Kabanata 21

36 5 0
                                    

Mariin ko ipinikit ang mga mata ko nang mag balik sa alala ko ang nangyari nang nakaraan araw. Ilang araw na akong hindi pinapatahimik. Tatlong de Arciego ang nakaburol ngayon, kahit isa sa kanila wala akong dinalaw. Hindi ko matanggap, bakit kailangan mangyari ito? Dinampot ko ang bote ng alak na nakakalat sa sahig at ibinato ito kung saan. Bumagsak ang flat screen TV senyales na tinamaan ito. Bumagsak ang pinto sa pader na tiyak ko na may pumasok. Sinong lapastangan ito? "Kauis..." nanginginig na boses ng isang babae ang nagpahinto sa takbo ng oras. Nanatili ako sa kinauupuan ko at hindi nag abala na lingunin sya. Bawat araw nandito sya pero hindi ko sya magawa tingnan. Nanliliit ako sa hiya, dapat nakinig ako sa kanila na h'wag ituloy ang plano. Kasalanan ko ito. Dahan-dahan na yabag ng paa ni Azrielle ang tanging nag bigay ingay sa paligid. Gusto ko sya paalisin dahil simula nang mangyari ang trahedya wala na ako kinausap na kahit na sino. "Hindi ko kaya na makita na nagkakaganyan ka. Hindi ikaw ang Kauis na kilala ko" huminto sya sa pananalita kasabay ng pag takip sa bibig. Batid ko na umiiyak sya pero wala akong magawa kung hindi ang makinig. Nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. Mahal ko sya pero ayoko muna iparamdam. "Hindi mo kasalanan ang nangyari. Bumalik ka na sa dati. Nag aalala na kami sa 'yo ng anak mo" binalot ng sakit ang tono ng pananalita nya na dumagdag sa bigat ng pakiramdam ko. Gustuhin ko man balikan ang dating ako, binabalikan din nito ang nakaraan ko. Bagaman nakatalikod ako sa kanya hindi nya makikita ang pag tulo ng luha mula sa mga mata ko. Alam ko na nakakasama ito sa pagbubuntis nya kaya hanggang maaari tinataboy ko sya sa 'kin. Naupo si Azrielle sa tabi ko dahilan kung bakit hindi ako kumilos. "Alam kong masakit ang nangyari para sa 'yo pero hind don natatapos ang buhay mo. Kauis, magakakaanak ka na. Kailangan ka namin. H'wag mo naman kami pabayaan dahil lang sa nahihirapan ka. Kung sa tingin mo hindi ako apektado sa nangyayari, nagkakamali ka. Pinapatay ako ng paulit-ulit sa tuwing maiisip ko na sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari at may posibilidad na talikuran mo ang lahat pati kami ng magiging anak mo" sunod na sabi ni Azrielle. Mahigpit nya hinawakan ang kamay ko kasabay ng pag sandal ng ulo sa balikat ko. "Walang problema na hindi mapag-uusapan. Ikwento mo sa akin, makikinig ako" sumimsim ako ng alak at hindi nag balak na mag salita. If there's a certain person that will understand what I'm going through now it's myself. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at gumagabay na tinungo ang kama. Binalot ko ng kumot ang katawan ko kasabay ng pagpikit ng mata. Hindi ako dinadalaw ng antok, paraan ko lang ito para iwan ako ni Azrielle. Ayoko makita nya na miserable ako. Magiging aayos din ako pero hindi ngayon. Ramdam ko ang mabigat na pag hugot ni Azrielle ng hangin. Alam ko na nahihirapan na rin sya sa sitwasyon. Hindi na ako magtataka kung isang araw na wala ng Azrielle na nangungulit sa akin dahil sa tigas ng puso ko. Hindi ko rin gusto ang nangyayari sa 'kin pero hindi ako makalaban. Binabalot ako ng lungkot, sakit, pighati, pangugulila at poot. Hindi ko alam kung paano tatakasan ang demonyo na bumubulong sa akin na ipagtabuyan ko lahat ng tao sa paligid ko dahil lahat sila ang entensyon ay saktan ako. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang buhay ko nang wala si Papalo. Hindi ko alam kung paano babangon sa umaga ng hindi ako binabagabag ng kahapon. Mariin ako napapikit nang dumampi ang labi ni Azrielle sa noo ko. "Kung may kailangan ka tawagan mo lang ako. Ipagluluto lang kita ng pang-hapunan mo dahil ang sabi ni manang Tina pangalawang araw mo na raw ito na hindi kumakain. Ayaw namin ni baby na magkasakit ang daddy nya kaya aalagaan ka namin" mahinahon ang pananalita nya ngunit bakas ang sakit. Hindi ko alam kung paano nya naitatago ang sakit na nararamdaman. Bakit hindi nya na lang ako iwan? Nang tuluyan nang nakaalis si Azrielle iminulat ko muli ang mga mata ko. Mali ang ginawa ko na pagpapahirap sa kanya pero iyon lang ang natatanging paraan na naiisip ko para bigyan nya ako ng oras makapag-isip. Hindi ko sya iiwan, hindi ako mambabae, ang gusto ko lang oras para sa sarili ko. Hinagilap ng kamay ko ang litrato namin dalawa ni papalo noong nasa LaClaRiTa kami sa kama. Ang litrato lang na ito ang kasama ko bawat araw. Minasdan ko mabuti ang malaking ngiti sa labi ni Papalo. Alam ko na hindi nya ako sinisisi sa nangyari pero hindi ko maiwasan hindi magalit sa sarili ko. Ang litrato na ito ay kuha noong 18th birthday ko na bumisita ako sa hacienda dahil matagal na kami hindi nagkikita.

When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)Where stories live. Discover now