Pag mulat ng mga mata ko parang ayoko na lang simulan ang araw. Hindi pa ako nakakabawi sa pagod ko kahapon. Ultimo sa panaginip ko kinakabisado ko bawat lugar na may lupain ang de Arciego, kung ilang ektarya, kung kailan binili at kung magkano ito ibinenta ng dating nagmamay-ari. Iniisip ko na lang na matatapos din ito pero ang totoo mukhang hanggang nabubuhay ako at hindi nakakapag-asawa ang anak namin ni Azrielle ako ang hahawak sa kompanya. Wala akong nagawa kung hindi ang bumangon mula sa pagkakahiga. Panigurado si Azrielle nag-aayos na rin para pumasok. Isa pa ang pag aaral sa problema ko, paano ko magagawa pag sabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral? Sa trabaho pa lang bagsak na ang katawan ko. Hindi ko naman pwede isakripisyo ang pag-aaral ko dahil last year ko na ito. Binalak ko magbabad sa bath tub para makapag-pahinga ng kahit limang minuto pero sumagi sa isip ko na kung maaga ako papasok sa opisina maaga rin ako makakauwi. Ni hindi ko na nga nakausap si Azrielle kinagabihan dahil sa sobrang pagod ko. Pakiramdam ko mapapabayaan ko sya sa naging desisyon ko. Pero hindi ko pwede bawiin ang sinabi ko kay mommy. Baka habulin nya ako ng itak pag nagkataon. Napag-igtad ako sa pagkakatayo nang bumukas ang pinto ng banyo. Sumalubong sa akin ang maamong mukha ni Azrielle. Ginawaran ko sya ng malaking ngiti pero sinimangutan nya ako. "Anong problema mo?" takang tanong ko sa kanya habang sinasabon ang katawan ko. "Ihahatid kita sa LPU" walang pag aalinlangan na sabi ko. Hindi naman siguro ako makikilala ng mga estudyante ron.
Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Azrielle. Napansin ko ang pag sandal nya sa pinto habang nakahalukipkip ang magkabilang kamay. Ano na naman kaya ang iniisip nya? "Ihahatid mo 'ko? Paano kung makita ka nila? Panigurado magkakagulo. Alam mo naman ang sitwasyon ng mga de Arciego at Patricialo. Ako pa nga lang nabu-bully na dahil sa interview natin noon kay Mirae. Tinawagan ako ni Dean kahapon, ang sabi sa 'kin mapipilitan sila tanggalin ako sa Dean's Lister kung patuloy ako makikipag-mabutihan sa 'yo. Pinaliwanag ko na hindi na kita maiiwasan dahil magkakaanak na tayo" binalot ng inis ang tono ng pananalita ni Azrielle. Mukhang hindi naging maayos ang usapan nila ng Dean ng school. Ang mga Patricialo lang naman ang gumagawa ng gulo. Madalas sila magpakalat ng mga balita na walang katotohanan tungkol sa DAU at sa lahat ng de Arciego. Sa pagkakatada ko may pagkakataon pa nga na sa sobrang galit ni daddy Luis kinasuhan nya si Don Lucas. Pero hindi umusad sa korte ang kaso dahil sa koneksyon nya. "Sa sobrang galit ko napagtaasan ko sya ng boses. Bakit nila kailangan pakialaman ang personal kong buhay? Desisyon ko na bumalik sa 'yo, wala silang pakialam don. Tapos tatawagan nya ako para pagbataan. Akala siguro matatakot nya 'ko. Baka bilhin ko pa ang mga Patricialo. Sobrang mahal ng tuition fee akala mo naman magagaling ang mga nagtuturo. Kung hindi ko pa aaralin mag isa ang topic hindi ko pa maiintindihan. Ang sabi pa nya sa 'kin h'wag na raw ako mag tangka na pumasok dahil drop out na ako. Subukan lang nila. Matagal na ako nagtitimpi sa Misis Romero na 'yan. Simula nang ipa-date nya sa 'kin ang anak nya at hindi ko nagustuhan lagi na ako pinag-iinitan. Kasalanan ko ba na bakla ang anak nya? Palibhasa hindi nya 'yon alam kaya kung makaasta akala mo sya ang panginoon. Tuwing magkakasalubong kami sa corridor lagi nya pinaalala sa 'kin na mali raw na hindi ko binigyan ng pagkakataon ang anak nya. Hindi ko lang masabi na hindi babae ang gusto ng anak nya dahil panigurado sasabunutan ako ni Terrence"
"Tutuloy na ba tayo, Kauis?" ani mang Domingo. Tanging iling lang ang itinugon ko sa kanya dahil abala ako sa paninitig kay Azrielle. Kasalukuyan nya binabaybay ang papasok ng LPU. Matatalim ang tingin sa kanya ng bawat estudyante na madadaanan nya. Nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga bago umibis ng sasakyan. I won't let them treat my baby like that. "Kauis, saan ka pupunta?!" sigaw ni mang Domingo nang iwanan ko sya sa sasakyan. Desisyon nya na kung susunod ba sya sa 'kin o hindi. Pero tingin ko hindi nya ako pababayaan. Walang ekspresyon ang mukha ko pinasok ang LPU. Sinusubukan ako pigilan ng mga gwardya pero hindi ako nakinig. They're not Azrielle, why would I listen? Bawat estudyante na kanina'y matalim ang mga tingin ngayon ay parang maaamong pusa. Akala ko ba maraming matapang dito? Lagi sa balita ang school na ito, kung hindi ramble, may nagpatayan. Bakit wala akong makita ngayon? Nabahag ba ang mga buntot nito? Malokong ngiti ang kumurba sa labi ko nang ultimo guro ay napatakbo sa takot ng makita ako. Mukha ba akong nangangain ng tao? Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit panay ang pag harang sa akin ng mga gwardya. Mukha sila nakikipag-patintero sa amin ni mang Domingo, dapat pala isinama ko ang mga pinsan ko para may kalaro sila. Hindi napansin ni Azrielle ang presensya ko kaya nagpatuloy lang sya sa pag lakad. Nakayuko sya dahilan kung bakit hindi nya napansin ang babae na nakaharang sa dinaranan nya. You mess with the wrong person. Sino ba ang dagang 'to? Nang mabungo sya ni Azrielle bumagsak ang mag libro na hawak nya. Pinahirapan pa ang asawa ko. You're dead! Hinigit ko ang braso ni Azrielle dahilan ng pagtaas ng tingin. Kitang-kita ko ang gulat sa mukha nya, nanlalaki ang mga mata habang naka umang ang bibig. Ginawaran ko lang sya ng malaking ngiti kasabay ng pag bawi ko sa mga libro na hawak nya. Magsasalita sana nya pero naunahan sya ni mang Domingo. "Kung hindi kayo titigil sa pang-aabala na ginagawa nyo sa amo ko mapipilitan ako patulan kayo. H'wag nyo ako hamunin, gwardya lang kayo, driver ako" mariing sabi ni mang Domingo. I'll let him deal with them, kailangan ko asikasuhin ang asawa ko.
YOU ARE READING
When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)
RomanceI honestly don't like Kauis de Arciego. My friend Niana just introduced him to me that's why I knew him. I don't even know that he's a de Arciego, an heiress. I often saw him on bars and clubs dancing with different girls, touching parts that he lik...