Kabanata 13

54 13 0
                                    

"Sibukan mo ito, Kauis. Ako ang nag luto nito. Ang sabi kasi sa akin ni Maxyne gusto mo raw sa babae 'yong magaling magluto kaya agad ako nagpaturo kay manang" ani Cassandra. Schoolmate ko sya, madalas kami magkita noon sa gymnasium sa tuwing may practice ng basketball. Since hindi ko na ginamit ang last playing year ko sa classroom nya ako pinupuntahan. Hindi sa pagiging suplado pero hindi ko sya gusto. Ilang beses ko na iyon nilinaw sa kanya pero mukhang wala syang balak na pakinggan ako. Ang sabi ko pa nga nagmumukha syang desperada sa ginagawa nya pero wala syang pakialam, gusto nya raw ako kaya hindi nya ako titigilan hanggang sa makuha nya ako. Ang pagkakataon nga naman kaibigan nya pala si Maxyne. At saka paano naman nalaman ni Maxyne na ang gusto ko sa isang babae ay iyong magaling mag luto? Ang isang 'yon, ipinahamak pa ako.

Dumistansya ako ng konting kay Cassandra dahilan kung bakit nabunggo ko ang braso ni Francine. "Bakit, kuya?" aniya habang ang paningin ay diretso kay Cassandra na panay ang pag daiti sa akin. Hindi na ako komportable. Mukhang pagsisisihan ko pa ang pag sama rito. "Umm... Cassandra, ipapaalala ko lang sa 'yo na hindi si kuya Kauis ang kaibigan mo, si kuya Maxyne. Kaya kung gusto mo na tumagal pa rito sa mansyon, makisama ka. And by the way, ang lalake na nilalandi mo, engaged na. H'wag mo na sya kulitin o lapitan pa kung ayaw mo makasira ng relasyon. O hindi ka didistansya dahil sanay ka ipaglaban ang hindi naman sa 'yo?" pagtataray ni Francine habang nakataas ang isang kilay at matalim ang pagkakatingin kay Cassandra. "Hindi tulad mo ang papatulan ni kuya Kauis kaya kung pwede lang ilayo mo sa kanya ang respiratory system mo kung ayaw mo huminto ang pag tibok ng puso mo"

Nakahinga ako ng maluwag nang umalis si Cassandra sa tabi ko. Pinahinga ko ang likod ko sa sandalan ng upuan habang nakapikit ang mga mata. Bukod sa wala akong tulog, bihira lang ang kumakausap sa akin dahil abala sila lahat sa paglalaro. "Kuya..." nagmulat ako nang mata. Binalingan ko ng tingin si Franco na naupo sa kaninang kinauupuan ni Cassandra. "Basketball tayo? I'm kinda bored" aniya kasabay ng pag piraso ng ubas sa tangkay nito. "Inaantok ako rito, pang matanda ang mga laro. Tingnan mo si kuya Maxyne nag e-enjoy palibhasa may edad na. Si kuya Maverick naman nasa kwarto nya kasama ang girlfriend nya. Alam mo na. Si ate Francine naman baka ipukpok sa akin ang martilyo na umiilaw pag inaya ko mag basketball, kaya ikaw na lang"

Wala akong nagawa kung hindi pumayag sa gusto ni Franco since wala rin naman ako ginagawa, bonding na rin namin ito mag kapatid. Nag warm up muna ako dahil isang buwan na ako hindi lumalaro. Mag laro man ako magpapapawis lang hindi tulad noon na dalawang beses sa isang araw ang ensayo. "Kuya, kwentuhan mo nga ako sa buhay mo bago mo nalaman na hindi ka de Arciego. Noon lagi ako naiintriga sa 'yo dahil bukang bibig ka ng mga kaklase ko sa LPU. Star player ka raw ng DAU. Nanonood ako ng match nyo ng La Biena, siguro third playing year mo na noon. Ikaw ang nag finals MVP. Hindi ko alam na mag-kapatid pala tayo" ani Franco habang sinusunod ang ginagawa ko.

"Tulad ng isang normal na bata ako pinakalaki ni mommy at daddy, pwede mag laro sa buhangin, mag putik at umuwi ng amoy araw habang madumi ang mga paa dahil sa pag takbo. Pero matapos 'yon kailangan namin aralin ang isang pagiging ganap na de Arciego, hindi sya madali kasi ang dami dapat alamin at isaulo. Unang itinuro sa amin ang diretsong pag sasalita ng tagalog. Medyo madali para sa 'kin 'yon dahil iyon ang lengwahe na gamit nila mommy. Habang lumalaki napapansin ko na papahirap na ang itunuturo sa amin, kailangan daw pag de Arciego, matapang. Kaya ayon, kahit sino kinalaban namin"

"Sino 'yung kasama mo nang mag lunch tayo kasama si dad? Girlfriend mo ba 'yon or fiancé? Napansin ko kasi 'yung singsing na suot nya. Parang engagement ring, napag usapan pa nga namin ni ate Francine. Sabi nya sa akin, sa 'yo ko na raw diretso itanong dahil hindi nya alam ang isasagot sa akin. So, ano mo sya?"

Lumaki ang ngiti sa labi ko nang mabanggit ni Franco si Azrielle. Ipinasa ko ang bola sa kanya na agad nya nasalo bago tugunan ang tanong nya. "You're right, she's my fiancé. But wala pa'ng proper proposal since wala pa kami'ng oras. Hindi pa rin alam ng mga parents namin kahit madalas namin sila makasama, siguro dahil ayaw namin na pangunahan nila ang desisyon namin. Pero ako, sigurado na ako na sya ang gusto ko makita pag mulat ng mga mata ko bawat umaga. It's hard to find someone kasi na happy when seeing you happy, kung meron man, kaibigan mo lang" tugon ko habang maingat na dinedepensahan si Franco. May katangkaran din sya, sa tingin ko 5'10. "Ikaw, may girlfriend ka ba? You should explore, Franco, hindi 'yung narito ka lang sa village nyo, naglalaro ng basketball"

When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)Where stories live. Discover now