Kabanata 28

51 4 0
                                    

"Anong ginagawa mo rito?" kahit hindi ko kaharap si Azrielle alam ko na nanlilisik ang mata nya ngayon sa 'kin. Napapadalas kasi ang pag bisita ko rito sa mansyon nila. Sa palagay ko dalawa hanggang tatlong beses ako narito sa isang lingo. Madalang kami magkita dahil nagkukulong lang sya sa kwarto nya mag hapon, lalabas lang sya kung nagugutom. "Wala ka na bang trabaho? Nagsasawa na 'ko sa mukha mo" kumurba ang ngiti sa labi ko. Imbis na masaktana ko sa sinabi nya natuwa pa ako. Akalain nyo, tiningnan nya pala ang mukha ko dahil ang sabi nya nagsasawa na sya. Dadalasan ko pa ang punta rito kung ganon.

Hinarap ko si Azrielle na may malaking ngiti sa labi ko. Hindi pa rin kumukupas ang ganda ng asawa ko. "Kumain ka na ba? Nag-luto ako para sa 'yo" malambing na sabi ko. Imbis na tugunan inismiran nya lang ako. Nag lakad sya patungo sa refregirator, may kung ano syang hinahanap na hindi nya makita. Panigurado maiirita na sya in 5...4...3...2...1.

"Nasaan 'yung manga na ipinabili ko kay yaya Nati kahapon?" iritado na sabi ni Azrielle habang naghahalungkat pa rin sa loob ng refregirator. Sinenyasan ko si yaya Nati na ilabas na ang mga manga na kanina binalatan ko. Nagluto rin ako ng bagoong dahil naalala ko noon na hinanapan nya ng bagoong ang matanda na pinagbilhan namin ng ihaw-ihaw na kilala ang mga magulang ko. Nang inlahad sa kanya ni yaya Nati ang mga manga agad sya nag baling ng tingin sa 'kin. "Pakialamero" aniya kasabay ng pag tanggap ng plato. Masama ang tingin nya sa 'kin habang kumakain. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit sya galit na galit sa 'kin. Pero kahit ano pa ang rason nya mahal ko pa rin sya. "Ano ba kasi talaga ang ginagawa mo rito? Bakit halos araw-araw narito ka? Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan?" mapait na sabi nya. Mas lumawak ang ngiti sa labi ko. Kumpirmado ko na tinitingnan nya nga ako. May pag-asa pa.

"Ayaw mo ba na binibisita kita?"

"Pag ba sinabi ko na ayoko titigil ka na?"

"Sinabi ko ba?" pabalang na tugon ko sa kanya. "Ang ganda mo ngayon" ani ko sabay pangalumbaba sa lamesa para matitigan sya ng husto. "Ang sabi ni Falome nagawa na nya ang sketch ng wedding gown mo. Gusto mo ba makita?" kalat na sa buong mundo ang paghihiwalay namin ni Azrielle pero hindi matanggap ni Falome. Kaya hanggang ngayon pinaniniwalaan pa rin nya ang sarili nya na may namamagitan pa rin sa 'min ni Azrielle.

"Wedding gown my ass"

"Oh?" nag balik sa alaala ko ang sabay na paliligo namin ni Azrielle sa Hotel de Franco, ang paninitig ko sa katawan nya hanggang sa umaba 'yon sa likuran nya. Namataan ko na lamang ang sarili ko na nakangiting aso. Nang mapansin 'yon ni Azrielle binato nya ako ng bunot ng manga. Hindi ako nakaiwas kaya tumama sa mukha ko. "Baby, that's gross, kinain mo 'yon" pag-iinarte ko sa kanya. Hindi naman talaga ako galit, natutuwa pa nga ako dahil pinapansin nya ako hindi tulad ng mga nakakaraang araw para lang akong hangin sa kanya. Pero kahit ganon may silbi pa rin ako dahil hindi nya kaya mabuhay ng wala ako.

"Anong ngini-ngiti mo?"

"Wala" pagmamaang-maangan ko. Umaayos ako mula sa pagkakaupo pero hindi ko iwinaksi ang paningin ko sa kanya. Pinamumulahan sya ng pisngi sa hindi ko alam na dahilan. Itinuro ko ang pisngi nya dahilan ng pag hawak nya ron. "Are you blushing?" maloko na tanong ko sa kanya. Ginawaran nya ako ng matalim na tingin pero wala akong balak tumigil. "Why are you blushing? May nasabi ba ako na hindi mo nagustuhan? But I'm not sorry" I smirked. Kung wala rito sa auntie Megan panigurado pinaulanan na ako ng mura ni Azrielle dahil sa pang-aasar ko sa kanya. I just missed her, 'yon lang 'yon.

"Bakit lagi ka rito? Wala ka bang trabaho na dapat tapusin?"

"Umm" ipinahinga ko ang likod ko sa upuan. "Wala. Tinapos ko na lahat para makasama kita" tugon ko. Humagikgik sa kilig si auntie Megan kasabay ng pag lapat ng kamay nya sa braso ko. "If you change your mind, willing ako tanggapin ka sa kahit na anong oras. Ayoko mahirapan ka kaya ako na ang sumasadya rito. Hindi ba 'yon din naman ang gusto mo, ang araw-araw ako makita kahit hindi na tayo?"

When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)Where stories live. Discover now