Amber
"Best nakasimangot ka dyan, problema mo?" Tanung ni Sandra sakin habang nandito kami sa library, kumakain. Yes, although bawal, dito kami kumakain sa library, sa may sulok para di kita. Wala naman sana kami dito eh kung di dahil sa bwisit na Jade na yun. Tama ba namang halikan ako sa harap nang buong klase and worst sa harap pa ng prof namin. Bwisit talaga! At ang nakakaasar pa kumalat agad yung ginawa nyang pagnanakaw nang halik sakin at ngayon alam na nang buong campus ang nangyari kaya para iwas gulo dito na lang kami sa library. Baka kasi dukutin ko mata nang mga nakakasalubong ko na obvious masyado na ako ang pinag uusapan! Sapakin ko sila isa isa eh!
"Problema ko? Wala akong problema Sandra baka yung mga epal na estudyante dito meron o di naman kaya yung bwisit na Jade na yun meron!" Asar na sagot ko sabay kagat sa sandwich ko na pabaon ni Nana Ising sakin. Buti na lang talaga pinabaunan nya ako kundi naku!
"Ikaw naman kasi binibig deal mo, eh smack lang naman yun." Napamaang naman ako sa sinabi nang kaibigan ko. Seryoso sya dun?
"Smack lang? Wow! Parang ang simpleng bagay lang nang ginawa nya ah, maka lang ka. Sayo kaya gawin yun." Asar na sagot ko.
"Ok ok mali na si Jade dun pero ang akin lang tapos na yun eh, nangyari na. Nahalikan ka na nya at wala ka nang magagawa kahit umusok pa ilong mo sa galit ngayon kaya kung ako sayo mag move on ka na lang." Binuka ko ang bibig ko para sumagot pero tinapalan na nya nang sandwich. "At kumain ka na. Wala ka nang magagawa pa tapos na yun." Dugtong nya. Asar na sinamaan ko sya nang tingin saka nginuya yung sandwich na nginudngod nya sa bibig ko.
May point naman sya, tapos na nga naman talaga yun pero kaming dalawa nang bwisit na Jade na yun, hindi pa. Humanda talaga sakin yung babaeng yun kapag nagkita kami makikita nya talaga.
After namin kumain ay bumalik na kami sa klase pero buong maghapon akong umiiwas sa mga kaklase ko at sa bawat taong nakakasalubong ko. Not that I'm intimidated or something, sadyang umiiwas lang akong makapanapak dahil baka pagalitan pa ko ni Sandra. Ayaw nya kasing nasusuot ako sa gulo at baka kung san na kami pulutin nun. Ako ok lang ang iniisip ko lang ay sya. Kaya alang alang kay Sandra, iiwas na ko.
"Best ingat sa pag uwi huh." Paalam sakin ni Sandra noong nasa tapat na kami nang sasakyan nya.
"Yeah. Ikaw din ingat." Sagot ko saka ko sya hinalikan sa pisngi at ipinagbukas nang pinto nang sasakyan. Hinintay ko munang umandar ang sasakyan nya bago pumunta sa sasakyan ko. Napakunot noo ako nung mapansing wala ang sasakyan ko sa usual spot ko dito sa parking. What the f! Nacarnap ba sasakyan ko?
"Hindi nacarnap sasakyan mo." Napalingon ako sa nagsalita at mas lalong kumunot ang noo ko. Nababasa ba nya iniisip ko? "Sinundo kita remember?" Oo nga pala sinundo ako nang bwisit na to tsk! Napatampal ako sa noo ko, panu ako uuwi?
"Hatid na kita." Nakangiti nyang alok.
"No thanks. Ayaw ko sumama sa mga magnanakaw." Asar na sabi ko. Napatawa naman sya nang mahina.
"Gusto mo naman yun eh."
"Excuse me! Kahit kelan di ko ginustong nakawan mo ko nang halik!" Sarap talagang tirisin nitong babaeng to, naku!
"Weh? Sarap na sarap ka nga kapag hinahalikan kita eh." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"Bastos!" I can't believe nasabi nya yun. Tatawa tawa lang naman sya saka binuksan ang passengers seat.
"Come on Amber, let me take you home. Promise wala akong gagawin." Nakangiting yaya nya. Di ko alam pero merong kakaiba sa ngiti nya na parang nagsasabing pagkatiwalaan ko sya. And honestly speaking nagbabangayan man kami madalas pero may tiwala ako sa kanya. I just feel it.
BINABASA MO ANG
I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)
Romance"Wala akong pakialam kong mahal mo sya. Mamahalin mo ko sa ayaw at sa gusto mo dahil akin ka! At hindi sa kanya!--- Jade "Baliw ka talaga. Hindi mo madidiktahan ang puso. I love her!"--- Amber Biglang sinunggaban ng halik ni Jade si Amber. Mapusok...