Chapter 1

7.5K 237 11
                                    

Amber

"Move" Napalingon ako sa nagsalita. It's her again, Jade, ang kilabot nang campus. Charought!

Well tinawag ko syang kilabot kasi nakakakilabot ang boses nya kapag nagsasalita, sama nyo nadin pala ang way nang pagtitig nya, blanko! Tsk!

Napatingin na lang ako doon sa sinabihan nya na takot na takot na nagmamadaling umalis sa harap ni Jade.

Tsk! kalalaking tao takot sa babae

"Ams, katakot talaga nyang si Jade no? Magandang nakakatakot" Ay! May kasama pala ako mejo nakalimutan ko, chos! Sandra people, bestfriend ko.

"I'm not afraid of her" Walang ganang sagot ko sabay subo nang carbonara. Nandito kami sa canteen, nagrereview

Nagrereview habang kumakain. Time is gold.

"Ows? Nasasabi mo lang yan kasi di mo pa sya nakakabangga, baka pag nangyari yun manginig ka" Napatingin ako sa kanya. Napataas kilay ko nang nakita kong naka smirk sya.

Tsk!

Hinahamon ako.

"We'll see" Sabi ko sabay tayo at dirediretsong naglakad papunta sa direksyon ni Jade.

Nanlaki naman ang mga mata ni Sandra.

Kala nya ah! Alam ko namang nagbibiro lang sya pero nasaling parin ang pride ko.

Pero bago pa man ako makarating sa destinasyon ko, dalawang nanginginig na kamay ang humawak sa braso ko.

Paglingon ko, Si Sandra na maluha luha pa.

Problema nya?

"Ams, mahal kita eh kaya pwede wag kang tanga. Wag padalos dalos! Ayoko pa mawalan nang bestfriend, utang na loob!"

Oa.

Tss! Ang Oa

"Ang Oa mo po. Bakit naman ako mawawala aber?" Nilingon ko ang pwesto ni Jade pero wala na sya.

Asan na kaya yun?

"Tanga ka ba best o tanga ka? Si Jade yun. Anong kashungahan na naman ba ang pumasok sa kokote mo huh? Naghahanap ka ba talaga nang gulo?" Hysterical na sabi nya. Naka whisper shout pa. Parang takot na takot marinig nang iba na pinag uusapan namin si Jade. Pwes! Ako hindi!

"Makashunga ka. Paki ko ba sa Jade na yun?" Malakas na sabi ko. Tinginan lahat nang studyante sakin, pati na rin pala yung mga nagtitinda, saka yung janitor nadin na naglilinis sa dulong parte nang canteen.

Problema nang mga to?

Pagtingin ko sa bestfriend ko. Ayun ang putla. Kakulay na nya yung papel.

Problema din nito?

Nang makabawi na sya, mabilis pa sa alas kwatro na hinila nya ako palabas ng canteen. Nakarating kami dito sa likod nang school gym.

Hala! Anong ginagawa namin dito?

"Hoy! Bakit tayo nandito?" Walang ganang tanung ko. Ang loka bigla akong pinaghahampas.

Problema nya ulit?

"Aray! Masakit huh! Ouch" Panay ilag ako, sya panay hampas. Grabe lang, ang sakit!

"Walang hiya ka Amber! Bakit mo ginawa yung kanina? Do you want us dead? At talagang pinagsigawan mo pa? Panu pag nakarating yun kay Jade, panu tayo? Nag iisip ka ba huh!" Nagpapadyak sya habang sinasabi yun. Parang bata lang tong isang to talaga.

"Ano ngayon kung malaman nya? I'm not afraid of her"

"Really"

Pareho kaming napahinto bigla ni Sandra. That voice. I know the owner of that voice. Narinig ko namang napasinghap si Sandra at nanginig. Fear is written all over her eyes. Nanlalaki pa nga eh habang nakatingin sa likod ko.

I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon