"Ang sakit ng likod ko" ani Azrielle na kasalukuyan namamahinga sa kama. "Kanina pa ito. Ang sabi nga ni Akielle sasamahan daw nya ako sa ospital bukas para magpatingin pero ang sabi ko h'wag na dahil makakaabala pa 'ko sa kanya. Alam mo naman ang buhay non, aral, barkada at basketball lang. Ayoko dumagdag sa mga responsibilidad nya" aniya. Napag-pasyahan ko iwan panandalian ang trabaho ko para tunguhin ang direksyon nya. Sa tagal na namin nagsasama alam ko kung kailan lang sya nagsasabi ng totoo o nag-iinarte lang. "Dito, love, masakit" malambing na sabi ni Azrielle. Iginaya nya ang kamay ko patungo sa bewang nya. Mukha naman wala syang iniindang sakit. "Is this a sign of aging? Hindi pa naman ako ganon katanda. I'm still young. 44 is young for me"
"So, hindi talaga masakit?" taas kilay na tanong ko. Makalipas ng ilang segundo ngumuso sya kasabay ng pag iling. Sumenyas si Azrielle na maupo ako sa tabi ng kinahihigaan nya na agad ko ginawa. Hindi na tulad ng dati ang pasensya nya na mahaba pa sa traffic sa EDSA, ngayon konting mali ikinagagalit nya. Siguro nga dahil tumatanda na kami. "May kailangan ka ba? O may sasabihin ka?" mahinahong sabi ko.
"Wala naman ako kailangan. Wala rin ako sasabihin" tugon ni Azrielle na hindi nakatuon ang paningin sa 'kin. Ipinagtaka ko ang sinabi nya, sa tuwng magpapanggap sya na may sakit it's either may kailangan o may sasabihin sya na importante. Para saan kaya ang eksena na 'to? "Kanina mo pa kasi kaharap ang computer mo. Kanina pa rin kita kinakausap pero hindi mo ako sinasagot dahil abala ka. Naisip ko na lang na mag sakit-sakitan para tuonan mo 'ko ng atensyon. Gusto ko lang na mag-usap tayo" aniya kasabay ng pag tuon ng tingin sa 'kin. "You may not be the best de Arciego but I still love you---"
"Yuck!" dahil sa pag sigaw ni Akielle at Akiere naputol ang pananalita ni Azrielle. "Minsan sobra na rin pala. Totoo nga ang ikinukwento sa 'kin ni ate noon na sobra mag lambing si mommy kay dad. Pero ang sabi nya mas nakakadiri 'yung kay dad" ani Akiere kay Akielle na pinakikinggan ang sinasabi nya. "Gusto nya raw magkaasawa na parang si daddy. Ang sabi ko malabo 'yon dahil nag-iisa lang si dad"
"Anong kailangan nyo?"
"Kasi, dad, lagi na lang tayo rito sa hacienda. Naisip ko kung pwede natin bisitahin sa Maynila ang puntod ni mamita" tama ang hinala ko na amy kailangan nga sila kaya sila narito sa kwarto. Nahiga si Akiere sa tabi ni Azrielle na agad yumakap sa kanya samantala si Akielle naman nag tungo sa kaninang kinauupuan ko para makialaman ang mga trabaho ko. Madalas tama ang ginagawa nya pero kailangan pa rin turuan. "Si tito Ian po nag message kay kuya. Ang sabi nya may reunion daw po ang mga de Arciego sa sabado alas dose ng umaga sa mansyon ng mga Vergara – de Arciego. Wala na raw po kasing nakatira ron. Panigurado nalulungkot si mamita sa langit" ani Akiere sa nakakakonsensyang tono ng pananalita. Huling dalaw ko sa Maynila libing pa ni daddy. Mukhang tama si Akiere. "Ano, dad, sasabihan ko na ba si ate na mag empake? Ilang araw tayo ron?"
"Hindi pa nga ako sumasagot"
"Alam ko naman kasi dad na papayag ka. Gusto mo na magtampo sa 'yo si mamita? Hindi ba ang kwento mo noon kinurot ka nya habang natutulog? Iyon 'yung umuwi ka na lasing na lasing na halos hindi ka na makaakyat ng hagdan dahil sa hilo. Nawala pagkalasing mo non, dad. Ano tatanggihan mo pa ba sya?"
"Syempre tatanggihan ng dad mo kasi matapang sya" sarkastiko na sabi ni Azrielle.
"Si dad takot sa multo? Hindi kaya" pakikisali pa ni Akielle.
Bakit dalawang anak ko lang ang narito? "Nasaan si Akira?" binalot ng pagtataka ang tono ng pananalita ko. Ang pagkakaalam ko wala syang plano ngayong araw pero hindi sya nagpapakita. "Umalis ba sya? Nagpaalam ba sa inyo?"
"Nasa room nya. Tulog ba rin hanggang ngayon" ani Akielle. Dahil sa pagtataka binalingan ko ng tingin ang wall clock. Pasado alas otso na ng gabi.
"Bakit lagi sya puyat? Bakasyon ngayon imposible na nag-aaral pa rin sya"
YOU ARE READING
When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)
RomanceI honestly don't like Kauis de Arciego. My friend Niana just introduced him to me that's why I knew him. I don't even know that he's a de Arciego, an heiress. I often saw him on bars and clubs dancing with different girls, touching parts that he lik...