I decided to go for a run. Matagal na kasi ang huling takbo ko, hindi gaano malayo, sa tingin ko aabutin lang ng mga sampo hanngang kinse minutos. Hindi na ako lumayo pa rito lang sa Casa de Arciego masasayang na ang oras ko. Binabati ako ng mga bawat trabahador na madadaanan ko. Harvest pala ngayon ng manga, hindi ko alam. Malaki ang pinagbago ng Casa de Arciego simula ng ako na ang mamahala. Noong si daddy kasi ang may hawak nito limitado bawat galaw ng mga tao. At ayoko ng ganon, pakiramdam ko nasasakal ako, gusto ko 'yung kahit trabahador lang sila alam nila sa sarili nila na parte sila ng pamilya, na hindi lang sila basta trabahador lang na binabayaran namin dahil sa ani nila.
Napagdesisyunan ko na bumalik na ng mansyon. Mukhang pagsisisihan ko na tinapos ko agad ang mga trabaho ko para sa isang buong lingo. Wala naman kasi ako pagkakaabalahan ngayong araw. Panigurado guguguluhin ko na naman ang panahon ko sa paghahanap sa mga pinsan ko na hindi ko alam kung saan nagsususuot. Ang madalas mawala, si Ian. Ang isang 'yon tiyak ko na kasama si Kiara o 'di kaya bumibisita sa Bulacan. Pero ang iba hindi ko alam kung saan nagpupunta. Pag uwi galing DAU diretso sa kwarto para matulog. Hindi ko na nga sila madalas nakakausap dahil abala lahat sila sa training. Ganon ang ruoutine nila sa buong lingo. Ang weekends naman para sa mga babae nila.
"Narito na pala si Kauis" masiglang sabi ni manang Tina. Agad naman ako napahinto mula sa paglalakad para harapin sya. "Tamang-tama ang dating mo anak" may ngiti sa labi na sabi nya. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. Sinong nagpakain ng asukal kay manang? Bakit ganito sya kasigla? "Binibisita ka ni Azrielle. Hindi ka raw kasi nya napuntahan kahapon kaya panigurado galit ka sa kanya" sino raw? "Nagdala rin sya ng pang-almusal mo. Mabuti na lang hindi ako nagluto kung 'di masasayang lang ang supplies natin. Hindi ka man lang ba magpapasalat kay Azrielle?"
Binalingan ko ng tingin si Azrielle mula sa tabi ni manang Tina. May ngiti sa labi nya na tiyak ko na pilit lang. "Hindi ko kasi naalala kahapon. Kaya pala sabi ko parang may nakalimutan ako. Then naalala ko lang na nag sabi nga pala ako sa 'yo na bibisitahin kita sa empire nung nagkasalubong kami ni Gli sa market" mahinahon na sabi ni Azrielle. Panay lang ang pag tango ko. Hindi ko kasi alam kung ano ang dapat isagot sa kanya. "Sorry kung nag hintay ka"
"Hindi ako nag hintay. Alam ko na hindi ka makakapunta kasi kasama mo si Kevin" diretso na tugon ko sa kanya. Kalmado ang tono ng boses ko kaya hindi nya masisigurado kung nagseselos ba ako o hindi. "At saka 'yung gabi na sinabi mo na bibisita ka hindi naman ako umasa na maaalala mo or whatsoever kaya don't be sorry" magaling pa yata ako umarte sa lahat ng artista na kilala ko. "If mag tagal ako maligo mauna na kayo mag agahan" magtatagal talaga ako dahil ayoko sya kasabay kumain. Matapos nya ako pag hintayin kahapon bibisitahin nya ako rito na parang walang nangyari.
"Manang, saan pupunta si Kauis? Hindi naman don ang kwarto nya, 'di ba?" rinig ko na tanong ni Azrielle kay manang Tina. Simula ng umalis ng mansyon si Azrielle hindi ko na pinuntahan ang kwarto namin noon. Kung gagawin ko 'yon lalo lang ako mahuhulog ng paulit-ulit sa kanya dahil bawat sulok ng kwarto na 'yon may memorya kami. Ultimo ang condo unit ko hindi ko na tinitirahan. Binilin ko na lang kila manang Tesa na linisin tuwing ikalawang araw.
Inuusig ako ng konsensya ko na harapin si Azrielle. Kalahating oras ko na sya pinaghihintay at nakakailang balik na rin ang mga kasambahay para tanungin ako kung tapos na ba ako maligo, pare-parehas lang ang isinasagot ko sa kanila na hindi pa kahit ang totoo kumakalam na ang sikmura ko sa gutom. Sigurado ako si Azrielle ang nagluto ng mga dala nya.
Namataan ko na lang ang sarili ko na patungo sa dinning area. Bakit ba ang rupok ko? "Malaki na ang pinagbago ni Kauis mag mula ng mag hiwalay kayo. Medyo sumungit lang pero naiintindihan naman namin ang pinaggagalingan nya. Ang alam ko pupunta sya ng hacienda sa Nueva Ecija. Bakit hindi mo sabihin sa kanya na gusto mo bumalik don? Panigurado isasama ka naman nya dahil balita ko mag-isa lang sya pupunta ron" rinig ko na sabi ni manang Olga. Laking pasasalamat ko na nabanggit nya kay Azrielle ang tungkol sa pag bisita ko sa hacienda. Wala kasi ako alaks ng loob para anyayahan sya.
YOU ARE READING
When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)
RomanceI honestly don't like Kauis de Arciego. My friend Niana just introduced him to me that's why I knew him. I don't even know that he's a de Arciego, an heiress. I often saw him on bars and clubs dancing with different girls, touching parts that he lik...