Amber
"Amber!"
"Hoy Ams gising!"
Sino ba tong tampalasan ang aga agang mangising? Ayoko bala ka dyan!
"Amber Marie! Isa bumangon ka na!" Ungol lang ang sinagot ko sa kung sino man ang hudas na to na nangigising sakin. Ayoko gumising antok pa ko noh. Saka sabado ngayon utang na loob! Karapatan kong matulog buong araw.
"Ayaw mo gumising huh!" Rinig kong sabi nang boses tapos biglang tumahimik.
Ayan wala nang istor--
Blag!!
"Arayyy!!" Daing ko nang bigla akong nahulog sa kama. "Putek ang sakit"
"Ayan edi nagising ka" Napalingon naman ako sa nagsalita at kung nakakamatay lang ang tingin bumulagta na tong si Sandra.
Pasalamat ka mahal kita! Hmp!
"Goodmorning to you too best!" Masiglang bati nya habang ang talim talim nang titig ko sa kanya. Baliw na to ang aga aga na naman akong binulabog.
"Bakit mo ko hinulog?" Nakasimangot kong tanung. Nakaupo pa ko dito sa lapag sapo sapo ang balakang kong nadurog ata. Aruy!
"Eh ayaw mo magising eh" Proud pa nyang sabi.
"Kaya hinulog mo ko?" Sabi ko habang dahan dahang tumatayo.
"Ah eh sorry na best ang hirap mo kasi gisingin kaya hinulog na lang kita para magising ka" Sagot nya sabay peace sign.
"Ah so ang paghulog sakin" Dahan dahan akong lumapit sa kanya. "Ang paraan mo nang pagising ganun ba?" Napapaatras naman sya.
"Hehe! Ano kasi best kelangan mo na kasi magising eh." Sabay takbo. "Aaahhhh!!" Tili nya at naghabulan kami dito sa loob nang kwarto.
"Huli ka!" Hinatak ko sya kaya napahiga kami sa kama.
"Ahaha tama na best!" Tawa sya nang tawa habang kinikiliti ko. "Tama na hahahaha!"
"Magsorry ka muna"
"Hahaha so-sorry na tama na please!" Tinigil ko na pagkiliti sa kanya. Saka kami umupo dito sa kama ko.
"Bwicit ka!" Sabay hampas sakin. Nagpupunas pa sya nang luha. Naluha kakatawa.
"Kasalanan mo hinulog mo ko." Sabi kong tatawa tawa.
"Eh tulog mantika ka kasi kanina pa kita ginigising puro ka lang ungol."
"Eh bakit ka ba kasi nangigising ang aga aga pa?" Tanung ko.
"Maaga ka dyan mag aalas dose na nang tanghali noh!" Sabi nya sabay turo sa orasan. "Saka papasama sana ako sayo sa mall"
Mag twelve na pala. Tagal ko palang nakatulog.
"Mall? Anong meron?"
"Wala lang gusto ko lang mamasyal. Saka tagal na din tayong di nakakapag bonding ulit." Paglalambing nya.
"Hmm. Tinatamad ako eh" Pang aasar ko.
"Naman eh!" Sabay hampas ulit sakin. "Ngayon na nga lang ulit tatamarin ka pa. Dali na best pasyal tayo" Niyuyugyug pa nya yung braso ko.
"Eh ayoko nga hinulog mo ko eh. Masakit katawan ko" Pigil ang tawang sabi ko.
"Ehh! Kasalanan mo yun! Ang tagal mo magising. Sige na kasi pasyal tayo tas nuod tayo sine" Kulit nya ulit. Naka pout pa sya.
Ikiss kita dyan eh!
"Oo na sige" Di ko din matiis eh.
"Yehey! Thanks best." Bigla nya naman akong niyakap. "Dali ligo ka na para makaalis na tayo. Wait kita sa baba. Dala ko kotse ko yun na lang gamitin natin ah" Dugtong nya pa. Saka nagmamadaling lumabas nang kwarto ko.
BINABASA MO ANG
I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)
Romance"Wala akong pakialam kong mahal mo sya. Mamahalin mo ko sa ayaw at sa gusto mo dahil akin ka! At hindi sa kanya!--- Jade "Baliw ka talaga. Hindi mo madidiktahan ang puso. I love her!"--- Amber Biglang sinunggaban ng halik ni Jade si Amber. Mapusok...