Chapter 16

4.5K 180 43
                                    

Amber








"Ready ka na ba sa date mo best?" Tanung sakin ni Sandra habang sinusuklay ang buhok ko. Andito kami ngayon sa kwarto ko. Inaayusan nya ako para daw magmukha naman akong tao sa date ko ngayon. Grabe po sya sakin.

"Hmp! Inaantok pa ako." Sagot ko saka humikab. Antok pa talaga ako, ang aga naman kasi nitong date na to. Susme saan ka ba nakakita nang magdate ng 9 am letse! Dapat natutulog pa ako sa mga oras na to eh. Ito namang si Sandra ang aga ring nambulabog alas syete palang ata nagtatatalak na sya sakin at sya pa yung mas excited! Grabe talaga.

"Naman best! First date mo ngayon tapos wala ka man lang kagana gana grabe ka." Nakasimangot na sagot nya.

Kung ikaw sana ka date ko ngayon baka excited din ako.

"Eh sa inaantok nga ako. Ang aga aga naman kasi grabe naman kasing date to." Reklamo ko saka nangalumbaba sa tokador.

"Ang sabihin mo disappointed ka lang kasi hindi sya ang ka date mo." Napasimangot naman ako nung maalala ko yung nangyari kahapon. Napatayo ako bigla nung nakita kong nasa harap ko pala si Mia, oo si Mia at may inaabot saking bulaklak. Agad akong napalingon kay Jade pero ang gaga wala man lang reaksyon tapos pinuntahan din yung nabunot nya. Bwisit sya! Kala nya bala sya sa buhay nya! Hmp!

"Of course not! Wala akong paki sa kanya." Inis na sabi ko. "Saka ang ganda ganda ni Mia noh lugi pa ba ako." Asar na dugtong ko. Natawa naman si Sandra sa inasal ko.

"Oo nga naman wala kang paki kaya pala ang haba haba nang nguso mo." Sabi nya sabay tawa. "Pwede ko na ngang sabitan nang gamit eh." Dugtong pa nya.

"Pwede ba tigilan mo ko. Ayoko na pag usapan yung babaeng yun. Bala sya sa buhay nya!" Pinal na sabi ko saka humarap sa salamin.

Makikita nang babaeng yun. Mag eenjoy ako kahit di sya kasama ko! Hmp! Kala nya ah!

"Ikaw bahala." Sagot ni Sandra habang hinahaplos haplos ang buhok ko. Katok sa pinto ang nagpatigil saming dalawa at bumungad si Nana.

"Amber anak, may magandang dalagang naghihintay sayo sa baba." Sabi ni Nana. Patamad naman akong tumayo saka pinagmasdan ang itsura ko sa salamin. Ok naman yata? Ewan bala na.

"OMG! Andyan na sya best!" Impit na tili nitong si Sandra. Talaga naman!

"Ano bang meron?" Nagtatakang tanung ni Nana. Ito namang si Sandra di napigilan ang bibig kwenento nya na lahat kay Nana. Ang daldal din talaga. Nahihiya naman akong tumingin kay Nana kasi baka di nya matanggap na babae ang kadate ko. Pero nagulat na lang ako nang niyakap nya ako.

"Basta masaya ka anak, susuportahan kita." Sabi nya na muntik nang nagpaiyak sakin. Ang swerte swerte ko talaga sa kanya. Kaya mahal na mahal ko tong si Nana eh. Wala man akong mga magulang na laging nasa tabi ko atleast nandito sya.

"Salamat po Nana. Salamat sa pagtanggap." Napatingin naman ako kay Sandra na nakangiting nakatingin samin. I'm so lucky to have these two women in my life.

"Oh sya sya! Tara na sa baba at naghihintay na yung kadate mo."

Sabay sabay na kaming bumaba sa hagdan at napansin ko agad ang babaeng naka upo sa sofa patalikod samin. Biglang kumabog ang dibdib ko at pinagpawisan yata ako nang malamig.

"Iha." Tawag ni Nana kaya naman napaharap na samin ang date ko. At ganun na lang ang gulat ko nang hindi si Mia ang nakikita ko kundi si Jade. "Andito na ang date mo." Nakangiting dugtong ni Nana na sinuklian din naman nang ngiti nung isa.

"Salamat Nana." Sagot nya saka ako tiningnan. Di ko mabilang kung ilang beses akong napalunok. Bakit sya andito? Diba may date din syang iba?
Sa naisip ko bigla akong napasimangot at tumalikod na. Kainis sya! Ang kapal nang mukha nyang magpakita sakin pagkatapos nang pambabalewala nya sakin kahapon. Ay mali buong linggo pala hmp! Hahakbang na sana ako sa hagdan nang may pumigil sakin.

I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon