Chapter 15

4.1K 183 23
                                    

Amber









Sinundo ako ni Jade katulad nang sinabi nya kahapon. Pagbaba ko kanina nandoon na sya kausap si Nana, nakikipagtawanan pa nga sya. Agad nya naman akong inalalayan nung nakita nyang pababa ako. Di ko tuloy maiwasang pamulahan nang mukha sa ginawa nya.

"Kanina ka pa?" Bungad ko sa kanya. Ngumiti naman sya sakin.

"Hindi naman. Kararating rating ko lang din." Sagot nya saka ako pinasadahan nang tingin. "Gorgeous." Dugtong nya.

"Bolera!" Sabi ko sabay irap, pantago lang sa namumula kong mukha. Tumawa lang naman sya. Nagpaalam na kami kay Nana na aalis. Pagdating nang school inalalayan nya ulit ako at hinatid hanggang room namin na umani nang sandamukal na tukso sa iba kung mga kaklase. At sandamukal na irap at sama nang tingin din sa iba. Tsk!

"I'll see you around Hon." Sabi nya bago tuluyang umalis.

Start nang Student week ngayon. Kaya alam kong busy ang lahat lalong lalo na ang mga SC officers. Sila talaga sa lahat ang may pinakamadaming gagawin pero alam kong kayang kaya nila yun syempre andun si Jade eh.

"Hoy! Ngingiti ngiti mo dyan?" Untag sakin ni Sandra. Nakaupo kami dito ngayon sa room malapit sa may pinto.

"Huh? Hindi naman ah." Deny ko saka pinaseryoso ang mukha ko.

"Wag ako best. Iba yang kinang nang mata mo eh. Saka yung ngiti mo kakaiba." Tuloy na panunukso nya.

"Pinagsasabi mo? Wala namang kakaiba sakin." Sabi ko.

"Awtsu! Mukha kang tanga dyan. Ngingiti mag isa. Inlove ka no?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.

"Of course not!" Malakas na deny ko. Napatingin naman samin ang mga kaklase ko na busy kanina sa mga pinag gagawa nila. Mostly mga nag memake up lang naman. Nginitian ko na lang sila, nagsibalik din naman sila sa mga kanya kanyang ginagawa.

"Sus ayaw pa umamin halata naman." Natatawang sabi nya. "Ok lang yan best, tanggap padin naman kita kahit ano ka pa." Dugtong nya saka ako sinundot sundot sa tagiliran. Ako naman panay iwas dahil malakas ang kiliti ko dun.

"Ano ba Sandra tigilan mo nga." Saway ko sa kanya pero sya sige parin habang nakangiti nang nakakaloko. "Saka hindi, ok." Dugtong ko habang umiiwas sa kanya.

"Deny pa more! Aminin mo na Inlove ka na kay Jade diba?" Tuloy padin sya.

"Hindi nga ok? Hindi ako Inlove sa kanya!" Sabi ko sabay huli nang mga kamay nya. Ayon tumigil din kaso may iba syang tinitingnan. Sinundan ko ang tinitingnan nya, dun ko lang napagtanto na andun pala si Jade habang blankong nakatingin samin.

Hindi ko alam gagawin ko. Tatayo ba ako para puntahan sya o mananatili lang dito sa kinauupuan ko? Pero nung nakita kong tumalikod na sya biglang parang nagkaroon nang sariling isip ang mga paa ko at bigla nalang akong napatayo sabay sunod sa kanya.

"Jade!" Tawag ko pero di man lang lumilingon. "Jade wait!" Tumakbo na ko para maabutan sya saka sya hinawakan sa braso para huminto. I don't know kung anong nangyayari sakin pero para akong naguilty nung nakita ko syang nakatayo sa may bandang harap namin kanina.

"What?" Cold na tanung nya saka tumingin sa kamay kong nakahawak sa braso nya. Agad ko naman tinanggal yung pagkakahawak ko sa kanya.

"Ahm" Di ko alam anong sasabihin ko.

"What?" Tanung nya ulit.

"Ahm ano kasi. ." Di ko talaga alam kung bakit ko nga ba sya hinabol.

"Kung wala kang sasabihin aalis na ko. Madami pa akong gagawin." Sabi nya saka akmang aalis pero hinawakan ko ulit sa braso.

I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon