Chapter 18

4K 181 92
                                    

Amber









Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko ngayon. Nandito kami sa sala, magkatabi kami ni Jade samantalang nasa harap namin si mommy. Di ko talaga akalain na nandito ngayon si mommy. Ang akala ko sa christmas pa sya uuwi kaya laking gulat ko nang bumukas ang pinto kanina at sya ang lumabas. Ang malala nakita pa nya kaming halos maghahalikan na ni Jade.

"Amber."

"Po?" Mula sa pagkakayoko ay bigla akong nag angat nang tingin kay mommy nung tawagin nya ako.

"Hindi mo ba ako ipapakilala sa kasama mo?" Tanung ni mommy pero kay Jade naman nakatingin. Or should I say mapanuring tingin?

"Ahm." Hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko kay mommy. Hindi ko alam kong panu ko ipapakilala si Jade. Napatingin ako kay Jade at ngumiti sya sakin ng tipid.

"Amber?" Si mommy ulit. Huminga ako nang malalim saka tinitigan sa mata si mommy bago sumagot.

"Si-si Jade mom ahm." Di ko alam kung panu ko sisimulan ang pagpapakilala sa kanya.

"I'm her friend Ma'am." Singit ni Jade na deretsong nakatingin kay mommy. Napalingon naman ako sa kanya na nakakunot ang noo. Iniisip ba nya na idedeny ko sya?

"No mommy she's actually my girlfriend." Sabi ko. Gulat namang napatingin sakin si mommy. Pagbaling ko kay Jade halatang medyo gulat din sya.  "Hon, si mommy Amy ko." Dugtong ko. Gulat man pero napangiti nang tuluyan sakin si Jade. Seryoso lang naman na nakatingin samin si mommy.

"Nice meeting you ma'am." Baling ni Jade kay mommy na may ngiti sa labi. Habang ako ay kabado na dito dahil hindi padin nagsasalita si mommy. Di ko alam kung ano ang nasa isip nya. Di ko alam kung galit ba sya o ano.

"Amber." Maya maya'y tawag nya sakin.

"Po?"

"Isa na naman ba to sa mga paraan mo nang pagrerebelde?" Seryosong tanung nya na nakapagpahigit ng hininga ko.

"Of course not mom. This is real." Tukoy ko sa relasyon namin ni Jade pero tumaas lang ang kilay ni mommy sa sinabi ko.

"Yeah right. Tulad nang sinabi mo din noon nung nagka boyfriend ka at muntik nang may nangyari sa inyong dalawa. Kundi pa kami dumating nang papa mo baka buntis ka na." Nahigit ko ang hininga ko sa sinabi ni mommy. Hindi ko akalain sasabihin nya yun ngayon at sa harap pa mismo ni Jade na maang namang napatingin sakin. Marahil hindi din nya inaasahan na sasabihin yun ni mommy. It happens a long time ago. And it's not what it seems it is. I've already explained my side but they won't listen so I let it be.

"Mom! How could you say that?"

"What? it's true. You're both naked in bed nung nakita namin kayo."

"We are not naked. You're exaggerating things mom!" Di ko na napigilang magtaas nang boses dahil sa sinabi ni mommy. She's doing it on purpose I knew it. I know I am a rebel but never a whore, hindi ako pakawala! Gusto ko nang maiyak, why is my mother doing this? Of all people. Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay kong nakakuyom. Napalingon ako kay Jade pero di ko mabasa ang expression nang mukha nya. Seryoso lang syang nakatingin kay mommy. I don't know if she's mad or what.

"Mrs. Belmonte." Mahinahong sabi nya na nakuha ang atensyon ni mommy. "I don't know what's your intention of bringing up the past. But with all due respect ma'am, your daughter is not comfortable with what you're saying right now so you can stop." Tuloy tuloy na sabi nya na nakapagpataas nang kilay ni mommy.

"This is my house. I can say whatever I want and I am telling the truth. Do you still want my rebel of a daughter?" Maang naman akong napatingin kay mommy. I can't believe it comes out in her mouth. Di ko maiwasang mapaluha sa sinabi nya. Bigla namang napatayo si Jade.

I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon