"Ano ba kasi talaga ang ginawa mo, Kajil? Bakit ako ang binabalikan nila?"
"Kumalma ka nga, Kauis, pera lang 'yan" ani Kajil habang kumakain ng umagahan. Paano nya nagagawa kumain sa ganitong sitwasyon? Kahit anong oras pwede sya mapatay. "H'wag mo pansinin, nananakot lang 'yan"
"Paano kung madamay sila mamala at papalo? Hindi pa rin ba ako dapat mag-alala?" panimula ko. "Ano ba kasi talaga ang ginawa mo sa kanila para magalit sila ng ganon?"
"Sinabi ko naman sa 'yo, pera lang ang kailangan nila" ani Kajil na puno ng pagkain ang bibig. Uminom sya ng tubig habang sinesenyasan ako na mag hintay sa susunod nya'ng sasabihin. "Kinuha ko kasi iyong mga pera na napag-bentahan nila ng droga. Ipinahamak ako ni Maxyne, dapat lang na gumanti ako"
Napalamukos ako ng mukha dahil sa isinaad ni Kajil. Sya naman itong walang pakialam at nagpatuloy sa pagkain. "Kajil, nagiisip ka pa ba? Nang dahil sa pera hahayaan mo na patayin ka nila?" tumaas ang tono ng boses ko dahil sa pagkairita. "Bakit hindi mo na lang usauli? Baka sakali na tumahimik na ang buhay mo at hindi mo na kailangan mag tago rito. Hindi ka ba napapagod sa pagpapaulit-ulit mo sa pag sira ng buhay mo?"
Kinalampag ni Kajil ang lamesa kasabay ng pagtayo nya sa pagkakaupo. "What do you want me to do isauli sa kanila ang pera ng ganon ganon na lang? Nakakasigurado ka ba na hindi nila ako papatayin kung nasa kamay na nila ang pera?"
"Ang gusto ko magpakalalake ka! Harapin mo mag isa ang problema mo at h'wag mo idamay ang mga tao sa paligid mo!"
"Anong nangyayari rito?"
Sabay namin binaligan ng tingin ni Kajil ang bagong dating. Si Mamala. Inilapag nya ang dalang mga pagkain sa lamesa habang ang paningin ay papalit-palit sa amin ni Kajil.
"Anong ginagawa mo rito, Kauis?" binalot ng pagtataka ang tono ng boses ni Mamala habang ang paningin ay hindi inaalis sa akin. Nanatili akong tahimik at hindi umiimik. "Kauis, anong ginagawa mo rito?" ani Mamala sa mariing tono ngunit kalmado.
"Dito po ako nagpupunta sa tuwing umaalis ako ng mansyon"
"Pero, bakit? Bakit hindi mo sinabi ito sa amin?"
"Si Kajil na po ang magpapaliwanag"
"Kauis, wala sa tamang pag iisip ang pinsan mo! Ano ka ba naman?!"
"Bakit hindi nyo po sya tanungin ngayon?" panimula ko. Hinarap ko si Kajil na nakayuko habang nakaigting ang panga at nakakuyom ang kamay. "Kajil, baka panahon na para malaman na rin ni Mamala"
Nagpakawala ng buntong hininga si Kajil at inanyayahan si Mamala na maupo. Sinimulan nya ang kwento sa kung paano sya sumali sa grupo nila Maxyne hanggang sa pag bantaan nito ang buhay nya dahil sa pera na tinakas nya. Matapos ang mahabang kwentuhan nanikip ang dibdib ni Mamala.
"Bakit hindi ka nag sabi ng totoo?" ani Mamala kay Kajil na kinakalinga ang likod nya. "Dapat sinabi mo sa amin ng Papalo mo para naayos natin ito nang hindi na lumaki ang gulo"
Inabot ko ang baso na naglalaman ng tubig kay Mamala na agad nya tinanggap at ininom.
"Ma, problema ko ito. Ayoko na madamay kayo----"
"Pero iyon na ang nangyayari, Kajil"
Kung si Kajil ang may atraso sa kanila, bakit ako ang ginugulo nila?
"May koneksyon ba tayo sa mga Cuanco?"
Dahil sa pagsasalita ko naagaw ko ang atensyon ni Mamala at Kajil sa isa't isa. "Si Julia" si mommy?
"Bakit ba nagkakagulo-----" hindi naituloy ni Papalo ang sasabihin nya nang makita rito sa loob ng opisina nya si Kajil. "Anong ginagawa ng baliw na 'yan dito sa opisina ko?" tumaas ang tono ng boses ni Papalo habang nakaturo ang daliri kay Kajil na nakayuko. Bumaling sa akin ang paningin ni Papalo na takang-taka. "Alam mo ba ito, Kauis?"
YOU ARE READING
When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)
RomanceI honestly don't like Kauis de Arciego. My friend Niana just introduced him to me that's why I knew him. I don't even know that he's a de Arciego, an heiress. I often saw him on bars and clubs dancing with different girls, touching parts that he lik...