Chapter 6

4.5K 203 12
                                    

Amber






Antok na antok pa ko habang naglalakad papunta sa klase ko. Tsk! Kakasimula pa lang ng araw ko pero parang gusto ko nang umuwi. Haist.

"Hi" Napahinto ako sa paglalakad. Anong ginagawa nang isang to dito?

"Kelangan mo?" Nakataas kilay na tanung ko. Aga aga sya agad bubungad sakin embyerna!

"Hmm wala naman. Hatid na kita sa room mo"

"Kaya ko na mag isa. Pumasok ka na lang sa klase mo." Mataray na sabi ko sabay lakad ulit.

"You know what para sa taong kumukuha nang educ course." Sabi nya habang sumasabay sakin sa paglalakad. "Masyado kang mataray. Baka tarayan mo lang lahat ng magiging studyante mo huh."

"You know what too? I don't care about your opinion. Umalis ka na nga! wag mong sirain ang araw ko please lang." Binilisan ko na lang lakad ko para di nya ko maabutan but who am I kidding. Eh athlete tong isang to, physically fit kayang kayang makipaghabulan sakin. Asar!

"Ihahatid na nga kita." Pilit nya ulit. Huminto ako at hinarap sya.

"Wala ka na ba talagang magawa sa buhay mo at ako na yung ginugulo mo?"

"Hindi naman kita ginugulo ah. Gusto lang kita ihatid that's it." Parang wala lang na sabi nya.

Napatampal ako sa noo ko. Grabe kelan kaya ako mananalo sa kanya. Bawat sabihin ko may sagot sya eh pambihira!

"Ayoko nga ok? Mamaya nyan matsismis na naman tayo." Seriously? Para kaming tangang dalawa dito. Nagtatalo sa hallway buti na lang wala pa masyadong tao kundi pagkakaguluhan kami. Kulit kulit naman kasi nitong isang to eh.

"So what?" So what?

"Don't so what what me ah! May atraso ka pa sakin." Iniwan mo kong naguguluhan nung saturday.

"Anong atraso ko sayo?" Naguguluhan nyang tanung.

Nagtanung pa talaga!

"Wala! Nevermind." Sagot ko sabay lakad ulit.

"Amber please." Hinawakan nya ko sa kanang braso. Napatingin ako sa kanya. Ngayon ko lang sya narinig magsalita nang please. Never as in not even once sinabi nya to kahit kanino.

"Nakikipaglaro ka parin ba sakin? Kasi ayoko na, mas gugustuhin ko na lang na ipabully mo ako ulit kaysa ganito na para kang..." Saglit akong napahinto. Parang ano nga ba? "Urgg! I can't find the right words." Dugtong ko na nakasimangot. Natawa lang naman sya ng mahina.

"Isa pa yan!" Himutok ko.

"Alin?" Nagtatakang tanung nya.

"Yan!" Sabi ko sabay turo sa ngiti nya. "Ngumingiti ka na, tapos tumatawa pa. Normal ka pa ba?" Natawa naman sya lalo.

"Ginawa mo naman akong abnormal. Saka masama bang tumawa?"

"Hindi. Pero kasi hindi ka naman ganyan. Why the sudden change?"

"You" Sagot nya.

Ito na naman po tayo. Papaandaran na naman ako nang isang to. Tss!

"Ayon sisimulan mo na naman ako tapos kapag tinanung na kita iiwan mo kong nganga. Tama na Jade sawa na ko sa mga paandar mong ganyan. Ang mabuti pa lubayan mo na lang ako, pwede?"

"Gusto mo ba talagang malaman?" Mahinahong tanung nya.

"Ang alin?" Bored na sagot ko.

"Why am I different around you?" Napatitig ako sa kanya.

I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon