Kabanata 10

64 17 0
                                    

Narito ako ngayon sa living room, inaaliw ko ang sarili ko sa panonood ng basketball. Isang oras at kalahati na nag-aayos si Azrielle simula nang matapos sya maligo. Ewan ko ba sa kanya kung bakit kailangan pa mag make up mag go-grocery lang naman kami. Naagaw ang atensyon ko ni Dark nang tumalon ito sa hita ko. Nilamukos ko ang mukha nya at hinalikan sya sa ilong. "Ang tagal ng mommy mo, ano?"ani ko habang nilalaro ang mukha nito. He's getting bigger every second, I'm hurt.

Bumukas ang pinto ng kwarto. Iniluwa nito si Azrielle na nakatuon ang atensyon sa bracelet na pilit isinusuot. Nang makita sya ni Dark agad ito umalis sa pagkakahawak ko at nag tungo sa direksyon ni Azrielle. Nagpaikot-ikot sya sa paa nito dahilan kung bakit naagaw nya ang atensyon ni Azrielle at agad sya binuhat. "Sama ka sa 'min ni daddy mag grocery?" paglalambing ni Azrielle sa aso. I suddenly want to be a dog. Ibinaling ko muli ang tingin ko sa pinapanood. Lamang na ng anim ang kalaban. Kung bakit kasi bobo mag laro ang pinsna ko'ng si Ian at Kaye, dapat sa kanila hindi na pinapasok, malas sa loob ng court. "Hey" nag baling ako ng tingin kay Azrielle na inaabot sa akin ang gold bracelet nya. "Please" aniya habang ang paningin ay naka pako kay Dark.

"Can we go na? Nagugutom na 'ko" medyo iritable na giit ko kay Azrielle. "6AM ka nagising, naligo ka ng 6:10-7:00AM, 11:00 AM na po. Kung bakit kasi kailangan pa mag ayos sa grocery lang naman pupunta" sunod na sabi ko habang ikinakabit sa palapulsuhan ang bracelet nya. "Ano, tara na? O may gagawin ka pa?"

"Ang sungit mo" ani Azrielle kasabay ng pag ikot ng mga mata. Inilapag nya si Dark sa sahig at muli ako hinarap. "Tumawag po kasi si mommy, ang sabi mag punta raw po tayo sa empire. Discussion daw po ng Grand Ball sa saturday and magfi-fit daw po tayo ng gown ko and suit mo. Tinatawagan ka raw po kasi ni tita hindi mo raw sinasagot" sarkastiko na sabi pa nya.

"Mag drive-throught muna tayo" para akong kumausap sa hangin dahil sa hindi pag sagot ni Azrielle. Abala kasi sya kay Dark, ang sabi ko nga iwan na lang at papupuntahin ko na lang sa unit si manang Azon para alagaan ang aso pero nagmatigas si Azrielle, dadalhin daw nya sa ayaw at sa gusto ko, may magagawa ba 'ko? "May gusto ka?" hindi nakatingin na sabi ko habang namimili kung ano ang o-order-in. I'm craving pasta, kagabi pa.

"I want cheese burger without tomatoe and onion, spicy chicken with chocolate syrup, sundae and fries. Thank you, babe" ani Azrielle dahilan kung bakit napahinto ako sa paninitig sa menu. Is she serious, spricy chicken with chocolate syrup? Nilingon ko sya na binalot ng pagtataka ang ekspresyon ko. "Ikaw, baby, ano'ng gusto mo?" aniya kay Dark.

"Babe, spicy chicken with chocolate syrup? Baka wala sila'ng ganoon dito" may pag aalinlangan na sabi ko kay Azrielle. Kumunot ang noo nya dahilan ng pag lunok ko ng maraming beses. "O-okay, ako na ang b-bahala"

"Sir, hindi po kami nag o-offer ng spicy chicken with chocolate syrup. Baka po pwede ibahin?" ani ng babae sa counter na mula sa name tag nya ang naka sulat ay Janine. "Mapapagalitan po kasi kami, sir" mariin ako napapikit dahil sa sinabi nito. How can I convince Azrielle na ibahin na lang?

"Kahit buntis ako and isa sa cravings ko ang chicken na may chocolate syrup hindi nyo ibibigay?" pagmamataray ni Azrielle. Mahigpit ko hinawakan ang kamay nya para pigilan sya pero mukhang desidiso talaga sya makuha ang gusto nya. Buntis si Azrielle?

"Babe----"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil sa biglang pagsasalita ng crew. "Okay, ma'am. I'll ask my manager po about sa gusto nyo. Babalik po ako agad" she politely said. Tinalikuran na nya kami at nagmamadali hinanap ang manager nila. Pinagmasdan ko si Azrielle na panay ang halik kay Dark. She's pregnant. Kailan nya balak sabihin sa 'kin?

"H'wag mo nga ako tingnan ng ganyan, Kauis. Hindi ako buntis" ani nito na parang alam kung ano ang iniisip ko tungkol sa kanya. "Sinabi ko lang 'yon dahil 'yon lang way para ibigay nila ang gusto ko. Kung buntis ako, sasabihin ko sa 'yo agad, h'wag ka mag alala" pagsusungit nya sa akin. Her mood swing sucks. Pasalamat na lang sya mahal ko sya.

When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)Where stories live. Discover now