Chapter 7

4.2K 198 16
                                    

Jade


Flashback

"Ate!" Napalingon ako sa tumawag sakin. Nakita kong nagmamadaling lumapit sakin ang kapatid ko kasama ang buong barkada. "San ka na naman pupunta? Mag lunch na tayo" Dugtong nya nang makalapit na sila sakin.

"Mauna na kayo. May gagawin lang ako."

"Sus! Sisilay ka lang eh." Si Emerald. Ang pinakamaloko samin.

"Oo nga pupuntahan mo lang yang kinababaliwan mo eh. Sino ba talaga yun huh? Pakilala mo naman samin." Si Mia ang pinaka player samin. Lahat ng babae basta nakapalda pinapatos nito eh.

"And what guguluhin nyo lang? No way! Umalis na kayo susunod na lang ako" Pagtataboy ko sa kanila.

"Guys tama na yan. Hayaan nyo na muna si Jade. Minsan lang yan magka gusto sa babae pagbigyan nyo na." Nakangiting singit ni Vera. Sya naman pinakamabait samin though minsan may kalokohan ding taglay. Ngumisi lang naman ng nakakaloko yung dalawa. Tss! Mga baliw talaga.

"Tama na nga. Tara na guys." Yaya ng kapatid ko sabay baling sakin. "Ate sumunod ka huh" tumango na lang ako at naglakad na palayo. Papunta sa isang lugar na alam kong makikita ko sya.













"Aray!"

"Aray tama na!" Napakunot noo ako sa naririnig ko. SC president ako at ayoko nang may nag aaway sa campus. Ice queen man akong tawagin, Muka man akong walang pakialam pero pagdating sa pag ganap sa obligasyon ko wala silang maipipintas sakin. I want everyone to be properly disipline maybe that's one of the many reasons kung bakit ganito ako ngayon. I want things to it's proper places, including students attitude. Hindi man halata sakin pero ayoko nang may inaapi dito sa school ko.

"Masasaktan ka talagang babae ka! Ano na naman ginawa mo huh?" Malapit na ko sa dalawang babaeng nag aaway ng napahinto ako. At kahit anong pigil ko sumilay padin ang munting ngiti sa labi ko nang makita ko sya. Yung plano kong pagsita sa kung sino man ang nag aaway napalitan ng panunuod sa kanilang dalawa. Especially sa kanya.

"Best naman wala naman akong ginagawa ah. Tama na kasi masakit kaya. Grabe ka" Pinagmamasdan ko sya habang sinasangga ang bawat hampas ng kaibigan nya sa kanya. Ang cute nya lang habang nakanguso at nakataas braso para ipangsangga.

"Anong walang ginawa! Bakit mo ko piniktyuran nang natutulog huh!"

"Oh ano masama dun? Cute mo nga eh"

"Cute! Eh nakanganga ako dun." Bigla naman syang napatawa nang malakas na naging dahilan para paghahampasin sya ulit ng kaibigan nya. "Bwicit ka talaga!"

"Tama na sorry na" Bigla naman ako napatitig sa kanya nang yakapin nya yung kaibigan nya. Napakuyom ang kamao, naiinis ako sa nakikita ko. Bakit kelangan pa nyang yakapin? Kelangan ba talaga nun? Pwede namang magsorry na lang.

Di ko namamalayang nakalapit na pala ako sa kanila. Gulat namang napalayo ang kaibigan nya sa kanya.

"Ah Ja-Jade" Nautal pa yung kaibigan nya nung nasa harap na nila ako pero sya parang wala lang. Ibang klase talaga sya. Tinitigan ko lang sya at nakipagtitigan din naman sya sakin. Hindi ko man lang makitaan ng takot ang mga mata nya. I can see confidence in her eyes and that's make her more sexy than she really is. Nakikita ko rin na hindi sya yung tipong yuyukod sayo. Hindi sya ang tipong magpapaapi. Mga tipong nakaturn on. My kind of girl.

"Ahm Jade may problema ba?" Basag nang kaibigan nya sa staring contest namin. Saglit kong tiningnan yung kaibigan nya pero binalik din agad yung paningin ko sa kanya.

"No loitering in the hallway. Go back to your rooms." Yun lang sinabi ko saka sila tinalikuran at naglakad na. Kelangan ko nang umalis kundi baka ano pa magawa ko sa kanya.

"Lunch break madame!" Napahinto ako sa sagot. Nilingon ko sila, especially sya at nakangiti lang sya sakin. Muntik na kong ngumiti pabalik but I just gave them my signature look instead na nagpayuko sa kaibigan nya pero nagpangiti lalo sa kanya. Pambihira!

"Sorry Jade. Alis na kami" Despensa ng kaibigan nya sabay hatak sa kanya. Nakita kong parang magpoprotesta sya sa ginawa nang kaibigan nya pero wala naman na syang nagawa kaya nagpatianod na lang sya. Napapailing na sinundan ko na lang sila ng tingin.

"Sya ba?" Napalingon ako sa nagsalita.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Naiwan mo kasi phone mo kaya inutusan ako ng kambal mo na ihatid sayo to." Sabay abot ng phone ko. "So sya nga?" Napailing na lang ako sa kakulitan nitong si Emerald.

"Secret" Nagkatawanan pa kami sa sagot ko.

"Tsk! Kahit di mo sabihin alam kong sya yun. Iba ka din talaga eh noh."

Nakakunot noong napatingin naman ako sa kanya "What do you mean?"

"Yung mga trip mo, amasona. Mas astig pa kumilos sayo yun eh. Pero maganda sya huh" Natawa naman ako. Akala ko kung ano na sasabihin nya. Napatitig naman ako sa babaeng papalayo kahit likod na lang nya ang nakikita ko. Yeah! Naka proper uniform naman sya pero naka cap. Tsk! Pasaway din tong babaeng to eh. Nakaskirt pero naka robber tsk! Number one rule breaker. Pero kahit ganun she's damn gorgeous.

"Yeah! Astig nga sya. She's not like typical girls na mahinhin o kaya kikay. She's so boyish in all levels and that makes her unique and I like it. I like her that way, Iba sya."

"Naknang tol! Tinamaan ka ng lintik haha!"

Tinaasan ko sya nang kilay "San ka naman natutu nang mga salitang kalye na yan?"

"Dyan lang. Alam mo naman ako friendly" Sabi nya sabay kindat sakin.

"Tsk!" Tinapik tapik nya balikat ko saka nagpaalam na mauuna na.

"Una na ko. Sunod ka na after mo dyan sa pagsilay."

"Hindi na sasabay na ko sayo. I think I'm done with the Pagsilay na sinasabi nyo." Sabi ko at sabay na kaming naglakad ni Emerald pero di padin sya mawala sa isip ko.

"Anong namang nginingiti ngiti mo dyan huh?" Si Emerald habang pabiro akong sinuntok sa braso ko.

"I'm just thinking how it feels like to be in her arms."

"Edi kunin mo nang malaman mo ano pakiramdam nang niyayakap ka nya at hindi ang ibang babae. Own her Jade before someone does. She's gorgeous di malabong madaming nagkakagusto sa kanya."

"I know kaya nga binakuran ko na" Ngiting nakakaloko ako habang nakataas naman kilay nang kaibigan ko.

"Don't tell me?"

"Yes. Akin sya. Akin lang."

"What the heck! Ang creepy mo!"





******

Ito na po. Sorry short update lang. Dami ko pagod eh mga wampipti lels!!

Sorry sa lahat ng mali. Tinatamad ako basa ulit. 😉😉😉







I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon