Chapter 17

4.8K 180 76
                                    

Jade






"Ke gandang bata nyan Jade ano?" Napalingon ako kay Nay Idang sa sinabi nya saka napangiti. Andito kami ngayon sa veranda. Hinahanda ni Nay ang pagkain habang ako nakaupo at nakatingin sa kanya habang nagseselfie sya dun malapit sa may dagat.

"Yeah. She's beautiful nanay inside and out." Sagot ko.

"Anak. Pinakilala mo na ba sya sa papa mo?" Tanung ni nanay na nagpatuwid nang upo ko.

"He doesn't need to know." Tipid na sagot ko. Narinig ko namang napabuntong hininga si nanay.

"Jade tatay mo padin yun at mahal ka nun. Hanggang kelan mo ba sya titikisin?" Mapakuyom ang kamao ko sa narinig pero di na ako nagsalita pa. Hanggat maaari ayoko munang pag usapan ang tungkol doon at nagpapasalamat ako at di na ko pinilit ni Nay Idang na magsalita pa.

"Jade!" Nabaling ang tingin ko kay Amber nung tinawag nya ako may pakaway kaway pa sya. "Halika muna." Dugtong nya kaya tumayo na ako at nilapitan sya.

"Yes?" Tanung ko.

"Tingnan mo oh. Ang ganda diba?" Pinakita nya sakin ang maliit na starfish na nakita nya.

"Oh. You've found a starfish." Walang ganang sabi ko na nakaani nang hampas galing sa kanya. "Ouch! What was that for?"

"Kainis ka! Wala kang kagana gana. Ang ganda ganda eh. Di mo man lang naappreciate!" Nakangusong sabi nya na nagpatawa sakin. Sinamaan naman nya ako nang tingin.

"Eh panu po kasi ang liit liit lang naman nyan. Tuwang tuwa ka kaagad. Mamaya ililibot kita dito at mas malaki pa dyan makikita mo." Sabi ko.

"Talaga? Madami pang starfish?" Parang batang tanung nya. Excited lang.

"Starfish ko ayaw mo makita?" Pang aasar ko.

"Loko!" Sabi nya sabay hampas sakin. Ilag lang naman ako nang ilag habang tumatawa. "Siraulo ka! Ang bastos bastos mo talaga!"

"Aray! Tama na. Bakit ba ano bang masama sa tanung ko? May starfish naman talaga ako eh nasa aquarium." Sagot ko habang natatawa.

"Ang bastos mo kasi eh."

"Anong bastos dun? Ikaw huh ibang nasa isip mo noh?" Pang aalaska ko pa na ikinapula nang mukha nya. I really like teasing her ang pikon eh.

"Of course not!" Singhal nya sakin.

"Oh eh bakit ka sumisigaw?"

"Ewan ko sayo! Bala ka dyan!" Sabi nya sabay martsa papuntang bahay. Naiwan naman akong tatawa tawa dito.

Kumakain na kami sa hapag pero di padin ako pinapansin ni Amber. Mukhang napikon ko na naman ang ale. Sila lang nila nanay ang nag uusap habang nagtatawanan hanggang sa matapos kaming kumain.

"Gusto mo na ba magswimming?" Tanung ko sa kanya nung nasa kwarto na kami.

"Oo. Pwede ba?" Bumalik ulit yung excitement nya.

"Oo naman. Pwedeng pwede! Nandyan sa closet yung bikini." Sabi ko saka akmang papasok na sa banyo para magpalit.

"Bikini?" Gulat na tanung nya.

"Oo bakit?" Takang tanung ko.

"Ayoko mag bikini."

"Bakit anong gusto mo? Trunks?"

"Eh! Tshirt na lang saka shorts." Nakangusong sabi nya.

"Wear the bikini. Wag ka nang mahiya tayo tayo lang naman dito." Sagot ko saka tuluyan nang pumasok nang banyo. Paglabas ko nakita kong nakaupo sya sa kama pero di makatingin sakin. Pangit ba ako? Ayos lang naman suot ko ah.

I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon