Chapter 12

4.3K 197 17
                                    

Jade









"Ano kumusta? Naka score ka ba?" Tanung nang loko lokong si Mia sakin pagkabalik ko galing sa paghatid kay Amber sa kanila.

"Siraulo! Manahimik ka nga. Ano ba kasing ginagawa nyo ditong apat." Sagot ko habang isa isang tinitingnan sila na kampanteng nakaupo sa sala ko.

"Ayun ayaw tayong nandito guys, Nabitin yata kanina. Si Jace kasi bigla biglang nambubukas ng pinto may naudlot tuloy." Sabat ni Ems saka sila parang baliw na nagtawanan at nag apir pa sa isat isa. Tsk! Mga baliw talaga.

"Tumigil nga kayo dyan." Sabi ko saka pinaurong si Ems para makaupo ako "Tabi"

"Pero ate di nga may naistorbo ba talaga kami kanina?" Inosenteng tanung nang kambal ko.

"Wala. Aalis kasi sya, pinigilan ko lang kaso na out of balance kami kaya yun." Paliwanag ko. "Pero maiba tayo, ano talaga ginagawa nyo dito? Alam ko di lang yun pinunta nyo." Dugtong ko.

"Well, after class kasi PRES, dapat may meeting tayo to finalize everything para sa student week kaso wala kaming president na naabutan." Si Vera, at talagang diniinan nya pagbigkas nang position ko tsk!

"Sorry nawala sa isip ko." Sabi ko saka tinaas ng bahagya ang braso ko. "You know."

"Yeah accident" Si Ems, pero may nakakalokong ngiti sa labi.

"Whatever" Sabi ko na lang.

Sangkaterbang pang aasar din ang natanggap ko sa kanila bago nila ako tigilan at nagtuloy na sa pag uusap tungkol sa mga gagawin sa nalalapit na student week. After namin mag usap usap to finalize everything naisipan kong itext si Amber. I send her a simple hi pero di man lang nagreply.

Babaeng to.

Kinabukasan inagahan ko ang gising. Pupuntahan ko si Amber sa kanila para sunduin.

Nag doorbell ako sa gate nila at isang matandang babae ang nagbukas sakin.

"Good morning po. Andyan po ba si Amber?" Magalang na tanung ko.

"Nandito sya nagbibihis lang. Sino ka at anong kelangan mo sa kanya?" Tanung nang matanda. Nagdadalawang isip ako kung anong isasagot ko sa kanya. Girlfriend o manliligaw nah!

"Kaibigan nya po ako susunduin ko po sana sya. Ako po pala si Jade." Sabi ko na lang. Tiningnan ako nang matanda mula ulo hanggang paa. Gusto kong mapataas nang kilay sa ginawa nya pero pinigilan ko kasi di naman ako pinalaking bastos.

"Ngayon lang kita nakita iha. Di ko alam na may ibang kaibigan pa pala yang batang yan maliban kay Sandra." Maya maya'y nakangiting sabi nya. "Ay naku pasensya ka na, pasok ka pala." Dugtong nya nung mapansing kanina pa kami nakatayong dalawa sa may gate. Buti naman at nangangawit na ko kakatayo.

"Ok lang po at salamat." Sabi ko saka ngumiti din sa kanya. "Bago palang naman po kaming mag kaibigan." Dugtong ko. Pero malapit nang maging magkaibigan

"Ako nga pala si Nana Ising. Ako ang nag alaga sa batang yun mula pagkabata." Pakilala sakin ni Nana Ising habang papasok kami sa bahay nila. Sa totoo lang malaki ang bahay nila Amber. Masasabi kong napapabilang sya sa mayamang pamilya pero bakit parang ang lungkot dito. "Wala ang mama nya nasa ibang bansa" Dugtong ni Nana Ising habang sinenyasan akong maupo sa sofa nila.

"Nagbakasyon po ba?" Curious na tanung ko.

"Ay naku hindi. May project kasing ginagawa doon o kaya kliyente na kinakausap. Ganun naman yun minsan nga lang umuwi dito ang mama nya mas madalas nasa ibang bansa para sa trabaho." Malungkot na kwento ni Nana Ising. Di ko maiwasang malungkot din para kay Amber. "Gusto mo ba nang juice?" Alok nya. Umiling ako.

I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon