Gumising ako nang sobrang sakit ng ulo. Hindi ko matandaan kung paano ako nakauwi, kung sino ang nag hatid sa akin dito sa kwarto. Binalingan ko ang katabi ko na natutulog na si Azrielle. She's so beautiful even without make up. Bigla kumirot ang ulo ko dahilan ng pag singhap ko. Walang hiya ka Jennaiah. Naagaw ang atensyon ko ng gamot at tubig sa ibabaw ng table lamp. Si Azrielle siguro ang nag handa nito para sa 'kin. Agad ako bumangon mula sa pagkakahiga at ininom ang pain reliever. Ang sabi ni Papalo ang hang over dapat hindi ipinapahinga, dapat sinusundan pa ng isa. Tulad ng biglaang exercise, dapat ulitin para mawala ang sakit.
Bumalik ako sa pagkakahiga nang mapagtanto ko na alas sais pa lang ng umaga. Isang memorya ang nag balik sa alaala ko na nag paigtad sa akin mula sa pagkakahiga. Hindi ko masigurado kung nag iimahe lang ba ako pero natatandaan ko na sinabi ni Elysees na gumawa ng eksena si Eunice. Ang sabi pa nya sinampal nito si Azrielle. Minasdan ko ang mukha ng natutulog na si Azrielle. Medyo malapit ako sa kanya dahil hinahanap ko ang pinag-bakatan ng kamay ni Eunice. Wala akong nakita, siguro nabura na dahil ilang oras na ang nakalipas. Ano ba'ng gusto nya ng babae na 'yon? Hindi ako kasing bait ng inaakala nya kaya h'wag nya akong subukan.
Lumabas ako ng balcony ng kwarto para hindi maabala si Azrielle sa pag tulong habang kausap ko si Eunice. Ilang segundo ang lumipas sinagot na nya ang tawag. "What the hell you think you're doing? Bakit ka nag eskandalo? Akala ko ba hindi ka mangugulo? Ano itong ginagawa mo? Tapos na tayo, Eunice" hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi sya pag taasan ng boses. Isang malaking katangahan itong ginagawa nya. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa railings habang hinihintay ang pag sagot nya. Kahit pag hinga nya kinaiiritahan ko.
"Kauis, it's not my fault, believe me" ani Eunice na nanlulumo ang tono ng boses. Akala ba nya mapapaniwala nya ako? Panay ang pag hikbi ni Eunice sa kabilang linya, kung hindi ko sya kilala at nakasama ng matagal baka maawa pa ako sa kanya pero hindi kilala ko ang ugali nya, ginagawa nya lang ito para maawa ako sa kanya at balikan ko sya. "Bakit ang dali para sa 'yo na paniwalaan ang mga sinasabi ng babae na 'yan? Sya ang unang nanakit sa 'kin. Sa katunayan dinala ako ni manang Remy sa ospital kagabi dahil sa dami ng pasa at sugat sa katawan ko. Panigurado hindi nya 'yon sinabi sa 'yo dahil ayaw nya na magalit ka sa kanya. Pero iyon ang totoong nangyari, Kauis. Hindi ako nagsisinungaling sa 'yo, alam mo 'yan" sunod na sabi pa nya. Hindi ko maintindihana ng ibang salitang binitawan nya dahil sa sobrang pag iyak. Dapat na ba ako maawa sa 'yo? Tss.
Umikot ang mata ko sa inis. Hindi ako ang tipo ng tao na kaya'ng paikutin ni Eunice sa palad nya. "Fix your shit, Eunice. H'wag mo kami guluhin ni Azrielle tulad ng sinabi mo noon. Naiintidhan ko kung anong pinangagalingan mo pero hindi kita kayang mahalin tulad ng ibinibigay mo sa 'kin. Pasensya ka na pero kung ipipilit mo ang nararamdaman mo sa 'kin mapipilitan ako tuluyan ka burahin sa buhay ko" mariing sabi ko habang nanginginig ang kamay ko sa galit. "Para lang alam mo, hindi ako naniniwala sa mga sinabi mo. Ikaw, Eunice Salvador, papayag na masugatan, na magkaroon ng pasa ang poselana mo'ng balat? H'wag ako ang lokohin mo. Hindi na ako babalik sa 'yo kaya h'wag mo na ako habulin"
"Hindi ako titigil hanggang hindi ka bumabalik sa 'kin. Kung hindi ka magiging akin sisiguraduhin ko na hindi ka mapupunta sa iba. Ikaw ang dapat matakot sa 'kin, alam mo ang kaya ko'ng gawin makuha lang ang gusto ko" mapagbanta na sabi ni Eunice. Kumurba ang malokong ngiti sa labi ko. Nakakatakot.
"Hindi ba dapat ikaw ang matakot dahil isang Kauis de Arciego ang kausap mo? H'wag mo ako pagbataan kung hindi mo kaya'ng gawin. Kung gusto mo pa mabuhay ng matagal, lumayo ka"
"Dumanak na ang dugo, hindi kita lalayuan, Kauis. Tulad ng sabi ko kanina, akin ka lang. Kahit ilang beses mo ako ipagtabuyan, hindi ako mapapagod. Pasasaan ba't makukuha rin kita. Babalik sa normal ang buhay natin, tulad nang iwan ka ni Azrielle. Ang kailangan ko lang gawin gumawa ng plano kung paano kita mababawi sa babae na 'yan. Madaling na lang 'yon para sa akin dahil malambot ang puso ng mapapangasawa mo, konting pagpapaawa, konting iyak, kahit lumuhod ako sa harap nya ng may bubog sa tuhod ko gagawin ko ibalik ka lang nya sa akin" ani Eunice sa malambig na tono kasunod ng malakas na pag tawa. Nababaliw na sya. "Akin ka lang, Kaus, akin lang"
YOU ARE READING
When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)
RomanceI honestly don't like Kauis de Arciego. My friend Niana just introduced him to me that's why I knew him. I don't even know that he's a de Arciego, an heiress. I often saw him on bars and clubs dancing with different girls, touching parts that he lik...