"Dad..." napamulat ako ng isang mata sa pag dating ng kambal. "Dad, bangon ka na r'yan" ani Akira na panay ang pag halik sa pisngi ko. Yumakap lang ako sa kanya imbis na tugunan ang gusto nya. Kumpleto ang tulog ko pero ayaw pa ng katawan ko bumangon. "Dad, isusumbong po kita kay mommy pag hindi ka pa nag wake up" aniya habang kumakawala sa pagkakayakap ko. Dahil sa sinabi nya napamulat ako ng mga mata ng wala sa oras. Sumalubong sa 'kin ang walang ekspresyon na mukha ni Akielle. Sinenyas ko sa kanya ang kapatid nya pero inismiran nya lang ako. "Dad, sabi ko kay mom, mainit" si Akira na kasalukuyan kinukulit ang kuya nya ayusin ang buhok nya. Tumaas ang kilay ko senyales ng pag tuloy nya sa sasabihin. "Wait lang, dad" giit nya saby baling sa kapatid na iritado na sa inaasta nya. "Pag hindi mo ako pinusod sasabunutan kita" pagmamataray nya. Walang nagawa si Akielle kung 'di tanggapin ang clip ni Akira para ilagay ito sa buhok nya. Nang harapin ako muli ni Akira may malaking ngiti sa labi nya. Nag tagumpay na naman sya sa pananakot sa kuya nya. "Dad, 'di ba malinis na ang LaClaRiTa?" malambing na sabi nito. Sinasabi ko na nga ba may kailangan sya. Tinaguan ko sya senyales ng pag sagot. "Punta tayo ron, dad. Dalawang buwan na tayo rito pero isang beses pa lang natin napupuntahan, gabi pa. You know naman na takot ako sa dilim, 'di ba? Hindi ko na-enjoy. This is the perfect time para bumalik tayo, dad. What do you think?"
"Iyon lang pala ang sasabihin mo inabala mo pa ako sa pag tulog" inis na sabi ni Akielle. "Alas siete pa lang ng umaga, Akira. Sigurado ako na hindi mauubos ang tubig sa LaClaRiTa. Kahit sa isang taon tayo bumalik, ayos lang. 'Tsaka hindi ka ba makakaligo kung hindi ang tubig sa talon ang gagamitin? Pinagagana mo na naman kasi ang kakulitan mo imbis na mag-isip ka" ani Akielle. Halos mag dikit ang kilay ni Akielle dahil sa sobrang galit. Nilamukos ko ang mukha nya dahilan kung bakit sya napalayo. "Dad!" nagbabanta na sabi ni Akielle habang pilit na pinaalis ang kamay ko sa mukha nya. "Okay, fine! Pumapayag na 'ko na pumunta tayo ng LaClaRiTa kahit tirik ang araw. Goodluck na lang sa mga bata nyo" bagsak ang balikat na sabi nya. Agad umibis ng kwarto si Akira para ibalita sa mommy nya ang napag-usapan namin, para na rin mag handa ng mga gamit na dadalhin sa LaClaRiTa. "Lagi mo na lang, dad, pinagbibigyan si Akria. Paano kung dumating ang araw na hindi nya makuha ang gusto nya? Mahihirapan sya tanggapin 'yon. Dapat habang bata kami minumulat nyo kami na hindi lahat ng gustuhin namin makukuha namin na parang isang laruan lang. Hindi habang buhay bata kami" Akielle coldy said. Napamaang ako dahil sa pagiging seryoso nya. "What ever, good morning" aniya sabay halik sa pisngi ko. Nakukuha ko ang punto nya pero sobrang bata pa nya para isipin 'yon.
"Nasaan si Akielle?" salubong na tanong ko kay Azrielle. "Kanina ko pa sya hindi nakikita. Hindi naman nya kasama si Akira dahil nasa living room packing her things" sunod na sabi ko habang nililibot ng tingin ang kabuoan ng mansyon. "Nasaan ang anak ko?" sabi ko sa hangin. "Hindi ba lumabas ng mansyon? Nagpaalam ba sa 'yo?"
"Kumalma ka nga, Kauis. Nasa kotse na si Akielle, kanina pa sya ron dahil mainit daw" ani Azrielle dahilan kung bakit ako nakahinga ng maluwag. "Kung hanggang bukas lang hindi 'yon kikibo dahil hindi nagkasya ang tulog. 'Tsaka kanina narinig ko may kausap sa cellphone nya. Nakalimutan ko lang ang pangalan pero ang sabi nya pag bisita raw natin sa Casa de Arciego magkita sila agad. Kauis, naguguluhan na ako sa mga anak mo. 3 years old pa lang ang mga 'yan pero kung ano-ano na ang alam. Nag I love you pa nga sa babae. Kakausapin ko sana sya pero ayoko naman sirain ang mood nya. Tapos itong si Akira, laging umiiyak sa gabi dahil naaalala 'yung Reigde. Lagi nya hinahanap sa social media 'yung lalake pero mukhang iba ang pangalan o walang social media. She asked me pa nga kung pwede ako makakuha ng copy ng year book sa DAU. Nag oo na lang ako para lang matulog sya. I can't believe na kahit sobrang bata pa nila may ka-affair na sila. Hindi ko na alam kung paano pa didisiplinahin ang mga anak mo" binalot ng prustrasyon ang pananalita ni Azrielle. I can't tell her to calm down dahi ultimo ako nabigla.
"Kanina ka pa r'yan sa cellphone mo. Sino ba 'yang kausap mo?" pamumuna ko kay Akielle. Agad naman sya nag taas ng tingin sa 'kin sabay iling. "No secrets, right?" ani ko. Naupo ako sa tabi nya habang ang paningin nakatuon kay Azrielle at Akira na masayang lumalangoy sa ilog. Nanatili ang paningin sa 'kin ni Akielle, mukhang naghihintay sa susunod kong sasabihin. "Your mom's freaking out. She heard you raw na may kausap ka sa phone mo and you said I love you to her. How can you explain that, little Kauis?" panandalian ko sya binalingan ng tingin. Bagsak ang balikat nya at malungkot ang ekspresyon ng mukha. Is he guilty or something? Bakit hindi sya makasagot? Mukhang ikinabigla nya ang tanong ko. "Are you hiding something, Akielle? Girlfriend mo ba ang babae na 'yon? Bakit hindi mo sya ipakilala sa 'min?" mahinahon na sabi ko. Nagpakawala ng mabigat na buntong hininga si Akielle na ikinagulat ko. Mukhang malaki pa sa kanya ang problema nya. Tumingala sya sa langit, mukhang binabalot sya ng prustrasyon.
YOU ARE READING
When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)
RomansI honestly don't like Kauis de Arciego. My friend Niana just introduced him to me that's why I knew him. I don't even know that he's a de Arciego, an heiress. I often saw him on bars and clubs dancing with different girls, touching parts that he lik...