Kabanata 26

32 5 0
                                    

"Hindi ka na ba mag-uumagahan, Kauis?" salubong na tanong sa 'kin ni manang nang magkasalubong kami sa hagdan.

"Hindi na po, manang, nagmamadali po ako" tugon ko ng hindi sya nililingon. Nag email kasi sa 'kin si Gli, kailangan daw ako sa empire ngayon dahil naroon si Ashley Serrano, nag eeskandalo. "Mang Domingo, pakibilisan nagmamadali tayo" maotoridad na sabi ko habang hindi tinatanggal sa telepono ang paningin ko. Gusto nya i-pull out ang share nya? Pero bakit? "Gli, ano'ng nangyayari d'yan? Tell her na I'm on my way. Mag hintay sya sa opisina. At h'wag sya mag eskandalo sa kompanya ko" malamig na salubong ko kay Gli ng sagutin na nya ang tawag. Mula sa kabilang linya rinig ko ang pagmumura ni Ashely dahil sa galit. Shit. "Mang Domingo, wala na ba'ng ibibilis ang sasakyan na 'to? Nagkakagulo na sa kompanya"

"Mabuti pa ikaw na lang ang kumausap sa kanya. Ilang beses ko na sinabi sa kanya na kumalma at papunta ka na pero pati ako pinagtaasan ng boses. Ipakakaladkad ko na ba 'to sa mga gwardya? Nandito si Mr. Tan at iba pa'ng mga investors, may iilang board members din, nakakahiya sa kanila. Nasaan ka na ba kasi? Baka mag pull out din sila ng share pag hindi ka pa dumating ngayon" Gli whispered. Siguro malapit sya sa kinaroroonan ng mga investors. Napamura ako sa hangin dahil sa prustrasyon. Traffic pa. "Ma'ma, please calm down. Sir KAuis is on his way" mahinahon na sabi ni Gli bago nya putulin ang tawag. Panay ang pag tanaw ko sa haba ng trapiko. Mukhang matatagalan bago kami makarating sa empire. Makalipas ang limang minuto muli nag ring ang cellphone ko, si Gli na naman. "Nasaan ka na ba? Nag eeskandalo na rito si ma'am Ashley. Napipikon na rin sa kanya ang ilang board members"

Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng empire agad ako umibis ng sasakyan. Hindi ko na naisip ang mga gamit na dala ko, bahala na ron si mang Domingo. Sinalubong ako ng bati ng ilang empleyado pero ang karamihan sa kanila nag iwas sa 'kin. "Gli, nasaan sila?" salubong ko kay Glidieal na bakas sa mukha ang iritasyon. Iginaya nya ako patungo sa conference room. Hindi ako nagpatawag ng meeting ngayon, bakit sila narito? Pag pasok ng kwarto sumalubong sa 'kin ang halos lahat ng board members, investors and business partners ko sa iba't ibang negosyo ng de Arciego.

"Congratulations, Kauis. Sabi ko na nga ba kaya mo patakbuhin mag isa ang kompanya" salubong sa 'kin ni Ashley. Nag lahad sya sa 'kin ng kamay na agad ko tinaggap. "Napag-usapan kasi ng board na isurpresa ka dahil sa ganda ng pinapakita mo rito sa empire. You deserve kung ano ka ngayon, hijo. We're so proud of you" binalot ng senseridad ang boses nya habang ang malaking ngiti sa labi ay hindi nabubura. Binalingan ko ng tingin si Gli na kaslaukuyan inaasikaso ang ilan sa mga bisita. She betrayed me.

"Hindi madali mag patakbo ng kompanya na mataas ang raitings. Kahit baguhan ka hindi mo napabayaan ang kompanya. Sana may anak ako na tulad mo" ani Mr. Luciano. Inabutan nya ako ng baso ng alak na agad ko tinanggap. Hindi ko akalain na ganito ang aabutan ko, buong akala ko nagkakagulo na rito 'yon pala kinasabwat nila si Gli para supresahin ako. Umakbay sa 'kin si Mr. Luciano dahilan kung bakit bumalik ako sa wisyo. "Kailangan nga pala manganganak ang asawa mo, Kauis? Ang huling balita ko anim na buwan na ang dinadala nya. Konting panahon na lang magiging tatay ka na. Dapat magpasalamat sya dahil siang magaling na negosyante ang ama nya"

"Ano ba ang gender ng baby mo, Kauis?" tanong sa 'kin ng asawa ni Mr. Luciano. "Sana lalake para mapangalagaan nya ng maayos ang kompanya tulad ng ginagawa mo. Pero kung babae, panigurado susunod sya sa yapak ng mommy nya. Magaling magluluto si Azrielle kaya sigurado ako na maraming lalake ang mapapaibig ng anak mo" tanging tango na lang ang isinukli ko sa kanila dahil wala akong balita sa kung ano ang nangyayari sa pagbubuntis ni Azrielle.

Sa nakalipas na anim na buwan naging abala ako sa kompanya dahil na rin siguro sa ganda ng ipinapakita ko naenganyo ako na ibuhos ang buong oras ko sa opisina. Ang relasyon namin ni Azrielle, ganon pa rin, magkikita kami sa umaga pero tulog pa sya, sa gabi naman pag uwi ko tulog na sya. Hindi kami gaano nakakapag-usap dahil parehas kami abala. Madalas sya wala sa mansyon, sa pagkakaalam ko lagi nya kasama ang mga pinsan ko. Hindi ko naman ikinakabahala dahil inuuwi naman sya ng ligtas sabi ni manang Tina. Ang madalas nya makasama sa check up nya si auntie Megan o kaya si Zaluree kaya wala akong ideya sa kung ano na ang kalagayan nya. Pero sinisigurado ko naman na hindi nauubos ang mga gamot nya, may mga libro rin ako na ipinabili kay Gli para may ideya ako sa kung paano aalagaan ang anak ko pag nanganak na si Azrielle. Sinusubukan ko bumawi sa mga pagkukulang ko pero wala talaga akong oras kaya madalas ko naisasakripisyo ang dati kong buhay para sa trabaho. Naiintindihan 'yon ni Azrielle, sigurado ako. Bumukas ang pinto ng opisina ko dahilan kung bakit ako nagtaas ng tingin, si Gli. Sumenyas si Gli na ilalapag sa lamesa ang mga pagkain na ipinadala sa 'kin ni Azrielle, pananghalian. Walang mintis ang pagpapadala ng pagkain sa 'kin dito ni Azrielle, kung minsan nga pang-hapunan pa dahil alam nya na hindi ako makakauwi dahil sa dami ng trabaho na dapat tapusin.

When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)Where stories live. Discover now