Jade
Ang sarap talagang bumangon sa umaga lalo na kung nasa mga braso mo ang taong mahal mo. Kanina pa ako gising pero di ko pa magawang bumangon. Nag eenjoy pa akong pagmasdan si Amber habang mahimbing na natutulog. Ang ganda ganda nya talaga, kaya madaming nagkakagusto dito eh. Di ko tuloy maiwasang maalala ang nangyari kagabi sa birthday ni Mia. Sobrang inatake ako ng selos buti na lang at di na lumaki yung gulo, wag lang talagang makalapit lapit ulit yung kutong lupang yun. Naku!
"Good morning hon." Nakangiting bati ko sa kanya ng unti unting nagmulat sya ng mata.
"Morning. Kanina ka pa ba gising?" Nahihiyang tanung nya sakin. Napangiti naman ako, ang cute nya kasi sa umaga.
"Yup" Sagot ko sabay nakaw ng halik sa kanya na ikinalaki ng mata nya.
"Hey! Di pa nga ko nakakapag toothbrush eh." Reklamo nya, as if naman may paki ako dun.
"Gusto ko eh, masama ba?" Sinamaan naman nya ako nang tingin na ikinatawa ko lang.
Inirapan naman nya ako dahil dun. "Anyway, ok ka na ba?" Tanung nya.
"Ok naman ako ah." Sabi ko sabay subsub ng mukha ko sa leeg nya.
Hmm ang bango.
"Chansing ka na naman eh." Sabi nya habang tinutulak ako palayo sa katawan nya, pero lalo ko pa hinigpitan yakap ko. "Jade naman eh, bitaw na kasi. Kagabi ka pa ah! Pinagbigyan na nga kitang makatabi ako matulog eh. Abusada ka masyado." Napangiti naman ako sa pagrereklamo nya. Di naman talaga kami tabi matulog dito sa condo ko pero dahil nga sa nangyari kagabi naging excuse ko tuloy yun para makatabi sya. Akalain mo yun may maganda rin palang naidulot yung pagseselos ko sa kutong lupang yun. Nakatabi ko sa pagtulog ang girlfriend ko. One point !
"Bakit ba, may kasalanan ka pa sakin. Nagseselos ako lambingin mo ko." Parang batang sabi ko.
Napatawa naman sya sa inakto ko. "Gosh! Ikaw ba talaga yan?" Sabi nya habang sinasalat salat noo ko. "Ang clingy mo yata saka umamin ka talagang nagseselos ka ah. Grabe nasan si Jade ibalik mo sya" Tumatawang asar nya sakin. Napatawa rin ako ng mahina dahil sa sinabi nya. As much as I wanted the old Jade back, I can't. Ibang iba na talaga ako mula nang makilala ko sya. Ibang iba.
"Well, what can I say dumating ka kasi and you change me to be a better version of myself." Sagot ko na ikinatigil ng tawa nya at kinapula nya. Cute.
"Hmp! You mean clingy version of yourself." Pambabara nya para pagtakpan ang pamumula ng mukha nya.
"Clingy pala huh!" Sabi ko sabay kiliti sa kanya. Tawa lang kami ng tawa habang pagulong gulong dito sa kama.
Dingdong!
Napahinto kami sa kulitan namin ng tumunog ang doorbell.
"May iniexpect kang bisita?" Tanung nya.
Sino na naman kaya sa mga kaibigan ko ang maagang nambubulabog samin.
"Sa pagkakatanda ko wala naman. Baka sila Jace lang yan."
Dingdong!
Mahina naman syang napatawa nung narinig ulit naming tumunog ang bell. Asar naman na napabangon ako sa kama saka inayos sarili ko. Si Amber naman bumangon nadin saka nagligpit ng higaan.
Dingdong!
"Damn!" Mahinang mura ko. Tawa naman ng tawa si Amber.
"Pagbuksan mo na at baka masira pa nila yung doorbell mo." Iiling iling na sabi nya saka naglakad papuntang banyo.
Kainis talaga! Humanda talaga sakin tong sila Mia.
Nakabusangot na bumaba ako ng hagdan at binuksan yung pinto.
BINABASA MO ANG
I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)
Romance"Wala akong pakialam kong mahal mo sya. Mamahalin mo ko sa ayaw at sa gusto mo dahil akin ka! At hindi sa kanya!--- Jade "Baliw ka talaga. Hindi mo madidiktahan ang puso. I love her!"--- Amber Biglang sinunggaban ng halik ni Jade si Amber. Mapusok...