Chapter 2

5.1K 210 13
                                    

Amber

"Eeehhhhh!!" Malakas na tili ang nagpabalikwas nang bangon sakin. Andito ako ngayon sa likod nang school gym. Sa ilalim ng malaking puno, natutulog. Nagpalinga linga ako, hinahanap kung sino yung nambulabog sa mapayapang pamamahinga ko. Chos!

"Huli ka bubwit!" Sabi nung lalaki pero di ko padin nakikita, dami kasing punong nakaharang. Tutuloy na sana ako sa pagtulog ulit nang marinig ko ang boses nang babaeng tumili kanina. Napakuyom na lang ang palad ko.

Sandra.

"Wag please wala naman akong ginagawa sa inyo ah!" Umiiyak na pagmamakaawa nya. Mahinahon akong tumayo at naglakad sa direksyon nang ingay.

"Samin wala pero kay boss Jade meron! Ikaw at yung kaibigan mo!" Kita ko na, akmang sasampalin na nya si Sandra nang mapigilan ko ang kamay nya. Galit na napalingon naman sila sakin.

Yes, sila, tatlo kasi sila. Tatlo laban sa isa at babae pa.

Ibang klase!

At parang gusto kong matawa nang makita ko silang napalunok at nakitaan ko nang takot nung ako yung nalingonan nila.

Sila na naman.

Ang tatlong unggoy.

Tsk!

Palibhasa di nila ako magalaw kaya yung kaibigan ko naman pinagdiskitahan nila.

Mga walang kwenta.

Dalawang linggo na mula nang magkasagutan kami ni Jade. Dalawang linggo na ang nakakalipas mula nang pagbantaan nya ako. Kaya naman dalawang linggo nadin na kung ano ano ang nangyayari sakin.

Andun yung bubuhusan sana nila ako nang tubig na nilagay nila sa taas ng pinto ng room namin, kaya lang masyado silang obvious. Sukat ba namang magtakbuhan sila sa loob nang room ng makitang paparating na ko. Sinara nila ang pinto pero bukas naman ang bintana. Kitang kita ko tuloy kung papano sila mag usap na pagbukas ko ng pinto, hihilahin nila yung tali para mabuhos yung tubig sakin. Tsk! Mga baliw!

Sakto namang paparating din yung prof namin. Kaya sumandal ako sa bintana at hinintay syang magbukas nang pinto. Pinanuod ko lang mangyayari. Ayun sakto, naligo si mam. Tuwang tuwa naman sila pero nung mapansin nilang si prof yun at hindi ako, namutla lahat. Ang ending, lahat sila, detention.

Idiots.

Tapos isa pa, may quiz kami sa math. Sukat ba namang ilagay sa upuan ko yung kodigo habang busy akong sumasagot sa papel. Tapos tinawag pa si mam para sabihing may kodigo daw akong tinatago. Eh kung hindi ba naman isa't kalahating shunga ang gumawa nun. Imbes na yung kodigo ang malagay nya, love letter para kay mam ang nailagay. Ayun, nalaman tuloy nang buong klase na sya yung stalker ni mam.

Stupid.

Madami pang nangyaring kapalpakan nila. Andung papatirin ako sa canteen. Pero masyadong excited, malayo pa ko nakalabas na ang paa.

Seriously?

They can do better than that.

At ito nga ang latest, sumulpot tong tatlong unggoy na to. Na wala nang ibang ginawa kundi takutin ako, eh puro yabang lang naman di naman ako kayang patumbahin. Tsk!

Nakasapakan ko na tong mga to nung isang linggo. Mga wala namang sinabi. Ayun nagsitakbuhan lang nung nabugbug ko na sila. At talagang di pa nadala ah, tsk!

"Kayong tatlong unggoy na naman? Kulang pa ba yung bugbug nyo sa  katawan? Dagdagan ko pa ba?" Mahinahong tanung ko. Nakita ko ang takot sa mata nila pero dahil nga ma pride, ito nagtapang tapangan. Tss!

"Na-nakatyamba ka lang nun. Pero di ka na namin pagbibigyan" Nautal pa, tsk! Pangalanan natin syang unggoy one.

"Ah tyamba ba? Gusto mo rematch para malaman natin kung tyamba talaga?" Kunwari excited kong tanung. Nanlaki naman ang mata nya.

I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon