Pag mulat ng mata ko walang Azrielle na bumungad sa akin. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nag inat. Dumiretso ako sa banyo sa pag aakala na naroon si Azrielle, pero wala. Nagmadali ako sa paliligo para hanapin sya. Kung lumabas sya ng mansyon sigurado na maliligaw sya dahil dalawang taon na nang huli syang naka bisita rito.
"Manang, nasaan si Azrielle?" bungad na tanong ko kay manang Tansing. Nilingon naman nya ako kaagad hawak ang plato na inuurungan nya.
"Umalis. Hindi ba nagpalam sayo?"
"Saan daw po nag punta?"
"Hindi ko alam pero----"
"Kasama ni Lucia"
Nilingon ko si manang Dolores na kadarating lang. Bitbit nya ang ilan sa mga pinamili sa palengke. Agad naman ako lumapit sa kanya at kinuha ang ilan sa mga bitbit nya at inilagay sa ibabaw ng lamesa.
"Kasama sya ni Lucia. Ang pagkakaalam ko nag punta sa LaClaRiTa" ani manang Dolores habang nagsasalin ng tubig sa baso. Kumunot ang noo ko sa pagtataka na bakit sasama si Azrielle kay Lucia knowing what happened yesterday night? At saka, bakit sya bumalik sa LaClaRiTa kung naaalala nya ang nangyari 2 years ago?
"H'wag ka na mag-alala sa kanila, Kauis. Pinasamahan ko naman sila kay Janeth"
Umibis ako ng kusina at bumalik sa kwarto. Hinanap ko ang pangalan ni Azrielle sa contacts at agad iyon tinawagan. Nakakailang missed call na ako pero hindi pa rin sinasagot ni Azrielle ang tawag. T*angina! Paano kung totoo nga ang sinasabi ni Azrielle na kasabwat ni Kajil si Larisse? Kung ano-anong scenario ang nabubuo sa isip ko sa takot na baka mawala ulit sa akin si Azrielle. Bakit kasi hindi nya ako ginising o sinabihan man lang?
Kinuha ko ang susi ng kotse sa drawer nang mapag desisyunan ko na sundan na lang si Azrielle sa LaClaRiTa. Kahit sinong ponsyo pilato pa ang kasama ni Azrielle hindi matitigil ang pag-iisip ko hanggang hindi ko nasisiguro na ligtas sya.
"Aalis ka?"
"I want to make sure that she's safe"
"Ano ka ba naman, Kauis. She's with Janeth. Alam nya ang pasikot-sikot dito sa hacienda"
Huminto ako sa paglalakad at hinarap si Papalo. He's with Don Julio, Donya Levi at ang isa pa nitong apo. I'm not familiar with her. "I just want to make sure she's safe. Babalik din po ako agad"
Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si papalo before he nod. "Mag iingat ka"
Mabilis ang pagpapatakbo ko ng sasakyan para agad marating ang LaClaRiTa. Noong si Azrielle ang kasama ko na bumabyahe papunta ron pakiramdam ko ang bilis ng oras, pero ngayon na mag-isa lang ako tila isang oras na yata ako rito sa loob ng sasakyan.
Sinusubukan ko pa rin ma-contact si Azrielle pero hindi talaga nya sinasagot. She once cancelled it pa nga. Ipinark ko sa kung saan ang sasakyan at nagmadali umibis ng kotse. I used the shortcut way to get their faster. Nagkakalansingan ang mga tuyong dahon na nagkalat sa paligid. Hindi kasi ito nalilinis dahil wala naman nagtatangka dumaan dahil delikado.
Namilog ang mata ko nang mapansin na may lumalangoy sa kalagitnaan ng ilog. It's not Azrielle, she's fair and the color of her hair is purple. Malakas na tawanan ang narinig ko mula sa dalampasigan. Bagsak ang balikat ko sinandal ang likod ko sa puno ng mapagtanto na si Azrielle iyon at si Lucia. At ang lumalangoy sa ilog ay si Janeth.
Panandalian ako nag pahinga nang hindi pa rin tinatanggal sa paningin ko si Azrielle. Mukhang hindi naman sya nag punta rito para maligo, she's not even wearing a bikini knowing that she loves showing her skin. She's proud of what she have and I hate it.
YOU ARE READING
When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)
RomanceI honestly don't like Kauis de Arciego. My friend Niana just introduced him to me that's why I knew him. I don't even know that he's a de Arciego, an heiress. I often saw him on bars and clubs dancing with different girls, touching parts that he lik...