Amber
It's been a week simula ng magkaayos si Jade at ang daddy nya. Parang nag iba si Jade mas lalong naging masayahin sya ngayon. And I like her better this way. I always wanted her to be happy.
"Hoy! Kanina ka pa ngumingiti dyan iniisip mo na naman girlfriend mo no?" Untag sakin ni Sandra. Nandito kami ngayon sa mall, namamasyal. Ngayon na lang kami ulit nakapagbonding ni Sandra pagkatapos ng ilang linggong pagiging MIA ko daw sabi nya.
"Hindi ah." Pagdedeny ko pero halata namang di sya naniniwala. "Saka wala naman akong sinasabing kami na ni Jade pero bakit alam mo?" Nagtatakang tanung ko. Sa pagkakaalam ko kasi hindi ko pa sinasabi sa kanya nakalimutan ko lang itanung sa kanya noon.
"Nung party ni Mia." Sagot nya habang abala sa pamimili ng mga damit.
"Huh?" Bumuntong hininga sya saka humarap sa akin.
"Nung nag cr tayo remember? Nauna ka lumabas bago ako. Ipagsigawan ba naman ni Jade na "dont touch my girl" di ko pa magets." Sabi nya na ginaya pa yung pagkakasabi ni Jade nun. "Saka nakakatampo ka nga eh ang tagal na nung naging kayo pero di mo man lang sinabi sakin kilangan ko pa marinig sa iba." Dugtong nyang nagtatampo. Naguilty naman ako dun kasi tama naman sya pero madami lang talaga akong iniisip nung mga nakaraang linggo kaya di ko na nasabi.
"Sorry bestie. Alam mo namang madami lang talagang nangyari this past few weeks eh, sorry na." Paglalambing ko sabay hug sa kanya.
"Sus kung di lang kita mahal eh." Sabi nya na nakapag pangiti sa akin. Kinapa ko ang sarili ko kung kinilig ba ako pero wala na wala na akong maramdaman para sa bestfriend ko kundi pure love for a friend na lang. Ibig sabihin nakuha na talaga ng babaeng yun ang buong puso ko. Tsk!
"Hoy! Anong iniiling iling mo dyan?" Nagtatakang tanung ni Sandra. "Nabaliw ka na yata ng tuluyan best eh." Dugtong nya na nagpatawa sakin pero di na ako sumagot pa.
Maghapon lang kaming nag ikot sa mall habang nagkukwentuhang dalawa. Sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari dahil hindi nya talaga ako tinigilan sa kakatanung. Sinulit na rin namin ang pamamasyal dahil na miss ko rin naman syang kasama. Actually pinagpaalam nya ako kay Jade na ikinatawa ko. Hindi naman kasi talaga kelangan. Papunta na kami parking nung may nakabunguan ako.
"Sorry Miss." Hinging paumanhin ko.
"Sorry for what sa pagbungo sa akin o sa pang aagaw sa girlfriend ko?" Gulat na napatingin ako sa kanya. Saka ko lang narealize na ang nakabunguan ko pala ay si Trish, ang ex ni Jade na masama ang tingin sa akin.
"Binibawi ko na pala. Unang una sa lahat kasalanan mo rin kasi di ka din tumitingin sa dinadaanan mo or baka naman sinadya mong bunguin ako. At pangalawa, wala akong inaagaw sayo." Mahinahong sagot ko.
"At talagang magmamaang maangan ka pa?" Sabi nya sabay duro sa akin. "Malandi ka! Inagaw mo sa akin si Jade!" Sigaw nya na nakakuha ng atensyon ng ilang kataong malapit sa amin. Napakuyom ako ng kamao sa narinig lalo na ng ngumisi sya na parang tuwang tuwa pa sa ginawa nya. But I will never give her the satisfaction.
"Sa pagkakatanda ko single si Jade nung nakilala ko meaning wala akong inaagaw sayo." Sagot ko saka hinila na si Sandra papunta sa kotse namin kaso mukhang walang delikadesa talaga ang babaeng to at nagsisigaw na naman.
"Inagaw mo sya sa akin! Kung hindi ka umepal edi sana kami padin!" Lumingon ako sa kanya saka sya tiningnan ng masama. Humakbang ako palapit pero nag aalalang pinigilan ako ni Sandra. Nagtitigan kami sandali at nakuha naman nya ang mensahe ko. Tumango sya saka binitawan na ako.
"Bitch. Ikaw ang nang iwan sa kanya. Ikaw yung bigla na lang nawala na parang bula. Tapos ngayon kung makaasta ka parang ikaw yung inagawan? Matagal na kayong wala bago ko sya nakilala." Sabi ko nung nakalapit na ako sa kanya. Nakita ko naman syang natigilan sa sinabi ko. Good!
BINABASA MO ANG
I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)
Romance"Wala akong pakialam kong mahal mo sya. Mamahalin mo ko sa ayaw at sa gusto mo dahil akin ka! At hindi sa kanya!--- Jade "Baliw ka talaga. Hindi mo madidiktahan ang puso. I love her!"--- Amber Biglang sinunggaban ng halik ni Jade si Amber. Mapusok...