Chapter 9

3.9K 185 4
                                    

Jade


"What did you do!!" Nasa harap ko ngayon ang tatlong inutusan ko para hanapin si Sandra. Nanggagalaiti ako sa galit ngayon nang malaman kong sinaktan pala nila si Sandra, ang bestfriend ni Amber. "Sinong may sabi sa inyong saktan nyo sya huh? Kelan ko inutos yun?!"

"Jade calm down." Singit ni Emerald.

"No Ems! How can I calm down! These three stupid hurts Sandra! Ano na lang iisipin ni Amber sakin?" Gigil ko pading sabi. Nakayuko lang naman yung tatlong estudyanteng inutusan ko. Dalhin lang sakin ang bestfriend ni Amber ang inutos ko sa mga idiots na to at hindi saktan. Mga bwicit!!

"Sagot!!!" Napapitlang naman yung tatlo.

"So--sorry Miss Jade di naman po talaga namin sasaktan, tinatakot lang po namin ka--kaso biglang dumating si Amber tatakutin ko lang po sana sya kasi nakita kong babalian nya nang kamay si Ben." Kandautal na paliwanag ni John. Isa sa tatlong inuutusan ko at syang nanakal kay Sandra. Pipilay pilay silang magreport sakin kanina kung anong nangyari. Nagtagumpay akong makuha ang gusto kong atensyon mula kay Amber pero alam kong galit na galit sya ngayon sakin dahil sa kagagawan nang tatlong to.

"Ano ang usapan natin nung isang linggo?" Kalmado pero makamandag kong tanung.

"Bantayan lang at ireport sa inyo kung ano ginagawa nila." Sagot naman ni Jeff.

"At anong ginawa nyo?" Nakakuyom ang palad na tanung ko.

"Hi--hindi po namin sina--"

"SAGOT!!" Sigaw ko sabay pukpok nang lamesa.

"Muntik na po naming saktan si Amber." sabay na sagot nilang tatlo.

"Muntik?" Di makapaniwalang sabi ko. "Muntik eh nakipagbugbugan kayo sa kanya nung isang linggo. Tapos ang sabi nyo babawi kayo sa pagkakamali nyo. Tapos ngayon ito? Malalaman ko na sinaktan nyo ang bestfriend nya! Inuubos nyo ang pasensya ko." Kulang na lang ibato ko sa kanila lahat nang mahawakan ko sa sobrang inis. Tama bang saktan yung walang kalaban labang babae? Mga idiots talaga.

"Sorry po" Sabay sabay na sabi nung tatlo. Napahimas na lang ako sa sintido ko sa inis. Tiyak galit na sakin si Amber ngayon. I just want to talk to Sandra about her bestfriend. Gustuhin ko mang ako mismo ang pumunta sa kanya eh hindi pwede dahil lagi nyang kasama si Amber so I have no choice but to send these idiots to find Sandra pero ito nga ang nangyari.

This is trouble.

"Umalis na kayo sa harapan ko habang nakakapagtimpi pa ako and don't show yourself to me ever again." Kalmado pero matigas kong utos sa kanila. Agad naman silang nagsialis sa harap ko.

"So whats your plan?" Tanung ni Emerald nung nakaalis na yung tatlo.

"I don't know Ems." Napabuntong hiningang sabi ko. Napatawa naman sya nang mahina at iiling iling. "What?" Asik ko sa kanya.

"Wala naman. I mean ikaw pa ba yan?" Sabi nya sabay tawa nang malakas. "Dude ang torpe mo." Dugtong nya. Binatukan ko nga, bwicit eh! "Ey! What was that for?" Reklamo nya habang hinihimas ang ulong natamaan ko.

"Ang laki nang tulong mo eh no?" Inis kong sabi sabay irap sa kanya. "Should I talk to her?" Maya maya'y tanung ko.

"Yeah" Sagot ni Ems sabay tapik sa balikat ko. "Naumpisahan mo na eh, tuloy mo na. But make sure to make it right this time. Make her fall for you, show her how much you love her." Dugtong nya.

"Love?" Komento ko. "Agad?"

"Yes my dear, Love. Bakit hindi ba?" Nakakalokong tanung nya.

"All I know is I like her but Love? Don't you think its too early for that?" I mean I like Amber a lot but, love is somehow too deep and I don't think I'm already in that line.

I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon