Imbis na kape ang kaharap ko ngayong umaga, alak, hindi kasi ako nakatulog. And I think alcohol is the best way para antukin ako. Siguro dalawang bote lang, ayos na. Sumagi sa isip ko ang tao na kumatok kinakagabihan sa kwarto ko. Nang binuksan ko na 'yung pinto wala naman tao. I asked the manager here kung pwede i-review 'yung CCTV they said hindi pwede dahil pagagalitan sila ni Ian. I told them de Arciego ako and pinsan ko ang may ari ng resort but still sinunod pa rin nila ang protocol, mawawalan daw kasi sila ng trabaho kung gagawin nila ang gust ko. Kaysa sayangin ang oras ko sa pakikipagdiskusyunan minabuti ko na lang hayaan. Baka hangin lang o minulto ako kagabi. Pero sigurado ako na tao dahil dalawang beses kumatok. Pero bakit umalis? Sumenyas ako ng isa pang bote sa bartender. Huling bote na ito at babalik na ako sa kwarto ko para matulog. Isang dahilan pa kung bakit hindi ako nakapagpahinga dahil wala si Azrielle sa tabi ko. Binalak ko kagabi na puntahan sya sa kwarto nya pero panigurado na ipagtatabuyan nya ako kaya hindi ko na lang ginawa kahit nag aalala ako sa kalagayan nya. Tuwing maaalala ko ang sinabi nya sa 'kin sa hardin noong nakaraang gabi hindi ako makapaniwala na sa ikalawang pagkakataon nasira ang relasyon namin. Bakit pa kami pinagtagpo ulit kung hindi rin pala uuwi sa habang-buhay ang pagsasama namin? Siguro nga tama si manang Olga, may mga tao na dumarating sa buhay natin para maging leksyon lang. Pero ayoko sukuan si Azrielle, alam ko na nasabi nya lang 'yon dahil pagod sya. Pero hindi ko alam kung paano mababago ang isip nya.
"Hello, mic test, mic test" dahil sa kuryosidad binalingan ko ng tingin ang babae na may hawak na gitara sa stage. Malaki ang ngiti sa labi nya kaharap ang maraming bisita na nanonood sa kanya. Control V? Pamilyar sa 'kin pero hindi ko maalala kung paano ko nalaman. "Good morning we are Control V. I am the lead vocalist, my name is Cassandra Lorenzo. The first song that we're going to play is Say You Won't Let Go by James Arthur. I hope you all like it" may ngiti sa labi na sabi nito kasabay ng pag anunsyo ng pagsisimula ng kanta sa mga kabanda nya. Hindi ako nag-iilusyon, lalong hindi pa ako lasing, kilala ko talaga sya. Hindi ko matandaan kung saan ko sya nakilala pero pamilyar sa 'kin ang pangalan nya. Parang narinig ko na ito sa kung saan. Piniling ko ang ulo dahil sa sobrang pag-iisip. Banda sila, sikat, siguro sa balita ko narinig ang pangalan ng banda nila, walang espesyal. "I knew I needed you... But I never showed... But I wanna stay with you... Until we're grey and old... just say you won't let go... Just say you won't let go" binalot ng lambing ang malamig nyang boses dahilan kung bakit ako nangilabot. She's cool, pretty and talented, maswerte ang lalake na mamahalin nya, sana lang hindi nya maging sakit ng ulo.
Nag lakad ako patungo sa kinaroroonan ng sa tingin ko manager nila, malaki kasi ang ngiti sa labi nya habang minamasdan ang mga bata na tumutugtog sa stage. "Excuse me, sir" pagkuha ko ng atensyon nya mula sa banda. Nang bumaling sa 'kin ang paningin nya malaking ngiti sa sinalubong nya sa 'kin. Nag lahad ako ng kamay sa kanya na agad nya tinaggap. "I'm Kauis de Arciego. Gusto ko sana i-play ng banda 'yung There's Nothing like Us ni Justine Bieber. Ang ganda kasi ng boses ng bata" pag complement ko kay Cassandra Lorenzo. "Ikaw ba ang manager nila? Napansin ko kasi na sobrang proud ka sa kanila" sunod na sabi ko pa ng hindi binibitawan ang kamay nya. He's shaking, may mali ba akong nagawa? "Sir, are you okay? You're turning red" may pag aalala na sabi ko. Noong lapitan ko sya maayos ang kalagayan nya pero bigla sya minamulahan ng pisngi at tenga ng makaharap na ako.
"Yes, sir, I'm good. I'm sorry nabigla kasi ako na kinakausap ako ng isang Kauis de Arciego. Ang pinsan mo lang kasi na sila Morgan at Ian ang lagi ko nakakausap" may pag-aalinlangan na tugon nya sa 'kin. Si Morgan? Anong koneksyon nya sa kanya? Kung kay Ian hindi ako maghihinala dahil narito sila sa resort. Umasim ang mukha nito sa hindi ko alam na dahilan. "Sir, hindi po kasi kami tumatanggap ng request dahil madalas hindi alam ng vocalist namin 'yung kanta o hindi alam 'yung mga chords. But pwede po na ikaw na lang ang mag play, we can let you use our instraments po. Pero after po ng song kakausapin ko po ang banda, itatanong ko po sa kanila kung alam nila 'yung kanta na gusto nyo na i-play nila"
YOU ARE READING
When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)
RomanceI honestly don't like Kauis de Arciego. My friend Niana just introduced him to me that's why I knew him. I don't even know that he's a de Arciego, an heiress. I often saw him on bars and clubs dancing with different girls, touching parts that he lik...