Kabanata 36

50 5 0
                                    

"Dad!" sigaw ni Akiere. Agad ako tumayo mula sa pagkakaupo para salubungin sya. Hindi ko namalayan na hapon na pala, uwian na ng mga estudyante. Patakbo ako nilapitan ni Akiere. May malaking ngiti sa labi nya habang iwinagayway ang hawak na papel. "I got a perfect score again sa test namin. It's kinda hard but itinuro naman sa 'kin lahat 'yon ni kuya Akielle kaya hindi ako gaano nahirapan" aniya. 14 years na ang lumipas matapos ang kasal namin ni Azrielle. Dalaga at binata na si Akielle at Akira. Pero walang nagbago. Kung ano sila noon, ganon pa rin sila ngayon. Ang kaibahan lang nadagdagan ng isang myembro ang pamilya, ang bunsong si Akiere. Hindi na namin balak mag-anak pa ni Azrielle dahil sa kanilang tatlo lang sumasakit na ang ulo namin. "Dad, later na lang tayo ulit mag-usap kasi sabi ni kuya Akielle may sasabihin daw sya sa 'yo. Pero pag kailangan mo ng kakwentuhan nasa kitchen lang ako" may ngiting pagpapaalam sa 'kin ni Akiere. Hindi pa man din ako nakakatugon agad na sya umibis patungo sa kusina kung saan naghahanda ng meryenda ang mommy nila para sa kanila.

"May sasabihin ka raw" panimulang sabi ko kay Akielle. Parang kahapon lang batang paslit pa sya na ayaw kinukulit ng kapatid na si Akira. Ngayon madalang ko na sya makita dahil sa lagi kasama ang barkada. "Maupo tayo para mapag-usapan mabuti ang sasabihin mo. Parating na rin naman ang mommy nyo" pag anyaya ko sa kambal na agad sumunod sa 'kin patungo sa sala. Naupo si Akira sa tabi ko samantala si Akielle sa kabilang dulo ng sala. Simula nang mag binata sya dumalang na sya makipag-usap sa 'min lahat. Magsasalita lang sya kung tatanungin o may kailangan. "Sino na naman ang nakaaway mo? Kailangan ako pupunta sa university para makaharap ang mga magulang nya? Huhulaan ko kung sino ito. Si Clinton, na nakaaway mo na noong bata ka, si Jonathan na nagbalak manligaw sa kapatid mo na hindi mo gusto o si Samuel na nataasan ka sa rankings? Sino sa kanila, Akielle?" pumait ang tono ng pananalita ko sa pagkadismaya. Hindi makulit na bata si Akielle, halos hindi nga sya makabasag pinggan pero hindi ko alam kung anong masamang ihip ng hangin ang nasagap nya para maging basagulero. Isang ideya ang pumasok sa isip ko kaya muli ako nag salita. "Kung tungkol ito sa babae. Sino na naman ang inagawan mo ng girlfriend? Akielle, ang daming babae sa mundo, bakit kung sino pang may sabit syang gusto mo? Hindi na kita maintindihan"

"Dad, pwede kumalma ka?" iritado na tugon sa 'kin ni Akielle. Aba, talaga nga naman. "Hindi ito tungkol sa 'kin pero nang dahil sa ako ang nakausap mukhang nasali pa ako sa eksena" aniya sabay ismid. Dinaig pa nya si Akira sa kaartehan. "Hindi ba malapit ang mga de Arciego sa mga Domreige? Kinausap ako ng Dean kanina, ang sabi narito raw sa probinsya si Reigde" huminto sya sa pananalita sabay baling ng tingin sa kakambal. Anong problema? "Nagkita na kami kanina. Nabalitaan nya raw na may mansyon ang mga Domreige rito sa hacienda kaya nagpasya sya na rito na lang mag-aral para alagaan ang mansyon na inabandona na sa matagal na panahon. Mukhang wala naman mali sa gusto nya kaya pumayag na lang ako. Alam ko kasi na 'yon din ang magiging desisyon mo kaya hindi na lang kita inabala sa trabaho mo" prenteng saad ni Akielle na kasalukuyan pinapahinga ang likod sa upuan. Binalingan ko ng tingin si Akira na panay ang pag iling sa 'kin senyales ng hindi pag payag. Rito kasi sa hacienda hindi lang ako mag-isa ang nagdedesisyon para sa lahat. Importante pa rin sa 'kin ang opinyon ni Azrielle at ng mga anak namin. "Bakit mukhang ayaw mo, Akira? Tingin ko mabait naman si Reigde. Hindi nga lang kayo magkakasundo dahil unang pagkikita nyo pa lang gumawa ka na ng katangahan. Tapunan ba naman ng kape sa polo. Imbis na magpakumbaba sinabihan pa ng tatanga-tangang hindi tumitingin sa dinaraanan. Pasalamat ka malayo ka sa 'kin kung hindi baka inginudngod ko na ang mukha mo sa sahig. H'wag mo ubusin ang pasensya ko, Akira, kaya kita ipatapon sa isla kahit walang permiso ni mommy at daddy. Sumosobra ka na. Kung pinagbibigyan ka lagi ni daddy, ibahin mo 'ko. Hindi kita sisinuhin, tandaan mo 'yan"

"Kuya, hindi ganon ang nangyari!" pag-aapila ni Akira. Hinayaan ko sila mag diskusyunan dalawa dahil hindi nila maayos ang problema kung hindi nila pag-uusapan. "Hindi sya ang sinabihan ko ng tatanga-tanga. Iyong lalake sa likuran nya ang may kasalanan kung bakit tumapon sa damit ni Reigde yung kape. I was about to say sorry kahit hindi ako ang may kasalanan pero bigla sya umalis. Hindi ko na nahabol dahil hindi ko alam kung saan sya nag punta. Hinanap ko sya sa buong campus pero wala sya" mapangumbinsing sabi ni Akira. Bakas ko sa tono ng pananalita nya ang kaba habang kausap si Akielle na mukhang walang balak paniwalaan ang sinaad ng kapatid. Siguro nadala na sa pagpapaulit-ulit na pagsisinungaling ni Akira. "Bakit ba sobrang dali para sa 'yo na husgahan ako? Dahil ba hindi ko naabot lahat ng meron ka ngayon? Hindi ko kasalanan kung hindi mo ako kasing talino. Pasensya ka na, ganito lang kasi ako" huling mga katagang binitawan ni Akira bago lisanin ang sala. Hindi ko na sya sinubukan pigilan dahil alam ko na hindi rin naman sya makikinig. Bagsak ang balikat ako bumaling kay Akielle.

When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)Where stories live. Discover now