Kabanata 33

60 4 0
                                    

"May pinapabigay sa 'yo ang mga bata" masayang salubong sa 'kin ni Janeth. Dahil nga sa umiinom ako ng kape hindi agad ako nakatugon. Itinuro ko lang ang sarili ko habang nanlalaki ang mga mata sa gulat. "Oo, sa 'yo nga. Ang sabi sa 'kin pa-thank you raw nila sa eskwelahan na pinagawa mo para sa kanila. Hindi na raw nila kailangan mag lakad ng ilang oras para makapag-aral" aniya na may malaking ngiti sa labi. Inilapag nya sa lamesa ang dalawang kahon. Wala akong ideya kung ano ang nilalaman nito. "Tinanong nila ako kung ano pa ang kailangan mo kahit na sa 'yo na ang lahat. Ang sabi ko hindi mo naman kailangan ng materyal na bagay dahil hindi ka ganon klase ng tao. Sinabihan ko na lang sila na sulatan ka. Kahapon lang namin 'yon napag-usapan pero kinaumagahan dinala sa 'kin ni Jouvert ang mga kahon na ito. Lahat ng estudyante rito sa hacienda sinulatan ka. Nakakita pa nga ako ng isang buong manila paper" kumurba ang ngiti sa labi ko dahil sa galak. Dali-dali ko binuksan ang unang kahon. Mga sulat kamay nga nila ito. "Paano, Kauis, mauuna na ako dahil ihahatid pa namin ni Arthur ang mga bata"

"Sige, mag iingat kayo. Salamat sa pagdadala nito rito. Pakisabi sa mga bata salamat din" nang tuluyan na umalis si Janeth nag simula na ako mag bas ang sulat. Una kong nakuha ang kay Beatrice. Anak sya ng taga pamahala ng mangahan. Madalas kami magkausap dahil sa lagi rito sa mga magulang nya para isanguni sa 'kin kung ano ang kalagayan ng mga bunga. Matalino syang bata kaya nagkakasundo sila ni Akielle. Nakakalungkot lang dahil walong taong gulat na sya pero nasa unang baitang pa lang. Bumuhos ang malakas na ulan. Imbis na ang telepono at laptop ko ang bitbitin ko ang mga kahon ang isinalba ko. "Makakabili naman ako ng panibago" ani ko. Tumalikod na ako at hinayaan ang mga gamit ko na mabasa ng ulan sa hardin. Nang makasalubong kami ni Azrielle sa hagdan ng mansyon agad nya inusisa ang mga dala ko. "Sulat ng mga bata para sa 'kin. Nabasa ko na 'yung kay Beatrice. Kaso umulan kaya hindi ko naipagpatuloy"

"Kung hindi mo masusundo ang mga bata mamaya, pwede naman na ako na lang muna" ani Azrielle. "Nag sabi rin sa 'kin si Akira na gusto nya raw mag shopping after school. Pero si Akielle ayaw nya. Ihahatid ko na lang sya rito tapos ikaw na ang bahala. Kayong dalawa naman lagi ang nagkakasundo. Pero Kauis, hindi pa rin ako pumapayag na turuan mo mangabayo ang anak mo. Masyado pa bata si Akielle para ron. H'wag mo subukan ang pasensya ko. Sundin mo na lang ang gusto ko. Naiintindihan mo ba?" maotoridad na saad ni Azrielle. Hindi ko alam kung ano ang mali sa pagturo ng pangangabayo sa bata sa murang edad. Noon mas bata pa ako tinuruan ni papalo mangabayo. "H'wag mo nga ako ngusuan. Alam ko ang iniisip mo, Kauis. Ngayon pa lang binabalaan na kita na h'wag mo gawin" aniya. Dahil sa inis nag martsa na lang ako papanik ng kwarto. Lahat na lang bawal. "Kauis" marahang pag bangit ni Azrielle sa pangalan ko. Huminto ako sa paglalakad para harapin sya. Mukhang hindi pa sya tapos ihabilin sa 'kin ang mga dapat at hindi dapat gawin. "I love you" malambing na sabi nito habang may ngiti sa labi. Umumang ang bibig ko sa gulat. Ngayon na lang ulit nya sinabi na mahal nya 'ko. Hindi nya ako binigyan ng pagkakataon para sumagot. Tinalikuran na nya ako at nag tungo sa kusina para ipagluto ang mga bata ng pananghalian nila. Mula sa sala ng mansyon narinig ko ang mahinang hagikgikan ng mga kasambahay. Nang balingan ko sila ng tingin panay ang tulakan nila sa isa't isa. Mukhang nagpipigil sila ng kilig dahil sa nasaksihan. They're still not used pag nilalambing ako ni Azrielle.

"Dad, hindi po ba ang sabi ni mommy papayag lang sya na makasal kayo if tapos na ang school and hospital?" ani Akielle na abala sa pagkain. Bakit naman nya naitanong? "Kasi 5 months na po tapos ang construction ng school and hospital. May mga gamit na rin, nakakapasok na ang mga students and 'yung sa hospital nagagamit na rin for emergency purposes kahit labing dalawa pa lang ang mga doctor at hindi pa gaano stable" aniya. Binitawan nya ang hawak na kubyertos para ituon sa 'kin ang buong atensyon. Hindi ko makuha ang punto nya. "Naisip ko po na bakit hanggang ngayon hindi nyo pa rin inaayos ang tungkol sa kasal nyo? You don't have to worry about anything, dad, naayos na namin ni Akira. All you have to do is to ask mom again if gusto nya pa rin magpakasal sa 'yo. Last month pa namin napag-planuhan ito ni Akira. We decided na ipaalam sa inyo sa family day but since I can't hide my excitement nasabi ko na sa 'yo. Just act shock pag nalaman na rin ni mom. And of course make your move" prente na sabi ni Akielle na animo'y kasing edad nya lang ako. Hindi ko magawa tugunan ang inilahad nya sa 'kin dahil sa sobrang pagkabigla. Limang taong gulang pa lang sya pero kung mag salita dinadaig si papalo. "Kaya nabuo ang plano because of Falome Gime. Ang sabi nya friend nyo sya. I talked to him yata once or twice a week para sa designs ng gown ni mom and ng suit mo. Nabanggit nya sa 'kin na ang sabi raw ni mom noon na she wanted to look like Cinderella and no belo sana for her wedding gown. Iyon ang ginawa ni tito Fal. He sent me the designs, since wala akong alam sa fashion si Akira ang pina-handle ko. Ang sabi nya maganda raw at bagay kay mommy. Kaya we both agree na lang. The theme of the wedding is silky gold. Since sobrang common ng gown sa mga kasal, Akira suggested na instead na mag wear ng long gowns ang mga abay's and ninang's mag dress na lang sila. Lahat ng 'yon si tito Fal ang mag de-design at gagawa. Magbabayad na lang tayo. About sa church na kakasalan nyo, napili namin ni Akira sa Barasoain Church. It's located kasi sa Malolos Bulacan. 5 minutes lang ang travel time papunta sa resort ni tito Ian kaya hindi magugutom ang mga bisita. Naka-schedule na po ang kasal sa birthday namin ni Akira, September 16. Sa catering naman, si tita ninang Eunice ang umayos. Ang sabi nya sa 'kin reregaluhan nya kayo ng trip to Paris ni mommy para sa honeymoon nyo. I wish pwede kami sumama ni Akira but no. Mag enjoy na lang kayo ron. Dapat pag uwi nyo may little sister or brother na ako. Nakakasawa na kasi ang mukha ni Akira" matapos ilahad sa 'kin ni Akielle ang buong plano inabot nya ang baso sa harap na naglalaman ng tubig. Sa haba ng sinabi natuyuan ng lalamunan. "Dad, wala ka man lang ba sasabihin? Tutulala ka lang d'yan na parang ikinabigla mo pa ang pakikialam namin?"

When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)Where stories live. Discover now