"Bro..." sunod-sunod na pag tapik sa balikat ko ang nagpamulat sa akin mula sa pagkakapikit. Bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni Gelo. Kinusot ko ang mata ko dahil sa antok. Hindi ko napansin na nakatulog pala ako sa klase, binantayan ko kasi sa ospital si mommy kagabi kaya wala akong tulog hindi naman ako pwede mag absent dahil finals ngayon. Mabuti na lang wala pa si Miss Panganiban dahil kung nandito na sya panigurado walang de Arciego – de Arciego sa kanya. "T*ngin* ka mabuti na lang absent si Miss Panganiban dahil masama raw ang pakiramdam. Si Kate ang nag dala ng test papers. Hindi na kita ginising dahil mukhang puyat na puyat ka" bulong ni Gelo habang ang paningin ay hindi iwinawaksi sa akin. Inilahad ko ang kamay ko para kunin ang test paper, na-review ko ng bahagya ang reviewer na sinent nya kay Azrielle, pero konti na lang ang natatandaan ko. Bagsak ang balikat nya inabot sa akin ang test paper. Nang basahin ko ang unang tanong parang pamilyar sa akin. Nabasa ko ito, alam ko, pero hindi ko matandaan ang sagot. Nagpakawala ng mabigat na buntong hininga si Gelo kasabay ng pag hablot sa test paper ko. "Ako na ang magsasagot" aniya kasabay ng pag irap sa akin. "Oh, ayan, 'yan na ang sa 'yo. Magpasalamat ka na ako ang kaibigan mo" sarkastiko na sabi ni Gelo at inilapag ang test paper nya na may sagot sa arm chair. "H'wag ka nga makatingin ng ganyan, Kauis. Baka may makahalata sa 'tin panigurado parehas tayo pupulutin sa damuhan" si Gelo na kasalukuyan sinasagutan ang test paper na para sa 'kin. I can't believe he's doing this for me. Dati-rati ako ang gumagawa nito sa kanya.
"Kauis..." nagtaas ako ng tingin sa babae na bumanggit sa pangalan ko. Si Jourshel. Nakalingon sya ngayon sa akin ng palihim, ang isang 'to kunwari pa na ako ang tinitingnan. Tinaasan ko sya ng kilay dahilan kung bakit pinagpatuloy nya ang pagsasalita. "Tell your friend nag message sa 'kin ang mommy nya. Ang sabi maaga sya umuwi dahil ngayon ang flight nila papuntang South Korea. And h'wag na nga raw pala gumawa ng eksena dahil hindi nya pwede ipilit ang gusto nya. Pakitanong kung ano ang isasagot ko or kung hindi ako magre-reply" bulong nito habang ang paningin ay gumagaala sa kabuoan ng silid. Binalingan sya ng masamang tingin ng seatmate na si Chelsea. "Sorry" aniya kasabay ng pag peace sign. Sa amin anim si Chelsea, Gelo at ako lang ang mahilig mag aral. Pero ngayon mukhang nababago na ang pananaw ko dahil hinayaan ko si Gelo na sagutan ang test paper ko. Kinalabit ko si Gelo na ngayon seryoso binabasa ang question. As if naman hindi nya narinig ang sinabi ng ex-girlfriend nya. Binalingan nya ako ng tingin na blangko ang ekspresyon ng mukha. Bakit sa akin sya nagagalit, pinabasabi lang naman ni Jourshel. Aish. "Kauis, pakibilisan kasi naghihintay si tita Jillian" bulong pa ni Jourshele na hindi na ngayon maayos na ang pagkakaupo. Nakatuon pala kasi sa kanya ang tingin ni Anne, ang paboritong estudyante ni Miss Panganiban, panigurado isusumbong sya non. Muli ko kinalabit si Gelo dahilan ng pag baling ng atensyon nya sa akin. Pinagtaasan nya ako ng kilay na ipinagtaka ko. How dare him? Ako ang gumagawa non sa kanya noon. "Kauis, sumagot na----"
"Tell her na h'wag ka na contact-in dahil break na tayo" iritado na tugon ni Gelo. Dahil sa itinugon nya napahinto si Jourshel sa pagkakalantok ng ballpen nya sa arm chair. Wala akong alam sa nangyari, kababanggit pa lang kinaumagahan sa akin ni Chelsea na hiwalay na nga raw ang dalawa. "Iyon ang sabihin mo sa kanya kung nakukulitan ka na. Hindi ba ayaw mo ng ganon, 'yung kinukulit ka? Sabihin mo sa kanya na tama na ang tatlong taon na pag sayang sa buhay mo sa anak nya. Baka sakali na matanggap ng nanay ko na hiwalay na tayo. Ang sabi kasi nya sa 'kin sa tuwing magkakausap daw kayo ina-avoid mo ang topic na 'yon kaya hindi nya makumpirma. Ako tuloy ang binubuliglig nila, sa susunod mag sabi ka na lang ng totoo na nagsawa ka sa 'kin kaya nakipag-hiwalay ka, panigurado maiintindihan naman nila 'yon. And kilala mo si mommy, hindi 'yon magagalit sa 'yo dahil sa lahat ng ex's ko ikaw lang ang nagustuhan nya" pabalang na tugon ni Gelo. Matapos 'yon nagbalik na sya sa pagbabasa. Iyon pala ang nangyari. Sayang naman ang tatlong taon na pinagsamahan nila. Napansin ko ang paninitig sa akin ni Chelsea kaya tinaasan ko sya ng kilay. Tinanguan nya ako para bang sinasabi na nagsasabi sya ng totoo sa kwento nya.
YOU ARE READING
When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)
RomanceI honestly don't like Kauis de Arciego. My friend Niana just introduced him to me that's why I knew him. I don't even know that he's a de Arciego, an heiress. I often saw him on bars and clubs dancing with different girls, touching parts that he lik...