Kabanata 20

38 6 0
                                    

Napaigtad ako mula sa pagkakaupo nang bumagsak ang hawak ni manang Tina na baso. Agad ko sya dinaluhan para tulungan sa pamumulot ng mga bubog. "Kauis, kumain ka na ron, dumulas lang ito sa kamay ko" ani manang Tina na ngayon ay nanginginig ang kamay. Mukhang napansin nya ang paninitig ko sa kanya kaya nagtaas sya ng tingin sa akin. Namumutla sya at pawisan. Ayos lang kaya sya? Nag gawad sa akin ng pilit na ngiti si manang Tina, hindi ako kumbinsido na wala sya'ng dinaramdam. "Hay nako, bata ka" aniya kasabay ng pag tayo mula sa pagkakaupo. Tinalikuran nya ako para kunin ang walis at dustpan. Pag balik ay inagaw ko sa kanya ang hawak, ako na ang gagawa nito. "Oo na, alam ko na ang iniisip mo. Ang bigat kasi ng pakiramdam ko, wala ako'ng sakit pero masama ang kutob ko. Kung h'wag na lang kaya kayo umalis magpipinsan? Sigurado ako na may hindi tama na mangyayari. Ipagpaliban nyo na lang, Kauis. Nakikiusap ako sa 'yo" binalot ng pangamba ang tono ng pananalita ni manang. Kahapon ang nasa kalagayan nya si Azrielle at Papalo, ano ba'ng nangyayari sa kanila?

"Manang, hindi po pwede dahil naghihintay na si papalo sa hacienda. Panigurado magagalit 'yon kung hindi kami tutuloy, kilala mo naman 'yon, manang, pag sinabi kailangan gawin. 'Tsaka wala'ng mangyayaring masama, iniisip mo lang po 'yon kaya kinakabahan ka" paunang sabi ko habang patuloy sa pagwawalis, baka kasi may maiwan, panigurado may masasaktan dahil lagi tumatakbo rito ang batang anak ni ate Mae tuwing umaga dahil ayaw maligo. Nang masigurado ko na wala ng natira nagtaas ako ng tingin kay manang Tina. Nakagabay sya sa upuan dahil sa nanghihina ang mga tuhod. Sinenyasan ko si manang Tesa na kunin ang dustpan at walis bago ko daluhan si manang Tina. Bakas sa mukha nya ang pag aalala pero para saan? "H'wag ka na po mag alala. Makakabalik kami rito nang walang nalalagas sa amin. Manang, kasama ako ng mga bata, h'wag ka na mag alala"

Nagpakawala si manang Tina ng mabigat na buntong hininga kasabay ng pag talikod sa akin. Naupo sya at sinenyasan si manang Tesa na ikuha sya ng tubig dahil sa naninikip na ang dibdib nya. "Iyon na nga ang ikinakakaba ko. Ikakasal ka na, Kauis, hindi mo ba alam na lapitin ka ng aksidente? Paano kung mapahamak ka? Kung bakit kasi kailangan na kasama pa kayo'ng magpipinsan sa pag dakip kay Kajil. Hindi ba pwede na ang mga pulis na lang ang gumawa ng trabaho nila? Bakit kailangan nyo makialam? Panigurado maiintindihan ni Rafael kung hindi kayo makakarating. Hindi ito ang panahon para mag matigas ka. Kung ayaw mo makansela ang araw na ito, ang kasal mo ang isakripisyo mo" mariing sabi ni manang kasabay ng pag inom ng tubig na ibinigay ni manang Tesa. Bagsak ang balikat ko na nakatuon ang paningin sa kanya. Hindi ko pa rin makuha ang punto para pigilan nya ako.

"Bakit, kuya, ano'ng sabi ni manang Tina?" ani Zyde na kasalukuyan pinaliliguan ng pabango ang damit. Hindi ba nya naaamoy na masakit sa ilong? Pabuwal ako naupo sa tahimik na nagmamasid na si Synclair. Anong problema ng isa'ng 'to? "Ayaw ka rin pasamahin ni manang Tina, ano? Ganon din ang sinabi sa amin ni tita Tamara, ikakasal ka na raw kasi. Ang sabi namin susubukan ka namin pilitin h'wag sumama at si Cole na lang ang ipapalit namin sa 'yo dahil sya naman ang sumunod kay Knight" sunod na sabi pa nya ng hindi ako nililingon. Abala pa rin sya sa sarili. Binungo ko ang balikat ni Synclair dahilan ng pag lingon nya sa akin. Inginuso ko si Zyde dahil naiirita na ako sa mga sinasabi nya. "H'wag mo 'yan kumbinsihin na pigilan ako dahil isa 'yan sa kumokontra na sumama ka sa 'min. Ang sabi masama raw ang kutob nya. Alam mo naman 'yan, lahat ng sinasabi nagkakatotoo. Hinihintay ko na nga lang na sabihin nyan na magkakaanak na ako"

Binato ko kay Zyde ang throw pillow dahil sa pagiging mapamahiin nya. "Pwede ba, Zyde, h'wag ka nagpapaniwala kay tita Tamara. Wala ng ganon ngayon, 2020 na. Matutuloy ang kasal ko kahit sino pa ang humadlang. At saka, kasama natin ang mga pulis, walang mangyayaring masama. Makakabalik tayo rito sa Casa de Arciego nang walang nasasaktan sa atin" ani ko dahilan ng pag ikot ng mata ni Zyde. Bakit ba ayaw nila ako paniwalaan?

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Kasi kung nagdadalawang isip ka pwede naman natin ito i-reschedule panigurado maiintindihan naman 'yon ng mga pulis. 'Tsaka ipinaalam na rin namin kay Papalo ang mga naririnig namin na bulungan dito sa Casa de Arciego na hindi ka talaga pwede sumama sa opirasyon. Ang sabi nya maiintindihan nya kung hindi ka makakarating. It's better for you not to come. Spend your day na lang with ate Azrielle. Make babies gusto namin pag balik namin may pamangkin na kami. At alam ko rin na 'yon ang gusto mo. But in the end desisyon mo pa rin ang masusunod. Ang sakin lang piliin mo ang sarili mo ngayon" ani Ian na abala sa pagsasakay ng mga gamit sa trunk ng kotse nya. Ang plano kasi nila ni Syncliar mag stay ng limang araw sa hacienda bago mag balik sa training at sa pag aaral. Imbis na kontrahin ko pumayag na lang ako dahil mukhang kailangan ko rin ng break sa dami ng problema. Mabuti sana kung pera ang pinoproblema ko madali masulusyunan pero hindi, babae. Namahinga ako sa kotse ni Ian habang nakatukod ang paa ko. Itinulak nya ako palayo dahilan kung bakit nadikdik ang mukha ko sa bintana ng kotse ni Knight. "Dumihan ba? Isang taon ko itong allowance tatapakan mo lang" aniya habang pinupunasan ang kotse na hindi naman nadumihan.

When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)Where stories live. Discover now