It's December 31st. Dahil nga sa Casa de Arciego ako nag pasko rito naman ako sa mansyon ni Papa magbabagong-taon. Ang sabi ni tita Sandra alas sais pa raw ng sabu ang dating ni papa, alas quatro pa lang ng hapon. Napaigtad ako sa gulat nang may humawak ng marahan sa braso ko. "Bakit kaya sa tuwing dadalaw ako rito, narito ka rin? Hindi kaya tayo talaga ang para sa isa't isa? Besides hindi pa naman kayo kasal ni Azrielle pwede mo pa sya talikuran kahit kailan mo gustuhin. Sabihan mo lang ako, handa naman ako na saluhin ka. I can be your Eunice, Camille or even Azrielle kung gugustuhin mo" mapang-akit na sabi ni Cassandra kasabay ng pag haplos sa balat ko. Agad ako tumayo sa pagkakaupo para layuan sya. Bakit ba lagi narito ang babae na ito? "Kauis, hindi mo naman kailangan matakot. Kung ayaw mo hiwalayan si Azrielle maiintindihan ko dahil mukhang mahal mo naman sya. Pero ang sabi nga ng matatanda hindi masama tumikim ng iba, hindi ba?"
"Kung napapangaralan lang ang mga kabit panigurado may monumento ka na ngayon" sarkastiko na sabi ni Francine na bitbit ang kinuha nya na snacks para sa amin dalawa. Nagyaya kasi sya na mag movie marathon pag dating daw ng mga lalake pero imbis na sila ang dumating ito si Cassandra. Sinenyasan ko sya na h'wag na patulan pero mukhang hindi nya ako pakikinggan. Gulo ito. Inilapag ni Francine ang tray sa lamesa bago muli harapin si Cassandra na matalim ang pagkakatingin sa kanya. "Alam mo, Cassandra, magandan ka naman, mayaman ang parents mo, lahat ng gusto mo nakukuha mo, may konting talino pero bakit ayaw mo gamitin? Bakit pilit mo pinagsisiksikan ang sarili mo sa mga taong ayaw sa 'yo? Bakit mo sila kailangan akitin hanggang sa ikaw na ang gustuhin?" paunang sabi ni Francine na prente nakatayo sa harap ni Cassandra. Hinigit ko ang braso nya palayo pero pinalis nya ang kamay ko na nakahawak sa kanya. "Noong una inisip ko na baka nagkataon lang na parehas tayo ng lalake na nagustuhan. Pinalampas ko 'yon dahil mukhang masaya sya sa 'yo, na baka nakita nya sa 'yo ang wala sa akin. Hindi ako nagalit o nag tanim ng sama ng loob dahil alam ko na may pagkukulang ako kay Brielle. Hinayaan ko kayo magpakasaya habang ako halos mamatay na sa lungkot at sakit na nararamdaman ko. December 14th 2018, Tuesday, tandang-tanda ko dahil umasa ako na aayusin ni Brielle ang relasyon namin dahil sabi nya mag-usap daw kami. Pero hindi ganon ang nangyari, nakipag-hiwalay sya sa akin dahil sa 'yo. Alam mo ba kung gaano ako kagalit sa 'yo, Cassandra? Alam mo ba?!" nanginginig ang kamay ni Francine sa galit habang mahigpit ito nakahawak sa magkabilang balikat ni Cassandra. Muli ko sya inilayo ngunit buong lakas nya ako itinulak.
"Hindi ako ang dahilan kung bakit ka hiniwalayan ni Brielle. Tingnan mo nga ang hitsura mo sa salamin. Manang ka kung manamit, maganda ka nga pero hindi mo ginagamit sa tamang paraan kaya pinagsawaan ka. H'wag mo sa akin isisi kung nag hanap ng iba si Brielle dahil wala ka'ng kwenta. Hindi ko kasalanan dahil ako ang nilapitan. Alam ko na may girlfriend sya, oo, pero anong pakialam ko? Masama ang tumatanggi sa grasya, Francine. Kung ako sa 'yo gayahin mo ako para hindi ka masaktan, para hindi ka iniiwan" ani Cassandra kasabay ng pag palis sa magkabilang kamay ni Francine. Sinubukan ko habulin ang kamay ni Francine na lumipad sa pisngi ni Cassandra pero hindi ko nagawa. "Iyan lang ba ang kaya mo'ng gawin? Ang cheap, a" paghahamon pa nito. Bakit hindi na lang sya umalis? Ang kapal ng mukha. "Ang sabi ni Brielle mahal ka pa rin nya pero mas mahal na nya ako sa 'yo ngayon kahit alam nya na niloloko ko lang sya. Dapat nga isasauli ko na sya sa 'yo pero naisip ko na panigurado babalik at babalik lang sya sa akin, ayoko ng sakit ng ulo kaya hinahayaan ko na lang sya mahalin ako. Minsan naaawa ako sa 'yo dahil wala'ng may gusto na manligaw sa 'yo dahil natatakot na baka kulamin mo. Sa totoo lang, gusto kita kaibiganin pero nag dalawang isip ako, baka kasi mahawa ako sa pagiging boring mo lalayuan ako ng friends ko. Nakakahiya ka, Cuanco pa naman ang apelido mo pero mahina ka. Imbis na ipaglaban mo sa akin si Brielle mas pinili mo mag kulong sa kwarto mo, umiyak at kaawaan ang sarili mo. Tingin mo babalikan ka ni Brielle dahil sa iniyakan mo lang sya? Hindi"
"Hindi ko na sya ipaglalaban kung ikaw lang din ang kaagaw ko. Alam mo tama ang desisyon mo na h'wag ako kaibiganin dahil ayoko mahawa sa kakatihan mo. Nagpatingin ka na ba sa espesyalista? Mukhang lumalala ang kakapalan ng mukha mo. Ikaw itong kabit, ingat pa ang nagmamataas. Ngayon, tuturuan kita kung paano magpakumbaba" buong lakas itinulak ni Francine si Cassandra dahilan ng pagkakabuwal nito sa sofa. Maswerte pa sya. Kinaladkad nya palabas ng mansyon si Cassandra gamit ang buhok nito. Sinusubukan ko umawat pero sadyang malakas sa akin si Francine. "Anong iniiyak-iyak mo ngayon? Mahina ako? Hindi ko kaya ipaglaban ang sarili ko? Nagkakamali ka yata ng hinihusgahan" mariing sabi pa nya habang patuloy sa pangangaladkad.
YOU ARE READING
When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)
RomanceI honestly don't like Kauis de Arciego. My friend Niana just introduced him to me that's why I knew him. I don't even know that he's a de Arciego, an heiress. I often saw him on bars and clubs dancing with different girls, touching parts that he lik...