati sa 'kin ni mommy kasabay ng mahigpit na yakap. Akala mo naman isang dekana kami hindi nagkita. "May sasabihin ka raw sa auntie Megan mo?"
"Umm, yes po" tugon ko sa kanya. Masyado akong abala sa pagkain ng homemade lasagna ni auntie Megan para tuunan sila ng pansin ngayon, tsaka hindi naman ako nagmamadali. Gusto ko lang na mauna ako rito sa mansion nina Azrielle para hindi na sya makagawa ng excuse.
"You want more?" ani auntie Megan. Inilingan ko sya bilang sagot. Inabot ko ang mango juice na galing pa sa factory namin. Paano ko nalaman? Tuwing bibisita kasi rito si mommy kung hindi isang truck na pinya ang dala nya, manga. Nagtataka nga ako kung bakit hindi nagsasawa si auntie Megan.
Muli ko inilapag sa lamesa ang baso, wala na 'yon laman. "You know what, auntie? Ito ang dahilan kung bakit gusto ko makapangasawa ng tulad mo" pambobola ko sa kanya. Malapit na ang pasko dapat magpakabait na ako.
YOU ARE READING
When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)
RomanceI honestly don't like Kauis de Arciego. My friend Niana just introduced him to me that's why I knew him. I don't even know that he's a de Arciego, an heiress. I often saw him on bars and clubs dancing with different girls, touching parts that he lik...