"Good morning, sir Kauis. Ano po'ng kailangan nyo?" salubong sa akin ng sekretarya ni mommy na si Glidieal. Nakabalik na kami ni Azrielle nang Maynila noong makalawa, matapos noon hindi ko na sya nakita, ganon din si mommy at daddy kaya ako na lang ang nagpasya na bumisita sa kanila. Hindi rin naman ako ang sabi na nakabalik na ako kaya siguro tinuon na lang nila ang buong pansin sa pagtatrabaho.
"Nandyan si mommy?"
"Opo. Nasa office nya"
"Is she busy? Ayoko kasi na maabala sya"
"Hindi naman po. Kakatapos lang ng conference kaya nagpapahinga sya"
Sa inanunsyo na iyon ni Glidieal agad ako nag tungo sa opisina ni mommy. Kumatok muna ako bago tuluyan pumasok. "Ma..." paunang sabi ko. Nagtaas naman agad ng tingin sa akin si mommy sabay tayo sa pagkakaupo dahil sa gulat. Sinalubong nya ako ng mahigpit na yakap kasabay ng paulit-ulit na pag halik sa pisngi ko. "Dad si mommy nga po"
"Julia, ano ka ba naman? Binata na ang anak mo" ani daddy sa mapanuyang tono ng pananalita. Naupo ito sa couch habang sumisimsim ng kape at ang buong atensyon ay nasa amin ni mommy. "Anong balita sa inyong dalawa ni Azrielle?" aniya habang may malokong ngiti sa labi. "Hindi ka man lang yata naka second base"
"I don't want to talk about it" giit ko. Nag tungo ako sa refregirator at kumuha ng bote ng tubig. Pag harap ko ang paningin nila ay nasa akin. Nanlalaki ang mga mata ni mommy habang si daddy malaki ang pagkakangiti sa 'kin. "What?" ani ko. Naupo ako sa tabi ng kinauupuan ni daddy. Agad naman nya ako inakbayan kasabay ng paglalahad ng kamay sa akin.
"Congratulations"
"Anong congratulations? Bata pa ang anak mo, Luis, para sa ganon!" paghuhurumentado ni mommy habang panay ang pag hampas sa braso ng daddy. "Kaya kung sino-sino ang inuuwi nyan sa unit nya dahil sa pagkukunsinti mo. Paano kung makabuntis?"
"Ma, chill ka nga lang" tugon ni daddy habang panay ang pag iwas sa mga kamay ni mommy na lumilipad sa kanya. "Hindi makakabuntis 'yan, panigurado nag iingat naman si Kauis" aniya kasabay ng pag baling ng tingin sa 'kin. Sinenyasan nya ako na sumang-ayon na lang dahil hindi titigil si mommy hanggang hindi nito naririnig ang salitang gusto nya marinig.
"Nag-iingat naman po ako. 'Tsaka, Ma, lalake ako, imposible na hindi ko 'yon gawin" huminto si mommy sa pagpalo sa braso ni daddy at hinarap ako. Mula sa gilid ko naghihimas ng braso si daddy dahil sa bigat ng kamay ni mommy. Isang rason kung bakit hindi kami kalat magkakapatid dahil isang palo pa lang ni mommy lumalatay na.
"H'wag mo 'yan babanggitin kung maririnig ng mga kapatid mo" aniya habang ang paningin ay nanlilisik sa akin.
Nagpakawala ako ng buntong hininga kasabay ng pag bagsak ng likod ko sa sandalan. "Imposible, Ma, na hindi rin nila 'yon ginawa. 19 na si Cade while si Cole is 17. They have to explore. Hindi pwede na lagi lang sila sa mansyon"
"Ano ka na naman, Kauis, pinapakaba mo naman ang mommy mo. Baka maisip nyan na magkakaapo na sya sa dalawa na 'yon dahil ang sumbong sa akin nila Nana Febby ang uwi raw ng mag kapatid alas quatro ng umaga o 'di naman kaya alas sais" mapang-asar na sabi ni daddy. "Hindi na ako magugulat kung isang araw may kumausap na lang sa amin dito sa opisina at sabihin na nagdadalang tao sila. Kung dumating ang araw na 'yon, ako ang pinaka masayang tao sa mundo"
"You mean magkaka-baby na ang babies ko?"
Pinigilan ko ang ngiti na kumakawala sa labi ko dahil sa inaasal ni mommy. Para talaga silang bata kung mag away, dinaig pa nila kami Azrielle.
"Wala akong sinasabi na ganyan. Ang sa akin lang, tingin ko malapit na tayo magkaapo"
"Pero bata pa sila" ani mommy na mukhang wala na sa sarili. Ayaw nya kasi pinag-uusapan ang tungkol sa maaga namin pagkakaanak at pag aasawa dahil ang sabi nya gusto nya pa kami makasama ng matagal.
YOU ARE READING
When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)
RomanceI honestly don't like Kauis de Arciego. My friend Niana just introduced him to me that's why I knew him. I don't even know that he's a de Arciego, an heiress. I often saw him on bars and clubs dancing with different girls, touching parts that he lik...