Chapter 25

1.8K 70 5
                                    

Jade












"Ate naman you have to be there. It's mom's birthday, please ate kahit para sakin man lang." Pagsusumamo ni Jace sakin. Nandito sila ngayon sa sala ng condo ko, tumatambay. Dito na daw sila ulit magchichill kasi wala na daw yung binahay kong chix, mga siraulo rin eh. Bigla ko tuloy namiss si Amber. Pagkatapos kasi ng pag uusap nila ng mommy nya kahapon ay humiling ito na umuwi na si Amber dahil di daw nya matake na parang nag lilive in kami. Grabe sya, hindi naman kaya, kung alam lang nyang hanggang yakap lang ako hmp!

"Ay naku si Amber na naman nasa isip nyang kambal mo Jace." Sabi ni Ems na nagpalingon sakin sa kanya. "Tingnan mo oh ngingiti tapos sisimangot. Nabaliw na ng tuluyan." Dugtong nya sabay bato sakin ng unan. Sinamaan ko naman sya ng tingin nasapol nya kasi ako sa mukha.

Lokong to!

"Siraulo ka! eh ano ngayon kung iniisip ko yung girlfriend ko? Masama ba?" Sagot ko sabay bato pabalik sa kanya ng unan. Tumatawang sinalo naman nya yung unan.

"Hayaan nyo na nga yan si lovergirl. Ngayon nga lang yan na inlove inaalaska nyo pa." Saway sa kanila ni Vera. Nginitian ko naman sya buti pa tong isang to naiintindihan ako.

"Sus! Ngayon nga lang ba? Eh diba nga nainlove na yan dati kaya nga--" Hindi na natapos ni Mia ang sasabihin ng walang habas na tinakpan ni Ems ang bunganga nya. Bigla namang nag iba ang timpla ng mood ko sa pagkakabanggit ni Mia nun. Binaling ko na lang ang tingin ko sa iba baka ano pa masabi ko.

"Mia my dear friend, kung gusto mo pang humaba ang buhay mo I suggest shut the fuck up." Sabi ni Ems sabay nguso sakin. Tinangal naman ni Mia ang kamay ni Ems saka ito binatukan.

"Kadiri ka ang alat ng kamay mo." Nakabusangot na sabi nya sabay punas ng bibig.

"Eh sino ba kasi may sabing tikman mo huh?" Banat naman ni Ems.

"Baliw! Di ko yan matitikman kung di mo yan nginudngud sa nguso ko." Di parin maalis sama ng mukha nya.

Tatawa tawa lang naman si Ems. "Uy! Madaming nagkakandarapa matikman lang to kaya wag kang choosy." Sabi pa nya.

"Palibhasa mga walang taste yung mga babae mo." Ganting alaska naman ni Mia.

"Aba't--"

"Tumigil na nga kayo para kayong mga bata." Saway ni Jace. "Ate pumunta ka huh sama mo si Amber." Baling ni Jace sakin.

"Titingnan ko." Tipid na sagot ko.

"Ate naman, can you let go of the past and be there. Si dad na mismo ng invite sayo pwede bang magkalimutan na lang kayo?" Naiinis ng pangungumbinsi ni Jace.

"Easy for you to say hindi naman kasi ikaw ang tinakwil." Walang emosyong sagot ko.

"Ate nabigla lang si dad noon. Hindi nya sinasadyang itakwil ka, dala lang yung ng galit at sakit." Pangungumbinsi pa nya.

Napabaling naman ang tingin ko sa kanya at mahinahon pero may diing nagsalita. "Bakit Jace ako ba hindi nasaktan? Ako ba hindi nagalit sa sarili ko? Galit na galit din ako sa sarili ko kasi ng dahil sakin----"

"JADE!" Putol ni Jace sa kung anuman ang sasabihin ko. "Hindi mo yun kasalanan at hindi ka namin sinisisi kahit si dad, aksidente lang yun Jade!" Naiiyak ng sigaw ni Jace habang nakatitig sakin. Napahinto naman ang mga kaibigan namin at alam kung ramdam nila ang namumuong tensyon sa pagitan namin ng kambal ko.

"No! It's my fault alam ko naman eh at kahit anong sabihin ni dad alam ko ako ang sinisisi nya sa nangyari." Matigas kung sagot.

"Ikaw lang ang nagpapahirap sa sarili mo Jade. Matagal ng kinalimutan ni dad yun at matagal ka narin nyang hinihintay na bumalik. Ikaw lang naman itong nagmamatigas."

I Love You More When I Hate You Most (Girlxgirl) (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon