Kabanata 35

60 5 0
                                    

"Good morning!" masiglang bati ng kambal. Bumaling ang paningin ko kay Akielle na mukhang napipilitan lang sumunod sa mga plano ni Akira. Nagkibit balikat lang nya sa 'kin kasabay ng pagsenyas sa 'kin na maupo na. "Kain na po tayo" ani Akira. "Manang, pakilabas na ang mga pagkain" maotoridad na sabi nya habang ang paningin hindi iwinawaksi sa 'min ni Azrielle. "Maaga po kami nagising ni kuya dahil hindi po ba ngayon ang event ni tito Jairus? Sana po hindi nyo nakalimutan" aniya habang abala sa pag-aayos ng table napkin sa hita nya. Paano namin makakalimutan kung bawat minuto pinaaalala nila sa 'min? Nang muli mag taas ng tingin si Akira agad kumurba ang pilit na ngiti sa labi namin ni Azrielle. Siguro napapansin nya na rin ang kakaibang inaasal ni Akira. Hindi naman sya dati nangungupo, tanging si Akielle lang. "Ang sabi nga po pala ni tito Jairus hiwalay ang boys sa girls na aayusan kaya hindi kayo pwede magkita. But I think that's fine naman kaya sabi ko walang problema. 'Tsaka nandon naman kami ni kuya. Pwede sya sumama kay dad, ako naman sa 'yo, mom. Kaya wala kayo dapat ipag-alala"

Binalot ng katahimikan ang buong paligid. Hindi ako sanay na hindi nag-uusap ang kambal tungkol sa kung ano ang plano nila para sa buong araw sa harap ng hapagkainan. Nang ilapag ni Azrielle ang mga kubyertos sa plato nya naagaw nya ang atensyon namin tatlo mula sa pagkain. "Bakit ang tahimik nyo? Nag-away na naman ba kayo?" ani Azrielle sa kambal na sabay umiling. "Bakit hindi kayo nag-uusap kung hindi kayo nag-away? Wala ba kayong plano para sa ngayong araw? Hindi ako sanay na nakaikom ang mga bibig nyo" aniya na abala sa pag eksamin ng kilos ng kambal. Bumalik sa pagkain si Akielle na animo'y hindi narinig bawat tanong ni Azrielle. Samantala si Akira tinitigan lang sya na blangko ang ekspresyon ng mukha. Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Azrielle at nagpasya na bumalik na lang sa pagkain kaysa kausapin ang kambal na walang balak tugunan ang mga tanong nya. "Ang sabi ko nga hindi na lang ako magtatanong dahil hindi naman kayo sasagot" sarkastiko na sabi ni Azrielle.

Mukhang nag-iingat ang kambal sa bawat salita na bibitawan nila dahil sa pagiging limitado ng pananalita. Tahimik ang buong byahe. Dapat sa punto na ito nagdedebate na ang kambal pero walang salita na lumalabas mula sa bibig nila. Pinasadahan ko sila ng tingin mula sa rear view mirror ng sasakyan. Nakatuon ang atensyon ni Akielle sa dinaraanan ng sasakyan habang si Akira abala sa paglalaro sa iPad nya. Tumuno ang atensyon ko kay Azrielle nang tumikhim sya. Bumaling ang tingin nya sa kambal panandalian. Nakuha ko agad ang ibig nya sabihin. "Hindi ka pa nasanay sa dalawa na 'yan. Kakausapin ko na lang sila mamaya" mahinang sabi ko sapat lang upang kaming dalawa ang makarinig. "Siguro hindi lang sila nakatulog ng maayos kagabi. Tingnan mo ang histura ni Akira, hindi naman 'yan umaalis ng naka-make up before, 'di ba? Kalimitan nya lang 'yon gawin kung gusto nya itago ang eye bags nya. Si Akielle, kung kumpleto ang tulog nya hindi dapat magulo ang buhok nya ngayon. Pero nang dahil sa puyat hindi na sya nakapag-ayos" saad ko. Ang hinala ko agad ko nakumpirma nang humikab si Akielle. "Nanood siguro ng Barbie kagabi"

"Si Akielle manonood ng Barbie? Gusto mo ba na basagin nya ulit ang TV sa kwarto nila ni Akira? Imposible ang hinala mo, Kauis" ani Azrielle sa hindi makapaniwalang tono ng pananalita. "Naalala mo ba noong pinilit sya ni Akira na manood ng Barbie? Bumisita lang tayo saglit sa La Fienza pag balik natin may naka-charge na sa account mo na one hundred twenty thousand. When we asked them kung saan ginamit ang pera ang sabi ni Akielle nabasag nya ang TV sa kwarto nila. Hindi nya sinasadya dahil nadala sya ng galit kay Akira dahil sa sobrang kakulitan. After that day nalaman natin na ang ikinagalit pala ni Akielle ang pamimilit sa kanya ng kakambal na samahan manood ng Barbie kahit ilang beses na nya sinabi na hindi nya gusto ang palabas na 'yon"

"Pero may magagawa ba sya kung kukulitin sya ni Akira? Wala naman, 'di ba? Kaya sigurado ako na kahit hindi sya pumayag sa gusto ng kakambal nya wala syang magagawa kung 'di ang manood na lang din dahil hindi sya titigilan ni Akira hanggang hindi sya umo-oo. Mas ikakainis 'yon ni Akielle kaya pinag-bigyan nya na lang" paunang sabi ko. "Kailan ba humindi si Akielle kay Akira? Mag-aaway sila ng ilang minuto pero sa huli si Akielle pa rin ang magpaparaya. Tingin ko ganon ang nangyari kagabi kaya parehas sila walang tulog ngayon" ang totoo nyan may ideya na ako kung bakit puyat ang kambal. Panigurado buong gabi nila kausap si Fal, Eunice at Ian para sa gaganaping kasal. Ang pasimuno si Akielle. Gusto nya lahat ng bagay perpekto. Walang lugar ang pagkakamali sa buhay ni Akielle.

When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)Where stories live. Discover now