Kabanata 39

57 4 0
                                    

Akielle's POV

Napamulat ang kaliwang mata ko nang biglang mag ring ang telepono ko. Kinapa ko ang buong paligid ng kama, hindi ko matandaan kung saan ko nailapag. Muli ko ipinikit ang mga mata ko ng makapa ko ito sa ilalim ng unan ko. "Hello?" inaantok na bungad ko. Wala ako ideya sa kung sino ang nasa kabilang linya. Pero sigurado ako na hindi ito importante dahil sa ikalawang telepono ko tumawag.

"Don't tell me natutulog ka pa" iritableng ani Reivine. Sabi ko na nga ba hindi importante.

"Anong oras na ba?" nakapikit pa rin ang mga matang sabi ko. Pakiramdam ko alas tres pa lang ng madaling araw dahil sa lamig ng paligid.

"Dude, it's 2:49 in the afternoon!" pasigaw na ani nya.

"It feels like 3 AM" walang ganang tugon ko habang dinadama ang lambot ng kama. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko tuluyan maiwan ang hacienda at mansyon. Hindi kasi ako gaano nakakatulog sa kwarto ko sa condo dahil sa hindi ko alam na dahilan. Dalawang beses sa isang lingo ako matulog rito sa mansyon, para lang siguro makabawi sa pagod.

"Ano pa nga ba ang aasahan ko sa 'yo?" binalot ng pagkadismaya ang tono ng pananalita ni Reivine. Grade school pa lang magkaibigan na kami pero hanggang ngayon hindi pa rin sya sanay sa 'kin. "Anyways, kaya lang naman ako tumawag dahil gusto ko ligawan mo si Syriae"

"Sige" tanging tugon ko dahil sa hindi ko gaano narinig ang sinabi nya. Bigla kasi nautal ang pananalita nya, humina yata ang signal palibhasa may bagyo.

"Wala ng bawian!" puno ng sayang aniya. Ano ba kasi 'yon?

"Okay"

Matapos ko tumugon sa huling mga katagang binitawan ni Reivine pinutol na nya ang tawag. Ipauulit ko na lang sa kanya ang sinabi nya kung sakaling magkita kami sa DAU.

Matapos ko maligo minabuti ko mag basa ng emails kahit tinatamad ako. Sa isang offer lang naman ako interesado pero ayoko isipin nya na naghahabol ako kaya ginagawa kong alibi ang ibang kompanya na mataas ang offer sa 'kin para humaba pa ang usapan namin. I refreshed my emails for like ten times pero hindi ko pa rin nakikita ang pangalan nya. Dati-rati naman alas singko impunto sya kung mag send sya ng email dahil alam nya na 'yon ang oras ng pagbabasa ko pero alas otso na wala pa rin paramdam.

Napakunot ang noo ko nang mag message sa 'kin ang de Arcigo Bank. Buong araw ako natutulog, wala naman bayad ang pag stay ko rito sa mansyon. Para saan ang 50,000 pesos na charged sa account ko? Agad ko hinanap ang bunsong kapatid ko na si Akiere. Ginawa na nya ito noon, baka sya ulit ngayon. Hindi ako nahirapan hanapin sya dahil ang tambayan nya lang naman ay ang kusina. "Did you used my card?" bungad na sabi ko kay Akiere na abala sa pagkain ng strawberry ice cream.

"I have my own" malamig na tugon nya.

Napahinto ako sa paglalakad patungo sa refregirator dahil sa gulat. "50,000 pesos charged in my account. Hindi talaga ikaw ang gumamit?" mapaniguradong ani ko.

"Hindi nga, kuya. Kanina pa ko rito kumain"

"Imposible naman na si Akira ang gumamit nito" wala sa sariling ani ko. "Tatawag na lang ako kinabuksan sa bangko. Baka mabawi ko pa"

"May sinasabi ka, kuya?" may ngiti sa labi na ani Akiere.

"Sabihin mo kay manang Ester ipagluto ako ng sinigang" bilin ko kay Akiere bago lisanin ang kusina. Tanging tango lang ang itinugon nya sa 'kin dahil abala sa pagkain. Sa buong araw isang gallon ng ice cream ang nauubos nya. Kahit kagigising pa lang nya sa umaga diretso sa freezer. Dahil sa araw-araw nya ginagawa, nasanay na ang tiyan nya, hinahanap-hanap.

"She's beautiful, right?" kumikinang ang mga mata ni Reivine habang tinititigan ang litrato ng isang babae sa telepono nya. Pamilyar ang mukha nya sa 'kin pero sabi ni Reivine taga Maynila, imposible na nagkita na kami. "Siya 'yung babae na sinasabi ko sa 'yo. Iyong usapan natin kanina" may ngiti sa labi pa ring ani nya. Nawi-weirdo-han na ako sa kanya, hindi naman sya ganito dati.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)Where stories live. Discover now