Kabanata 38

51 5 0
                                    

Azrielle's POV

"Mommy...." agad ko binalingan ng tingin si Akielle na bagong dating. Umuwi pa talaga sya. "Bago ka magalit may ipapakilala muna ako sa 'yo" sunod na sabi nya kasabay ng pag lingon sa likuran. Sino naman 'yon? Nagpunas ako ng kamay sa tuyong tuwalya na narito sa kusina. Katatapos ko lang ipagluto ng umagahan si Kauis. Hindi ko iwinaksi ang paningin ko kay Akielle na nakalahad ang kamay sa isang babae na hindi gaano katangkaran. Hindi pamilyar ang mukha nya sa 'kin. Wala akong ideya kung sino sya. "Si Ciandra po girlfriend ko" may halong kaba na ani Akielle.

"Good morning po, tita" may pag-aalinlangang bati sa 'kin ni Ciandra. Minasdan ko ang hitsura nya mula ulo hanggang paa. May hitsura, mukhang maalaga sa katawan dahil sa kinis nya. Pero hindi ko gusto ang suot nya, kinulang sa tela. "Sabi ko po kay Akielle next time na lang ako ipakilala sa inyo dahil hindi po ako ready. Pero kinulit po nya ako kaya wala na ako nagawa" aniya na parang isang paslit na batang nag-iinarte. Saan ba ito nakilala ng anak ko? "I'm really sorry, tita if lagi umaalis si Akielle ng walang paalam sa inyo to visit me here sa Manila. Lagi ko nga sya pinag-babawalan pero sadyang matigas po talaga ang ulo nya, walang pinakikinggan. But now that he have me napapansin ko naman po na medyo may pagbabago sa kanya" ani Ciandra. Dumapo ang paningin ko sa kamay nya na panay ang pag haplos sa braso ni Akielle. She's no good for my son.

"Maupo muna tayo. Kumain na ba kayo?" may pilit na ngiti sa labi na ani ko. Alang-alang kay Akielle hindi ako gagawa ng eksena. "Saan kayo nagkakilala?" pagpapanggap ko na tanggap ko ang mga nangyayari. Hanggang maaari hindi ko iwinawaksi ang malaking ngiti sa labi ko. Pinasadahan ko ng tingin si Akielle. Panay ang pag haplos nya sa kamay nya na karaniwan nya gawin sa tuwing kinakabahan. Ano bang hindi nya gusto na malaman ko?

"Nagkakilala po kami sa bar" buong kumpyansa na tugon sa 'kin ni Ciandra. Sa bar. "18th birthday po 'yon ng friend ko, invited din si Akielle. Ipinakilala po sya sa 'kin ng best friend ko which is schoolmate nya before sa DAU-Manila. After po ng party hindi na ulit kami nagkita. Noong July po nagkasalubong kami sa supermarket, I didn't recognized him sa dami ng tao pero nakilala nya ako agad. He asked me if I have a boyfriend, sabi ko po wala. Don na po nagsimula lahat"

"You know what, sa bar din kami nagkakilala ng daddy ni Kauis"

"Sabi ko na nga ba tayo talaga!" sa sobrang tuwa hindi napigilan ni Ciandra ang pagtaas ng boses nya kasabay ng pag higit ng yakap kay Akielle na tinugunan lang sya ng pilit ng ngiti. Siguro naman ramdam nya na hindi ko gusto ang babae na ipinakilala nya sa 'kin. "I want to meet the whole de Arciego, babe" paglalambing ni Ciandra kay Akielle na nanlaki ang mga mata sa gulat. "May problema ba? Hindi mo ba gusto na makilala nila ako? Naisip ko kasi na nandito na lang din ako bakit hindi ko pa sila kilalanin lahat?" malambing na ani nya na nagpasakit sa tenga ko.

"Alam mo ang batas ng de Arciego, Akielle. May karapatan ka na ipakilala sya sa buong de Arciego ngayong araw. Pero inaasahan ko na hindi matatapos ang araw na ito na walang ginagawang mansyon sa Maabilidad Street" sarkastikong sabi ko kay Akielle. "Maiwan ko muna kayo para makapag-usap. Medyo tanghali na rin, gigisingin ko na ang mga kapatid ni Akielle" bago tuluyan umalis ginawaran ko ng matamis na ngiti si Akielle. Sigurado ako na nagdadalawang isip na sya ngayon kung ipagpapatuloy pa nya ang ugnayan kay Ciandra. Hindi ko sya gusto para sa anak ko.

Pag bukas ko ng pinto ng kwarto bumungad sa 'kin ang gulat na mukha ni Akira. "Bakit parang nakakita ka ng multo?" takang tanong ko. Tanging iling lang ang itinugon nya sa 'kin na ipinagtaka ko. "May sakit ka ba? Bakit namumutla ka?" umamba ako tuluyang papasukin ang kwarto pero agad nya ako pinigilan. "Akira---" hindi ko na naituloy ang pananalita ko nang pag saraduhan nya ako ng pinto. "Anong meron?"

"Bakit, ma?" boses ni Akiere ang naulinigan ko mula sa hindi kalayuan. "Bakit pinag saraduhan ka ni ate ng pinto? Nag-away ba kayo? Gusto mo kausapin ko sya? Anong ginawa nya? Bakit hinahayaan mo na binabastos ka nya? Nasaan ba si kuya? Dapat nya ito---"

When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)Where stories live. Discover now