Chapter 28

1.3K 58 6
                                    

Amber









"Jade." Kalabit ko sa kanya. Andito na kami sa condo nya. Dito kami dumiretso galing sementeryo. Kanina padin sya tahimik at malalim ang iniisip. Hinayaan ko lang muna sya kasi kahit ako nashock sa sinabi nya, pero ngayon na nandito na kami sa condo gusto ko syang kausapin pero kanina pa nya ako dinededma at iniiwasan. "Jade ano ba pansinin mo ko." Naiinis na sabi ko. "Talaga bang hahayaan mo lang akong mag isip dito? Hindi mo man lang ba ako kakausapin?"

"I'm sorry." Mahinang sagot nya pero di naman nakatingin sa akin. More on nakatalikod sya sa akin. Inis na naglakad ako sa harap nya at namewang.

"Dapat lang mag sorry na noh. Kanina mo pa kaya ako di pinapansin tap--"

"I'm sorry I killed her." Mahinang bulong nya na nakapagpatigil sa lintaya ko. Nakayuko lang sya at nakakuyom ang kamao.

"It's not your fault." Seryosong sabi ko. Napaangat naman ang tingin nya sakin.
Nagtatanung ang mga matang tumitig sakin. "Look Jade, I don't believe that you killed your mom." Walang alinlangang sabi ko. Mapait naman syang mapangiti.

"What if I really did?" Mapanghamong tanung nya.

"Are you trying to scare me away?" Naniningkit ang matang tanung ko. Napatitig naman sya sakin saka umiling ng dahan dahan.

"Nope. I'm just telling you the truth." Sabi nya saka naglakad paalis pero pinigilan ko sya sa braso.

"Ayan ka na naman eh, aalis ka na naman. Di pa nga tayo tapos mag usap lalayasan mo na naman ako panu tayo magkakaintindihan nyan?" Napipikang pigil ko. Nagulat ako nung tinabig nya ang kamay ko saka ako hinawakan sa magkabilang balikat.

"I killed her okay! I'm the reason why she's dead. Kung nakinig lang sana ako sa kanya nung gabing yun edi sana buhay pa sya ngayon! Edi sana kasama pa namin sya ngayon! But because I'm a rebel according to my damn of a father umalis ako nung gabing yun that cause her life." Hindi ko maiwasang mapatitig sa mga mata nyang punong puno ng sakit habang sinasabi nya ang mga katagang yun.

"What happened?" Tanung ko habang hindi inaalis ang tingin sa mga mata nya. Bigla naman umilap ang mga to at hindi na makatingin sakin ng deretso.

"I-- I" Gusto nyang magsalita pero alam kong nahihirapan sya.

"Jade alam ko mahirap, hindi kita pipilitin kung ayaw mo pag usapan. Pero gusto ko lang malaman mo na we're in a relationship. Your problem is my problem, your pain is my pain, your happiness is my happiness. Andito lang ako makikinig ako katulad ng pakikinig mo sakin." Sabi ko saka ko sya hinalikan sa noo at dumeretso na sa sala. I open the television and watch. Ilang minuto rin ang nakalipas bago sumunod sakin si Jade at tahimik na umupo sa tabi ko.

"So, ano nang gagawin natin?" Basag ko sa katahimikan. "Should we watch a movie? Anong gusto mong palabas?" Sunod sunod na tanung ko para maging at ease sya.

"Amber." Tawag nya.

"Hmm?" Sagot ko pero busy padin sa kakapindot ng remote.

"Mom died because she followed me that night." Umpisa nya na nakapagpatigil sa ginagawa ko.

"Where?" Mahinang bulong ko.

"Trish." Binaba ko ang remote at humarap sa kanya. Hinawakan ko ang kamay nya at pinisil urging her to continue. "She's my first love" Dugtong nya.

"Sya ba yung tinutukoy ni ate beth?" Tanung ko, tumango naman sya.

"Ayaw sa kanya ni dad. And he hates that I turned gay because of Trish." Tahimik lang akong nakikinig. "Like your mom, gusto din ni dad na hiwalayan ko si Trish but I won't, I loved her so much." Parang may pumiga sa puso ko nung marinig kong may mahal syang iba. Though past na yun I can't help but feel hurt because of the information. "Until one day, sobrang away namin ni dad dahil di padin nya matanggap si Trish, yun ang pinakamalala na umabot sa pagtatakwil nya sakin." Napasinghap naman ako sa nalaman ko. I never thought na nagawa syang itakwil ng daddy nya dahil lang sa nagmahal sya.

"Jade." Puno ng pag aalalang sambit ko. Pinisil naman nya ang kamay ko na nakahawak sa kanya.

"To make the story short. Sa sobrang galit ko ng walk out ako, hindi ko alam na sumunod pala si mommy sakin. She keeps calling may name that night until I hear nothing but an impact so loud that makes me turn around. But it's too late, sa kakahabol sakin ni mommy hindi nya napansin ang sasakyan, nabundol sya. 50/50 sya nung sinugod namin sa hospital. But she was able to tell me she loves me before she dies." Hindi ko alam kung panu ko pagagaanin ang loob ni Jade sa mga oras na to. Ang tanging nagawa ko na lang ay ang yakapin sya at iparamdam sa kanya na nandito lang ako. Matagal na katahimikan ang namayani sa amin.

"Now you know, you still want me?" Maya maya'y tanung nya.

"Jade hindi mo kasalanan yun, you did'nt kill your mom. It was an accident." Mahinahon kong sabi.

"But I'm the reason she's dead. Kung lumingon lang ako nung tinawag nya ko hindi sana sya tatakbo para habulin ako." She argued.

"She loves you and that's all that matters. Don't beat yourself up. It's not your fault."

"Dad hates me though. I killed her wife." Sabi nya.

"Did he tell you he hates you?" Napatingin naman sya sakin saka dahan dahang umiling. Napangiti naman ako.

"But he makes sure, I felt it." Dugtong nya na nagpawala sa ngiti ko.








*****

"Ate! I'm so glad you made it." Masiglang salubong sa amin ni Jace saka yumakap sa kapatid nya. "Hi Amber." Bati nya sakin then she silently mouthed "thank you." Tipid naman akong ngumiti at tumango.

"Anak?" Napalingon naman kami sa pinanggalingan ng boses. And there I saw him, must be their dad. Parang male version sya nila Jade. Lumapit sya sa amin habang nakatingin kay Jade. "I'm glad you came." Sabi nya sa kalmado pero baritonong boses.

"Yeah." Walang ganang sagot ni Jade. Nabaling naman sa akin ang tingin ng daddy nila. Bigla akong kinabahan kasi base sa kwento ni Jade kanina ayaw ng daddy nya kay Trish baka ayaw din nito sakin.

"And you must be Amber." Sabi nya.

"Yes Sir." Alanganing sagot ko.

"I'm John, their father. Just call me Tito John." Pakilala nya sabay lahad ng kamay.

"Please to meet you po Tito John." Sagot ko sabay abot ng kamay nya.

"Jade?" Sabay sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses. It was a girl and she's so beautiful. I was busy admiring her when she run towards Jade and what comes next shocked me.

She kiss Jade.

What the heck?!

Saglit lang yun. Just a peck pero ibang sakit ang naramdaman ko. Nakita ko namang nabigla din si Jade sa nangyari.

"I missed you." Sambit ng babae habang nakayakap padin sa leeg ni Jade.

And when I thought I've had enough shocked for the night. Jade utter the name that makes me insecure inside.

"Trish"

Damn!







*****

A/N

Damn talaga haha!

Low guys :)

I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon