"Si Janeth" ani Azrielle na kaaahon pa lang sa tubig. Imbis lingunin ang direksyon na tinitingnan nya ibinato ko sa kanya ang towel na dala ko. Gusto pala maligo hindi nag dala ng damit. Ang ginawang solusyon, nag tanggal ng t-shirt at shorts para raw underware lang ang mababasa sa kanya at hindi sya lalamigin pag uwi.
"Ikaw, hindi ka maliligo?" pag babaling ng atensyon ni Azrielle sa akin. Nanatili akong nakatingin sa langit at hindi nag abala na sagutin ang tanong nya. Masakit na ang mata ko dahil sa sikat ng araw pero hindi ko 'yon inalintana. Dahil sa tuwing titingin ako sa gawi ni Azrielle noong naliligo sya nakikita ko ang mga bawang na nanlalaki ang mga mata sa tuwa. Kung hindi lang ako taga-pagmana panigurado kritikal ang kalagayan nila ngayon.
"Kanina pa ako tinitingnan nung mga lalake sa kabilang cottage" pagmamalaki sa 'kin ni Azrielle. Sa gulat ko napaupo ako mula sa pagkakahiga. "Akala ko ayaw mo maligo?" muling tanong nya sa 'kin.
"Alam mo pala na tinitingnan ka bakit hindi ka pa umahon?" iritable na tugon ko sa kanya.
"Nagsheshelosh ka" ani Azrielle dahil sa puno ng pagkain ang bibig. Paulit-ulit ako umiling senyales na nagkakamali sya ng hinala. "Kung hindi ka nagseselos bakit ka nagagalit? Bakit namumula 'yang tenga mo? Bakit nanlalaki 'yung mga mata mo? Tsaka bakit mo ako iniirapan?"
"Dahil responsibilidad kita. Kapag may nangyari sa 'yo ako ang malalagot kay auntie Megan"
"Edi ibalik mo na lang ako sa kanila kung natatakot ka magkamali"
"May isang salita ako'ng tao, Azrielle"
"Okay, fine"
Tumayo sya sa pagkakaupo at pinagpag ang kamay sa harap ko. "Ang dumi mo na. Maligo na tayo" aniya. Hinila nya ang kamay ko para tulungan ako tumayo. Nagpabigat ako dahilan ng pagkakadapa nya sa ibabaw ko. "Ang sabi ko maligo hindi gumawa ng malagro" pagkaklaro nya sa 'kin. Muli syang tumayo at inalay muli ang kamay sa 'kin. Tinanggap ko 'yon na parang lumulutang ako sa kalawakan. Kung ibang babae 'yon panigurado sinampal at sinaktan na nila ako. Pero si Azrielle...
"H'wag mo ipahiya ang sarili mo rito. Alam ko naman na naghahangad ka pa ng iba bukod don pero h'wag natin dito gawin, maraming nakatinging tao" Azrielle said using her seductive voice. How could she do that to me knowing that it affects me so much? This girl is really getting into my nerves.
Bumitiw ako sa pagkakahawak ni Azrielle sa kamay ko. Pinagmasdan naman nya ako kung paano ko tanggalin ang shirt ko sa harap nya. Mula sa hindi kalayuan rinig ko ang pag sigaw ng mga babae. Maloko na ngiti ang ibinigay ko sa kanya na sinuklian nya ng pag irap. "Akala ko ba ako ang nagseselos?"
"Ingit lang sila dahil akala nila ako ang girlfriend mo" pagtataray ni Azrielle sa 'kin kasabay ng pag hawi nya ng buhok nya. That smells so good, I think it's cherry or strawberry. "Dinala mo na ba rito si Eunice?"
Tumaas ang kilay ko dahil sa pagtataka. "Alam mo ang tungkol sa amin ni Eunice?"
"Schoolmate ko si Eunice. Kung hindi ako ang may issue sa school, sya, imposible na hindi makarating sa akin ang kalandian nyo"
"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko na hindi ko girlfriend si Eunice?"
"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko na hindi ko boyfriend si Maxyne?"
"Bakit ka sasama sa kanya kung hindi naman pala kayo?"
"Hindi rin naman tayo pero kasama mo 'ko. So, boyfriend din kita?" Azrielle said before she dive into the water. Nang lumutang sya mula sa pagkakalubog diretso ang tingin nya sa akin habang inaayos ang buhok na nakadapo sa mukha nya. "Tatayo ka na lang dyan?" aniya. "Halika na, hindi malamig ang tubig. Alam ko naman na iyon ang kinakatakot mo"
YOU ARE READING
When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)
RomanceI honestly don't like Kauis de Arciego. My friend Niana just introduced him to me that's why I knew him. I don't even know that he's a de Arciego, an heiress. I often saw him on bars and clubs dancing with different girls, touching parts that he lik...