Kabanata 17

45 10 0
                                    

Ikinabigla ko ang pagiging malinis ng buong kwarto. Hindi naman ito ganito nang iwan namin ni Azrielle. Matapos ko ilapag ang bag sa sofa nag masid ako sa paligid. Mukhang wala naman nawala o nanakaw. Imposible na puntahan ito ng mga kasambahay mula sa Casa de Arciego dahil hindi naman ako nag sabi na linisin nila. Hindi kaya nag punta rito si Eunice dahil nasa kanya pa rin ang duplicate key ng unit? Ano naman ang gagawin nya rito kung alam nya na wala ako rito? Agad ako nag tungo sa kusina para tingnan kung naroon pa ang mga supplies. Laking pagtataka ko na narito pa rin. Hindi kaya pera lang ang sadya nila? Kung iyon nga, ayos lang sa 'kin, marami akong pamalit. H'wag lang ang pagkain dahil mahirap mamili.

Habang nagpapakulo ng tubig naisip ko na tawagan si Azrielle. December 30th na bakit wala pa rin sya rito sa unit? Ilang oras na lang mag start na ang Grand Ball o nag bago ang isip nya na h'wag na lang kami um-attend? Pabor sa akin 'yon dahil gusto ko sya ma-solo tonight. Ipiniling ko ang ulo ko dahil sa naiisip ko, kailangan naroon kami dahil pupunta ang mga kapatid ko sa Cuanco. And this is also my day dapat masaya ako. Kumurba ang malaking ngiti sa labi ko nang sagutin na ni Azrielle ang tawag. "Bakit?" salubong nito sa akin. Nag laho ang ngiti sa labi ko dahil sa inasta nya. Anong problema nya?

"Where are you na? Nakauwi na ako" ani ko habang inihuhulog ang ramen sa kumukulong tubig. "Gusto mo sunduin kita? Right after ko kumain nariyan na 'ko" sunod na sabi ko. Hindi ko inalis ang atensyon ko sa ramen dahil baka ma-over cooked hindi ko magugustuhan. Inilayo ko sa tenga ko ang cellphone sa pag aakala na pinutol ni Azrielle ang tawag. "Hello, babe, are you still there?" bakit ayaw nya mag salita? "Babe, may problema ba tayo? Ngayon pa talaga na kauuwi ko lang?"

"Anong pinagsasasabi mo? Nagbabasa ako ng libro kaya hindi kita kinakausap. 'Tsaka alam ko na dumating ka na. Dalhan mo ako rito sa kwarto ng ramen hindi pa ako kumakain" ani Azrielle kasabay ng pag putol ng tawag. Nagtataka ko nilingon ang kwarto, nakabukas ang pinto, sa loob nakaupo si Azrielle habang namamahinga ang likod sa head board. Bakit hindi ko napansin na naroon sya? Mukhang napansin nya ang paninitig ko kaya binalingan nya ako ng tingin. I awkwardly wave my hands at her senyales ng pag bati. Ganon ba ako ka-gutom?

After ko maluto ang ramen agad ako nag tungo sa kwarto tulad ng utos ni Azrielle. Kailan pa kaya sya rito? "H'wag mo nga ako tingnan ng ganyan, Kauis" ani Azrielle na hindi ako binabalingan ng tingin dahil abala sa pagkain. Ang sungit naman. "Sinabi na h'wag mo ako tingnan hindi ako makakain" hindi makakain halos sya nga ang ubos ng ramen sa bowl ko. Agad ako nag iwas ng tingin dahil kumukunot na ang noo nya. Kahit iritable sya ang ganda pa rin nya.

Kinuha ko mula sa bulsa ko ang maliit na box na naglalaman ng engagement ring. Wala ng tamang oras para rito dahil panigurado magiging abala kami sa pag aasikaso ng mga bisita kinagabihan. "Let's make this official" ani ko kasabay ng pag lapag ng box sa lamesa. Nanlalaki ang mga mata ni Azrielle sa gulat habang ang paningin ay nakatuon sa pulang box sa harap nya.

Inilapag nya ang hawak na bowl bago pa ito bumagsak sa kamay nya dahil sa panginginig. "Parang tanga naman 'to!" ani Azrielle kasabay ng pag hampas sa braso ko. "Seryoso ba 'to? Kasi kung hindi ka pa mag pro-propose ako na ang gagawa" aniya kasabay ng pag luha ng mga mata dahil sa saya. Tanging tango lang ang itinugon ko dahil abala ako sa pag eeksamin ng mukha nya. I coulnd't ask for more narito na lahat ng kailangan ko sa harap ko, sobra pa nga. "Kauis, ano ba? Mag salita ka nga"

"Naisip ko kasi na alam na ng mga tao na engage na tayo pero wala ka'ng ring or something na magpapatunay na ikakasal ka sa 'kin. Ayoko na mapahiya ka kaya binili ko 'yan" hindi makatotohanan pakinggan pero iyon ang tunay na dahilan.

"Ang ganda!" ani Zaluree habang maingat na nakahawak sa kamay ni Azrielle. Kumikinang ang mga mata nya tulad ng dyamante sa singsing ni Azrielle. "Kailan kaya ako?" aniya kasabay ng pag buwal sa sofa. Humalukipkip ito at mukhang may malalim na iniisip. "What if I married someone na hindi nyo akalain na magugustuhan ko? Na imposible talaga. What would be your reaction, guys?" giit nito. Sinenyasan nya ang beautician na tumigil muna sa pag make up sa kanya dahilan ng pag layo nito. So, seryoso sya sa tanong nya?

When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)Where stories live. Discover now