Kabanata 11

52 15 0
                                    

"Baka sakali na may magustuhan kayo" ani Falome. Pinagmasdan ko ang mga suits na nakasuot sa mannequin. Hindi sa pagiging pihikan pero wala akong nagustuhan. Sinubukan ko imagine-in ang hitsura ko wearing them, hindi bagay. "Kauis, may nagustuhan ka na ba?" aniya habang malaki ang pagkakangiti at kumikinang ang mga mata na nakatuon ang paningin sa akin.

Ngumuso ako at umiling. "I'm sorry, Falome, but wala ako nagustuhan. Don't misinterpret me, maganda sila but tingin ko hindi sila babagay sa 'kin. And I told you naman 'di ba that my girlfriend will choose what I'm going to wear sa Grand Ball?" may pag aalinlangan na tugon ko sa kanya.

"Okay.... So, miss Azrielle, may nagustuhan ka ba sa lahat ng ito?"

"I'm sorry pero wala rin" dismayado na tugon ni Azrielle. Hinayaan ko sya sabihin lahat ng gusto nya, it's her opinion. "I like him to wear a Pique Tailoired Fit Italian Suit in mid blue sana. Can you do that, Falome? I mean, of course, you can, you're one of the best designer in the world" Fit Itaian what?

"Let's sketch that" ani Falome. Mula sa bag nya inilabas nya ang sketch pad at pens nya. Naupo sya sa tabi ni Azrielle at hinayaan ito ilahad ang bawat detalye ng suit ko na gusto nya makita na suot ko. Hindi ko sila inabala imbis nilaro ko na lamang si Dark.

"Quiet ka lang, magagalit si mommy pag nag bark ka" paalala ko kay Dark. Noong binili ko si Dark sa pet house ng mga Domreige tinanong nila ako kung ano ang gusto ko ipangalan sa kanya, ang sabi ko Dark, they asked me why kasi puti raw 'yong aso. Hindi ko sya binase sa kulay ng aso, binase ko sya kung ano ang kulay ng buhay ko ng iwan ako ni Azrielle noon. Kaya ayon, Dark ang pangalan ni Dark. Everything is all about Azrielle.

Hinayaan ko mag laro si Dark sa lamesa, paikot-ikot sya ron, mukhang binabantayan ang mommy nya habang kausap si Falome. He's always like that pag hindi nya kilala ang kumakausap sa mga nag aalaga sa kanya. Sinenyasan ko si Dome na bantayan si Dark dahil aalis ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo, sinundan ko si daddy na lumabas ng conference room. Sa pagkakatanda ko fire exit ang labas nito. Pag bukas ko ng pinto tumambad sa akin ang buong ka-Maynilaan. Fire exit nga.

"Anong ginagawa mo rito, Kauis? Hindi ka ba kailangan sa loob?" ani daddy habang ibinubuga sa hangin ang usok ng sigarilyo. Inilingan ko lamang sya bilang sagot. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya senyales na paghihingi ng sigarilyo. Bagsak ang balikat naman nya ito ibinigay sa akin. "Akala ko you quit na?" aniya habang malayo ang tingin.

"Akala ko rin po but I don't smoke when Azrielle is around panigurado ipapakain nya sa akin pati ang upos nito" tugon ko at ipinahinga ang likod sa railings. "Dad, I want to meet my real father. And if that's fine with you. Kung hindi po, ayos lang naman" diretso na sabi ko kay daddy. Pansin ko ang pag baling nya sa akin ng paningin pero hindi iyon nag tagal.

"Ano ba ang sabi ng mommy mo? Sya lang ang may karapatan na kumausap sa 'yo tungkol sa tunay mo'ng ama. Kung ako ang inaalala mo, anak, h'wag na, ayos lang sa 'kin. 23 years ng buhay mo ako ang tatay mo. Panahon na siguro talaga para makilala mo naman si Jao. Hindi ko ipagdadamot ang karapatan mo na makilala sya at ang mga kapatid mo sa kanya. Mahal kita kaya mahal ko rin ang mga mahal mo"

"Salamat, dad" gumaan ang pakiramdam ko dahil sa isinaad na iyon ni daddy. Buong akala ko hindi sya papayag dahil sya ang nag hirap mag palaki sa 'kin. "Umm... dad, if you don't mind po, pwede ko ba malaman kung bakit hindi mo ako anak? I mean, I can read minds, isang tingin ko pa lang sa isang tao alam ko na kung ano ang pakay nila sa 'kin. Bakit hindi ako de Arciego?"

"We trained you to be one. Sobrang nahirapan ka noon, anak. Dumating pa nga sa punto na gusto ko na itigil dahil nakikita ko na nalilito ka na sa dami ng itinuturo sa 'yo. You have to memorize different kinds of galaw ng tao, the way they speak, the way they look at you para mabasa mo kung ano ang iniisip nila. After 2 years na pagtuturo sa 'yo ni Papa, nakuha mo na. Pero napansin mo ba, hindi mo iyon kaya gawin sa taong mahal mo pag inamin mo na you're captivated and dominated by her?"

When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)Where stories live. Discover now