Kabanata 34

53 5 0
                                    

"Dito na lang 'yan" si Eunice ba 'yon? Dahil sa kuryosidad minabuti ko tunguhin ang sala. Tama nga ang hinala ko, narito nga si Eunice, pero hindi sya nag-iisa. May mga kasama sya na hindi pamilyar sa 'kin na abalang inaasikaso ng kambal. "H'wag kayo masyado maigay dahil baka magising ang ikakasal" angil ni Eunice sa mga trabahador na maingat na nagtatrabaho. Sya itong maingay. Wala akong ideya sa kung ano ang nangyayari. Sa pagkakatanda ko wala naman may birthday sa pamilya pero ang daming pagkain na nakahain sa lamesa. "I'm so excited. Ano kaya ang magiging reaction ni Azrielle at Kauis pag nakita nila ito? Dapat pasalamatan nila ako dahil ibinuhos ko ang buong oras ko sa kasal na ito. Dapat matuloy dahil kung hindi ako ang magpapakasal kay Kauis" ani Eunice na abala sa pag-aayos ng bouquet ng mga bulaklak na nakaseperado sa isang lamesa. Iisang bulaklak lang ang gamit pero iba-iba ang kulay at desenyo. "Ano kaya rito ang magugustuhan ni Azrielle? Lately napapansin ko nahihilig sya sa pink. Siguro ang pipiliin nya itong green" ano raw? "Bakit green ang nasabi ko? Epekto yata ito ng pagbubuntis ko. Pero hindi naman ako ganito kay Crishan noon. Bahala na nga"

"Hindi kaya magising si Azrielle sa ingay mo?" hindi nakatingin na giit ko kay Eunice. Minasdan ko ang lahat ng putahe na panigurado luto ng limang catering service na inanyayahan dito sa hacienda ni Eunice. Halos lahat ito hindi magugustuhan ni Azrielle. Mas tinatangkilik nya kasi ang pagkaing Pilipino. Nang harapin ko si Eunice nanlalaki ang mga mata nya sa gulat. "Ang sabi sa 'kin ni Akielle ikaw daw ang bahala umasikaso sa catering. Bakit ka nandito ngayon?" walang emosyon na tanong ko sa kanya. Dahil sa panlalamig ko natigilan lahat ng tao rito na abala sa kanilang mga ginagawa. "Baka hindi matuloy ang kasal kung pipilitin mo si Azrielle na tikman ang lahat ng putahe na 'yan. Alam mo naman na she's not good in compairing, 'di ba? Panigurado pag-aawayan nyo lang ang ideya na ito, Eunice"

Eunice chuckle nervously. "Oo naman, Kauis, alam ko 'yon. Ipinahain ko lang naman talaga d'yan ang mga pagkain dahil mahihirapan ako kung magpapalakad-lakad ako dahil buntis. Ako ang magdedesisyon kung anong mga putahe ang dapat ihanda sa magiging kasal nyo. Hindi nyo kailangan mag-alala, ako na ang bahala sa lahat" ani Eunice na may pilit na ngiti sa labi. "Pero pwede tulungan mo ako since hindi naman ikaw si Azrielle at mas alam mo kung ano ang gusto nya? I promise it won't waste your time. Hindi rin ako mag-iingay para hindi magising ang reyna mo. Okay ba 'yon?" mapangumbinsi na sabi ni Eunice na pigil hininga na hinihintay ang sagot ko. Tanging tango lang ang itinugon ko sa kanya dahil tinatamad ako mag salita. "Yes!" mariing sabi nya pero limitado lang ang lakas ng boses. Dahil sa pag payag ko nag balik na sa pag kilos ang mga trabahador na parang turumpo sa bilis kumilos. "Ano ba ang gusto ni Azrielle? Baka kasi nag bago na sa tagal nyo rito" aniya habang abala sa pagkuha ng putahe ng ulam sa plato nya. Lumiwanag ang mukha ni Eunice nang makita ang buttered shimp. "Alam ko gusto nya ito. Sa tuwing lalabas kami ito lang ang gusto nya"

"Pero buntis pa sya noon" hindi ko pag sang-ayon. "Magustuhan man nya 'yan titikman na lang nya hindi tulad noon na sya ang umubos ng halos dalawang kilong hipon. Kahit buong araw 'yon ang kainin nya hindi sya nagsasawa. Iyon siguro ang dahilan kung bakit kahit tingnan ngayon hindi nya ginagawa" ani ko na ipinagtaka ni Eunice. Nahalata ko ang biglang pag ayaw ni Azrielle sa hipon noong pinadalhan ko sya sa mansyon ng mga Alcuaje pero hindi nya kinain. Kaya simula nga raw na 'yon iba't ibang putahe ng ulam na ang pinadadala ko sa kanya para kumain sya.

"Buntis din naman sya ngayon" bulong ni Eunice. Hindi ko naintindihan dahil sa sobrang hina. Huling salita lang nya ang naulinigan ko, ngayon. "Hindi na naman nya sinabi sa 'yo. Kaming dalawa na lang kaya ang magpakasal total mas alam ko ang nangyayari sa katawan nya kaysa sa 'yo. Ano kaya ang balak ni Azrielle? Dalawang buwan ng buntis pero hindi pa rin alam ng ama. Siguro nagbababad na naman sa trabaho itong si Kauis kaya nawawalan na naman ng gana si Azrielle. Hay nako, malaki talaga ang duda ko sa mag friends with benefits na ito. Naunahan ko pa ikasal samantala sila itong may pangatlong anak na. Kailangan na matuloy ang kasal na ito sa lalong mabilis na panahon" ano raw? Wala ako maintindihan sa pagsasalita ni Eunice na puno ng pagkain ang bibig. Hinayaan ko na lang sya bumulong ng bumulong dahil kahit walang nag-iingay sa paligid sya lang ang nakakarinig sa sarili nya. Hindi ko alam kung paano sya natatagalan ni Vincent. "Hoy, Kauis!"

When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)Where stories live. Discover now