"Bakit kasi kailangan mo mag pumunta ron?"
"Naka-oo na ako, nakakahiya kung hindi ako magpupunta" ani Azrielle na abala sa susukat ng damit na isusuot. "You don't have to worry, maayos na ang pakiramdam ko" aniya habang ang paningin ay nasa salamin. Nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga kasabay ng pag-iiwas ko ng tingin. Narinig ko naman ang yabag ni Azrielle na palapit sa kinaroroonan ko. "Babe...." malambing na sabi nito kasabay ng pagpulupot ng braso nya sa akin. "Babe, I told you a hundred times na, I'm fine. H'wag na natin ito pag awayan, huh?"
"Call me if you feel weird again" malamig na tugon ko nang hindi sya binabalingan ng tingin. "And make sure na before midnight narito ka na or else ako ang susunod sa 'yo. Do you understand?" maotoridad na sabi ko habang kinakalag ang pagkakayakap nya sa akin. Hinarap ko sya dahilan ng pagtama ng paningin namin. "Midnight. Midnight"
Ngumuso si Azrielle, mukhang hindi sya pabor sa sinabi ko. "Walang extension? Midnight talaga?" ani Azrielle na hindi maipinta ang mukha. Namilog ang mata ko dahil sa paninigurado nya'ng iyon. Itinaas nya ang dalawang kamay sa ere senyales ng pag suko. "Okay, midnight, nakauwi na ako rito" aniya na bagsak ang balikat na tinalikuran ako. "Bakit kasi hindi nya na lang ako diretsuhin na nagseselos sya? Ang hirap maging maganda, ang sakit sa ulo" rinig ko na bulong ni Azrielle kasabay ng pag hawi sa buhok nya.
"Excuse me? Hindi ako nagseselos" pagdedepensa ko sa sarili ko. Hindi nga ba ako nagseselos? Aish!
"Hindi raw nagseselos. If I know kanina pa nya pinapatay si Kevin sa isip nya" aniya na para'ng hindi ko naririnig ang mga sinasabi nya. Aapila na sana ako nang bigla muli nag salita si Azrielle. "Ihahatid mo ba ako or may ine-expect ka na bisita?" aniya habang ang dalawang kamay ay naka pamewang. Hinarap ko sya na mukhang dapat hindi ko ginawa. She looks so stunning in that silky blue 1-shoulder dress that she paired with black round-toe pump heels.
"H'wag ka na kaya umalis?"
"Gusto ko rin sana but...." huminto si Azrielle sa pagsasalita at inangkla ang braso nya sa akin. "Ihatid mo na ako dahil late na 'ko" aniya at iginaya na ako palabas ng unit. "Make sure you'll behave" paalala nito sa akin habang nakatingala sa papalit-palit na numbero ng pababa'ng elevator. "Mag grocery tayo bukas, babe, ang dami ko'ng cravings lately"
Sabay kami umibis ng elevator ni Azrielle. Hawak ko ang kamay nya habang binabaybay ang daan patungo sa parking lot. "Oh, Kauis, nakabalik na pala kayo" ani Lisa. Bumagsak ang tingin nya sa kamay namin ni Azrielle na magkasaklob. Naglaho ang ngiti sa labi nya at bumaling kay Azrielle ang paningin. "Hindi sana ako makikialam pero mukhang tama ang chismis dito sa San Marcelino. Malandi ka nga pala talaga" ikinabigla ko ang sinabi na 'yon ni Lisa. Hihigitin ko na sana paalis si Azrielle pero nanatili sya sa kinatatayuan nya.
"Maraming namamatay sa maling akala, Lisa. Hindi na ako magtataka kung isang araw pinaglalamayan ka na" sarkastiko na tugon sa kanya ni Azrielle habang may ngiti ito sa labi. Muli ko sinubukan ilayo si Azrielle sa harap ni Lisa pero pinalis nya ang kamay ko. "And for you information, matagal ko nang alam na malandi ako. Wala ba'ng ibang balita? Sa susunod gusto ko sana iyong buntis naman ako. Gusto ko na kasi magkaanak" huminto si Azrielle sa pananalita at bumaling sa akin bago muli tuonan ng pansin si Lisa. "Kay Kauis" sunod na sabi nito. Lumapit si Azrielle kay Lisa at humalik sa pisngi nito bago kami tuluyan umalis.
"Gusto mo pala magkaanak sa akin hindi ka nagsasabi para nagagawan natin ng paraan" pagbibiro ko kay Azrielle. "Kunwari ka pa nagagalit sa 'kin gusto mo pala na malahian ko. Ano'ng apelido ba ang bagay sa 'yo, Cuanco o de Arciego?" humagikgik ako sa pagtawa. Panandalian ko naman binalingan ng tingin si Azrielle na diretso ang tingin sa daan habang kasing pula ng kamatis ang pisngi. "Azrielle Kiera Alcuaje de Arciego.... Azrielle Kiera Alcuaje Cuanco.... What do you think?"
YOU ARE READING
When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)
RomansaI honestly don't like Kauis de Arciego. My friend Niana just introduced him to me that's why I knew him. I don't even know that he's a de Arciego, an heiress. I often saw him on bars and clubs dancing with different girls, touching parts that he lik...