"Kuya...." masayang salubong sa akin ni Elysees. Umamba sya na yayakap sa akin pero umiwas ako. Basang basa sya ng tubig ng pool, kaliligo ko lang. "Ay, sorry. Kumain ka na?" aniya habang ang ngiti sa labi ay hindi mabura. Ano kaya ang hihingin ng isang 'to? Ngumuso si Elysees kasabay ng pag higit nya sa kamay ko. I knew it. "Kuya, kilala mo 'yung korean boy band na in-stan namin ni ate Zalee, 'di ba?" giit nito habang ang tono ng pananalita ay naglalambing. Pagod ako tumango. Magkano na naman kaya? "Nag release sila ng bagong album and world tour, kasama sa list ang Philippines. Naisip namin ni ate na ikaw ang sponsor namin sa ticket. And nag suggest si kuya Cade na sya na raw ang magbabayad ng albums. Si kuya Cole naman ang maghahatid at magsusundo sa amin sa arena" paglalahad sa akin nito ng buong plano. "It cost 20,000-25,000. Dalawa kami ni ate, so 50,000. Or kung gusto sumama ni ate Azrielle, pwede naman. And 'di ba sila lang ang boy group na stan mo? Sumama ka rin kaya?"
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Wala naman ako magagawa kung hindi ang pumayag. "Talk to Gli. Ako ang magbabayad ng lahat. Tell me when and where, we'll be there" maikling tugon ko. Nilagpasan ko na sya para makapasok na ng mansyon dahil ang sakit sa balat ng araw. Hindi ko alam kung paano nila natatagalan 'yon apat. Napahinto ako sa paglalakad ng maalala ko si Francine at Franco. Muli ko hinarap si Elysees na ngayon ikinukwento sa ate nya ang napag-usapan namin. "Hey, kasama si Francine at Franco" ani ko at muli na tumalikod. Hindi ko na nakita ang reaksyon nila pero alam ko na alam na nila ang tungkol sa hindi ko pagiging de Arciego.
Pag pasok ko ng mansyon agad bumungad sa akin ang tingin ni manang Tina. "Kauis... Bakit ngayon ka lang nagpakita, bata ka?" aniya kasabay ng pag salubong sa akin ng yakap. "Ang batang 'to magkakaanak lang nakalimutan na yata ang mga tao rito sa Casa de Arciego" ikinagulat ko ang isinaad ni manang Tina. Paano nya nalaman na magkakaanak na ako? "H'wag mo nga ako tingnan ng ganyan, Kauis. Kung sikreto ang pagbubuntis ni Azrielle sa ngayon, dapat hindi mo ipinarinig sa mga pinsan mo. Alam mo naman ang mga 'yan walang balita na lumalagpas, lalo na kay Keane. Ang tungkol sa kasal mo si Zaluree ang nag sabi sa amin. Ang mommy mo, kung hindi pinigilan ng daddy mo kinabukasan kasal nyo na"
"Manang, nasaan nga po pala si mommy? Bakit parang wala sila rito ngayon sa mansyon? 'Tsaka, nasaan po ang mga pinsan ko? Disperas na ng pasko, dapat nandito na sila" may pagtataka na tanong ko kay manang Tina. Nakagawian kasi na tuwing pasko rito sa mansyon gaganapin ang selebrasyon. Noon alas singko pa lang ng umaga narito na ang mga pinsan ko para manggulo pero bakit wala sila? Inilapag ko ang baso sa lamesa na naglalaman ng tubig kasabay ng pagpapahinga ko sa upuan.
"Ang sabi ng tita Claudette mo may training daw sila Ian. Hindi nga raw umuwi kagabi dahil abala raw sa practice, ang pagkakalam ko ang sabi raw ni Ian ayaw na nila paabutin ng game 3 ang laban na 'yon. Kinukwesyon nga raw ng Dean pero ayaw magpapigil ni Ian. Sinubukan din kausapin ng tito Lorenzo mo pero sadyang matigas ang ulo ng pinsna mo'ng 'yon" panimulang sabi ni manang habang ang atensyon ay nasa tinitimplang kape. "H'wag ka mag-alala, pamiya-miya narito na sila. Pero ang alam ko sasaglit lang. Ewan ko ba kung ano ang nag udyok sa pinsan mo na 'yon para pahirapan ng ganon ang sarili. Kung makikita mo ang mga pinsan mo laging lupaypay sa pagod kalalaro, maaawa ka" sunod na sabi nito. Inilapag ni manang ang tasa ng kape sa harap ko na agad ko tinaggap. Dapat ba ako ma-guilty dahil ako ang dahilan kung bakit imbis na nagpapahinga ngayon ang mga pinsan ko binubugbog nila ang sarili nila sa pag eensayo? Tss. Syempre, hindi. Ipinaalala ko lang sa kanila na mawawala ang karangalan kung ipatatalo nila ang game. At saka, kasalanan nila 'yon, nakinig sila sa akin. It means takot sila mahusgahan ng ibang tao. Lumapag ang kamay ni manang sa balikat ko dahilan kung bakit bumalik ako sa wisyo. "May sinasabi ka, Kauis?" aniya habang inaalok sa akin ang cookies na panigurado baked ni Elysees.
Agad ako tumangi dahilan ng pag layo nya ng bowl sa akin. "Manang, pupuntahan ko po muna ang mga kapatid ko. Ang tagal na po kasi nang huli kong dalaw dito" agad ko nilisan ang kusina bitbit ang tasa ng kape na tinimpla sa akin ni manang. Wala pa rin bago rito sa mansyon, nagkalat ang mga kasamabahay dahil sa dami ng dapat asikasuhin, karamihan nasa hardin. Ang ibang hardinero naman tumutulong sa pagtatayo ng tent na gagamitin para sa selebrasyon. Kung narito sila Ian panigurado kami ang gumagawa non. Mabuti na lang wala, ayoko mapagod. Nang mapansin ng ilang kasambahay ang presensya ko agad nila ako kinawayan, tanging tango lang ang itinugon ko dahil hindi naman sila ang pakay ko kung bakit ako lumabas ng mansyon. Malayo pa lang ako sa pool naririnig ko na ang pag sigaw ni Zaluree. Sino na naman kaya nag kaaway nya? Sa amin magkakapatid sya ang lagi'ng may nakakaaway, kung hindi pinsan, kaibigan. Madalas nga si mommy sa school nya dahil may sinupladahan daw tapos sya pa itong galit nang sumagot.
YOU ARE READING
When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)
RomansaI honestly don't like Kauis de Arciego. My friend Niana just introduced him to me that's why I knew him. I don't even know that he's a de Arciego, an heiress. I often saw him on bars and clubs dancing with different girls, touching parts that he lik...