"Manang, hot chocolate po" sapo ko ang ulo ko kinaumagahan pag gising dahil sa dami ng alak na nainom ko kagabi. Hindi ko na nga matandaan kung paano ako nakauwi rito sa hacienda. Makalipas ang ilang minuto lumapag sa harap ko ang tasa na naglalaman ng hot chocolate. "Salamat po"
"Saan ka ba nanggaling kagabi at umuwi ka ng lasing na lasing?" ani manang Dolores na kalalabas lang ng maid's room.
"Sa Barrier---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko kay manang Dolores nang mapagtanto na hindi sya ang nag timpla ng hot chocolate para sa akin. Nilingon ko ang babae na nakasuot ng kulay puti mula sa tagiliran ko. Prente sya nakasandal sa pader habang sumisimsim ng kape. Si Azrielle.
"Bakit ka naman nagpakalasing ng ganon? Mabuti na lang inuwi ka rito ng kaibigan mo"
Muli ko binalingan ng tingin si manang Dolores. Nagtitimpla sya ngayon ng kape para sa lahat ng kasambahay, gwardya at hardinero. Kumunot ang noo ko sa pagtataka nang sabihin ni manang na inuwi ako ng kaibigan ko. Sinong kaibigan? "Manang, sino po ang nag hatid sa akin dito sa hacienda?"
"Iyong Camille. Ang sabi pa nga napa-sobra nga raw ang inom mo, siguro mag a-alas tres na iyon ng umaga. Gising pa noon si Azrielle dahil hinihintay ka nya" tugon ni manang Dolores ng hindi ako binabalingan ng tingin.
"Manang, pakisabi nga po na hanggang midnight lang ang Barrier pero 3AM sya umuwi" ani Azrielle na mapait ang tono ng pananalita. Sa pagkakanta ko alas onse naririto na ako sa mansyon, ano'ng nangyari? "At saka, manang, paki bigay nga rin po ito sa kanya" padabog inilapag ni Azrielle ang cellphone ko sa ibabaw ng lamesa at muli bumalik sa pagkakasandal sa pader. "Pakisabi rin po na nagme-message iyong Camille, ang sabi sana maulit"
Sana maulit? Wala akong matandaan.
"Sana naman kung mag che-cheat 'yung hindi ko malalaman" sarkastiko na sabi ni Azrielle at nilisan na ang kusina. Ako, nag cheat? Agad ko hinalungkat ang mensahe na galing kay Camille. Hindi ko kilala ang Camille na 'yon, I swear. Nanginginig ang kamay ko sa panlalamig dahil sa mga nababasa kong mensahe galing sa Camille na 'yon.
Camille Furtabeles
I had fun
Sana maulit
Can we meet again?
Baka magalit girlfriend mo?
I'm dead.
Nag laho na parang bula ang hilo ko at tinakbo ang distansya ng kusina at ng kwarto ni Azrielle. Dumoble ang kaba na nararamdaman ko dahil sa hingal at sa takot na baka galit sa akin si Azrielle. Bago ko tuluyan pasukin ang kwarto minabuti ko muna kumatok. "Can I come in?" pormal na tanong ko. Pinagpapawisan ang noo ko dahil sa matinding kaba. Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag kay Azrielle na wala lang 'yon at totoo na wala ako'ng matandaan sa mga nangyari kinagabihan.
Wala akong nakuha'ng sagot mula loob ng kwarto pero pumasok pa rin ako. Tumambad sa akin ang walang ekspresyon na mukha ni Azrielle. "Who's that Camille?" salubong na tanong nito sa akin na ikinagulat ko. Buong akala ko hindi nya ako papansin. "I said, who's that Camille?" aniya na halos mag pantay na ang kilay dahil sa pagsasalubong.
"I-I don't k-know"
"You don't know pero may mga ganon sya'ng message sa 'yo?" panimula ni Azrielle. Tumayo sya mula sa pagkakaupo sa couch at hinarap ako. "Sana maulit? Ano 'yong mauulit, Kauis?!" sigaw ni Azrielle sa harap ng mukha ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi ako makahanap ng tamang salita para sabihin sa kanya. "At may can we meet again pa. So, kaya ka nag selos kahapon kay Juaquin dahil plano mo na kitain ang babae na 'yon?"
"H-hindi ganon"
"Then, what?! Tinatawagan kita pero kina-cancel mo. Akala ko pag balik mo aayusin mo na ang problema natin pero mas pinalaki mo pa!" tumingala si Azrielle para pigilan ang luha na nagbabadyang bumuhos mula sa mga mata nya. Sinubukan ko na yakapin sya pero pinapalis nya ang kamay ko. "May nangyari sa inyo?" diretso na tanong sa akin ni Azrielle habang nanginginig ang boses.
YOU ARE READING
When It Comes To You (Casa de Arciego Series 1)
RomanceI honestly don't like Kauis de Arciego. My friend Niana just introduced him to me that's why I knew him. I don't even know that he's a de Arciego, an heiress. I often saw him on bars and clubs dancing with different girls, touching parts that he lik...